Thursday, August 23, 2012

BUHAY OFW


Hindi madali ang mamuhay sa ibang bansa, wala pa akong narinig na kababayan natin na bumalik sa Pilipinas at nagsabing napakadali lang niyang na adopt ang buhay sa ibang bansa at hindi man lang nahihirapan. Ako mismo napatunayan ko na yan kasi nagtatrabaho din ako sa ibang bansa. Siguro sa umpisa medyo maganda pa yong pakiramdam mo kasi bago yong lugar at malayo sa kinalakihan mo lalo na pag sa probensya ka nakatira pero paglipas ng ilang araw o linggo magsimula na ang HOMESICK mo. Yong pakiramdam na hindi mo maintindihan, gusto mong makita pamilya mo pero wala sila lalo na pag wala kang gadget na pwede mo silang makontak tulad nalang ng laptop o cellphone. Para gusto mong umiyak at buong araw at manapak ng kahit sino na masalubong mo. Mas lalo mo pang mararamdaman pag masyadong kang stress sa trabaho at dagdag pa ang barumbado mong boss o amo. 

Ang pagiging OFW ay napakahirap, isama na natin sa panahon pa ng pag-aapply. Hindi biro ang pabalik-balik sa agency na inaaplayan natin. Nandyan pa mga agency na malihig manghingi ng kahit ano-ano para lang kumita. Dadaanan mo pa ang napakahabang traffic sa EDSA. Sunog na nga balat mo hindi ka pa pansinin agad sa agency. Para sa mga taga probesya hindi madali mabuhay sa Manila. Maliban sa napakainit ng klima, sobrang mahal pa ng mga bilihin.

Matutunan mo pano magtipid, kadalasan hindi na kumakain ng umagahan ang karamihan sa mga applicant. Ako mismo kasama ko ang aking kumpare madalas di kami nakain sa umaga. Dinaan nalang namin sa kape. Linggo-lingo ina adjust mo ang iyong sinturan. Sino ba hindi mamayat na palipasin mo ang isang kainan, yon pa pinaka importante. Halos lahat na nag aapply abroad nakaranas ng hirap sa simula palang.

Siguro yong mga nakapag-asawa o pinitisyonan hindi masyado nakaranas tulad sa mga OFW natin pero sa pagasikaso naman ng kanilang mga papel doon sila naghihirap. 

Napakahirap talaga, sa lahat na mga gustong mag abroad marami kayong matutunan sa site na ito, sana makakuha kayo ng inspiration dito

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.