Sunday, August 26, 2012

APPLY ABROAD


PAANO MAKAHANAP NG TRABAHO ABROAD

Maraming paraan para makahanap ng trabaho sa ibang bansa.  Nandiyan ang advertisement galing sa television, newspaper, flyers at saka sa internet. Sa ating panahon ngayon hindi na mahirap mag-apply dahil sa medaling paraan para makahanap ng trabaho sa ibang bansa. Usong-uso na ang paggamit ng internet kaya pwede na tayong mag-apply sa pamamagitan ng internet. Kung wala kang sariling laptop o computer pwede kang makigamit sa kahit saang internet cafĂ©. Maraming website na ngayon ang tumutulong sa mga Filipino para makahanap ng trabaho.

Dati napakahirap, lalo na yong mga first timer nating kababayang mag-apply abroad. Yong galing probensya kailangan pang pumunta sa Manila at papasok sa iba’t-ibang agency para mag-apply. Dahil nga galing probensya at medyo wala pang alam sa kalakaran, hindi agad na asikaso ng mga agency. Ang iba naman para makapasok agad sa agency at mapansin at maisalang, dumadaan muna sila sa mga Agent. Kadalasan naman, humihingi ng malaking halaga para sa serbisyo nila. Nasabi ko ito kasi naranasan ko rin dumaan sa Agent. Biruin mo, gagawa sila ng mga kalokohan lalo na sa pag-upgrade ng work experience mo. Ang kabayaran noon ay syempre pera. Yong mga kasamahan ko sa Agent, ginawan ng work experience na hindi naman nila alam ang trabaho. Kadalasan pumasa sa Agency pero hindi lang nila alam na mas lalong pinapahirapan nila ang aplikante lalo na pagdating sa kanyang employer.

Ngayon mas pinadali ang pag-apply ng trabaho para sa labas ng bansa. Kung wala kang oras lumuwas ng Maynila o pumupunta sa Agency araw-araw, mas mabuting gamitin natin ang online application. Kadalasan sa mga tao ngayon alam na nila pano gamitin ang internet. Ang pinaka-malakas na website ngayon ang http//:www.workabroad.ph, mag register ka lang sa site at e-update mo na yong account details mo. Kompletuhin mo lang lahat na kailangan para mas lalong medaling mahanap ang iyong pangalan based sa work experience na nakalagay sa iyong profile. Maraming agency na member sa workabroad naghahanap ng aplikante sa site, pwede ka rin maghanap ng trabaho sa site kung natapos mo na ang registration mo workabroad. Siguraduhin mo lang na kompleto ang profile mo para mapili ka kaagad. Pagnakita ng Agency ang pangalan mo, tatawagan ka nila agad at may mga instruction silang sasabihin, tulad ng “hihingi sila ng permiso na ipapadala ang resume sa employer para sa selection, ang iba naman sasabihin nila na mag report ka sa opisina para sa employer interview o papuntahin ka nila para mag-submit ng mga documents mo. “ Sa ganitong paraan, hindi ka mahihhirapan akyatin ang mga matataas na building para mag-apply. Lalo na pag sa AYALA, MAKATI kayo napunta. Ilang palapag pa ang puntahan niyo para lang mahanap ang opisina nila. Nandiyan pa ang hirap na hanapin ang mga opisina kahit nasa kabilang kanto lang dahil sa dikit-dikit ang building tapos wala pang signboard sa labas ng building, kasi naman nasa 28th floor ang opisina nila. Address lang kasi ang nakalagay sa internet o sa newspaper.

Malaki talaga ang maitulong sa pag-apply online. Maiwasan ang pagkaligaw dahil hindi alam saan ang address ng agency. Bukod pa doon, ma minimize mo rin ang gastos sa pamasahe. Hindi ka rin umitim dahil sa sobrang init at usok sa labas.
Ang payo ko mas maganda mag-apply online kay sa mag adventure ka sa kung saan-saang lugar sa Maynila para humanap ng agency. Kadalasan pa sa mga agency kahit ano nalang gawin para makalikom ng pera. Saka kana pumunta sa opisina ng agency pag sinabi na nila na mag report ka sa kanila. Makapagtanong ka rin sa kanila kung saang iksaktong address kung hindi mo alam.

Pano malalaman kung ang agency ay accredited ng POEA? Una, kunin mo ang pangalan ng agency at hanapin mo sa website ng POEA kung acrredited sila. Ito ang website ng POEA: http//:www.poea.gov.ph e lagay mo sa box ang short name ng agency at click mo yong SEARCH. Malalaman mo kung accredited nila o hindi ang isang agency na inaaplayan mo.



FOLLOW THE STEPS ON THE IMAGES BELOW!

SIGN UP FOR YOUR FREE ACCOUNT

PROVIDE YOUR PERSONAL DETAILS

CLICK AGREE TO SUBMIT

YOUR PROFILE PAGE

JOB ALERT ON YOUR FIELD

YOUR WORKABROAD RESUME


1 comment:

  1. I'm just trying to promote my blog to all my friends worldwide. I don't have enough time as of the moment but maybe after this month I will start.

    Thanks for your visit.

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.