Thursday, August 23, 2012

BUHAY SAUDI



BUHAY SAUDI ARABIA
Mahigit sa isang milyon na mga Pinoy sa Saudi Arabia, kadalasan napunta ditto ay dahil sa pagtatrabaho at mangilan-ngilan lang na napunta dahil kinuha ng magulang nila o di kaya’y kinuha ng mga asawa nila. Akala ng mga kababayan natin sa Pinas napakadali ang buhay sa Saudi Arabia. Sa pagkaalam ko ang bansang ito ang pinaka strekto sa pagpapatupad ng kanilang mga batas. Pinamunoan ang bansa iisang HARI. Bawat syudad naman ay may mga Prensipe.
Napaka maunlad ang bansang Saudi, maliban sa karangyaan nila dahil sa yaman nila sa Gas, ditto din matatagpuan ang sentro ng Islam. Ang Makkah o Mecca sa atin ang lugar kung saan doon pumupunta ang lahat na mga Muslim sa buong mundo para mag HAJJ o mag OMBRA. Ito ay kadalasan magaganap sa buwan ng November hanggang December. Napakadaming bisita sa mga panahong yon. Dinadayo talaga ang Saudi dahil sa Okasyong yon.
Ang kilalang Landmark ng Saudi sa ngayon ay ang KINGDOM TOWER o FOUR SEASON HOTEL. Ito ay nasa Olaya Street sa sentro ng Riyadh. Ito isang luxury hotel sa Saudi. Ang  5 star hotel na tinutuluyan ng mga turista. At malapit lang din nito ang AL FAISALIYAH HOTEL na napakagandang 5 star hotel din. Sa taong 2017, sa Saudi makikita ang pinakamataas ng building sa buong mundo, under construction na ngayon sa JEDDAH, Saudi Arabia.
Mayaman ang bansang Saudi. Makikita mo sa mga kotse na dumadaan sa kalsada. Yong paminsan minsan lang natin makikita sa daan doon sa Pinas na mga tinatawag nating luxury car ay normal mo lang makikita sa mga kalsada sa Saudi ang kadalasan mga binatilyo lang ang nagmamay-ari. 
Marangya ang pamumuhay ng mga Saudi, wala sa isip nila ang mag-ipon. Nakikita ko yan sa mga asta nila pag may pera. Waldas dito waldas doon. Di sila nanghihinayang sa pera nila. Biruin mo naman nasa kanila ang pinakamalaking deposito ng Gas sa buong Middle East. Although, may mga area ng Saudi na marumi ang mga kalsad pero makikita mo pa rin na pulido ang pagkagawa ng mga daan nila. Makukulay ang buong Saudi tuwing gabi, sa dinami daming ilaw parang wala kanang makitang bituin sa kalawakan.
Sa gabi normal mong makikita sa mga gilid ng daan ang mga Saudi na parang nasa bar lang sa Pinas, syempre pag may kumikutitap bar yan sa Pinas pero sa Saudi, Coffee Shop lang yon. Akala mo mga lasing sila pero wala lang, nag-uusap lang at nagpapalipas ng gabi. Dami mong makikitang tumatambay sa STARBUCKS. Samantalang sa Pinas, kape palang nasa Php 170 na. Pero sa kanila wala lang.
Nakakainggit ang mga Saudi. Pero para sa karamahin ang Saudi Arabia ay napakayaman pero “PATAY NAMAN ANG LUGAR NILA” sinabi nila yon dahil nga walang mga night life sa kanilang bansa. Ang Saudi ay sagana sa historical spots na pwedeng dayuhin ng kahit sino, maraming bumisita sa Saudi bilang turista. Pero nangunguna pa rin ang bisitang pumunta ditto dahil sa trabaho at negosyo.
Walang enjoyment sa bansang iyon. Pasalamat na rin siguro mga tao sa Saudi kasi marami ngang mga binatilyong pasaway lalo na siguro kung hinayaan pa nila ang bibisyo. Baka nawala na rin ang Saudi dahil sa sborang gulo.
Samantala,  kung batas naman ang pag-uusapan, napakadelikado talaga dito sa Saudi, kontrolado nila ang batas, halos lahat ng mga dayuhan ditto ay takot sa mga MOTAWA. Si lang naman ang nanghuhuli sa mga pasaway na sumusuway sa batas. Syempre bawat MOTAWA na manghuhuli may kasamang Pulis. Ikukulong ka lang naman nila at every Friday, ipapatikim sayo ang paghahampas sa iyong katawan habang nakakadena ka. 
Kadalasan sa mga nahuhuli ay yong mga lumalabag sa batas nila na mga babaeng hindi nagsusuot sa prescribed na damit, lalaki at babae na magkasama na hindi naman mag-asawa. Gano’n paman uso pa rin ang prostitution sa Saudi pero palihim ang kalakaran. Yon kung malakas ang loob mong lumabag sa kanilang mga batas.
Maraming mga kababayan natin ang malalakas ang loob lalo na yong matatagal na sa bansa at alam na nila ang kalakaran, at kadalasan sila pa yong nagtuturo sa mga baguhan. Hindi lahat ng sakop ng Saudi napakahigpit maliban nalang sa Riyadh kung saan doon nakatira ang HARI.
Ang ibang bahagi ng Saudi ay medyo malauwag na ng kunti kumpara sa Riyadh, tulad nalang ng JEDDAH, DAMMAM, AL KHOBAR, JOBAIL at yong malayong mga probensya. Doon wala ng masyadong MOTAWA na nanghuhuli, ang ibang siyudad nga may mga diskuhan na kaso patago pa rin. Kaya yong ibang kababayan sinasamantala ang pagiging maluwag.
Marami rin akong nakausap na mga kababayan natin na umaaming may asawa sila sa Saudi at mayron din sa Pinas. Ang lupet naman! Dalawang pamilya mayron sila. Kaya nga yong ibang pamilya sa Pinas hirap parin kahit nasa abroad asawa nila ito’y dahil may ibang pamilya pala ang asawa at tatay nila ditto sa Saudi. Ikaw ba naman dalawang pamilya. Maliban nalang kung ang buwanang sahod mo ay aabot sa mahigit Php 100,000 siguro kasya na yon. Pero kadalasan sa mga nagloloko ay yong mga maliliit lang ang sweldo. Buhay nga naman.
Hindi madali mamuhay sa isang lugar na namapakahigpit tapos malayo sa pamilya kaya yong iba natutukso sa mga kababayan din natin na nandoon. Kahit na pareho silang may asawa sa Pinas. Hirap labanan ang HOMESEX kung nasa ibang bansa kang mahigpit. Papasok talaga sa isip mo ang mga kalukuhan kung hindi ka nag-iisip sa kinabukasan ng iyong pamilya sa Pinas. Bukod doon, yong mga kasamahan sa trabaho. Pinapainggit ka sa mga kalukuhan nila.
Kung inggitero ka dito sa Pinas, naku mahirap mong labanan yan sa Saudi. Kung hindi man sa personal na may syota ang isang kababayanan natin, ang iba naman ay nangungulekta sa Facebook. Dahil sa walang makausap kaya ang ginawang libangan ay ang social media. Lalo na yong nakagamit lang ng Laptop nong napunta na sa Saudi at ni makahawak man lang sa Pinas ay di nagawa. Sila pa yong nagmamarunong. Akalain mo kung sino. Kung hindi dumating ng Saudi, hindi nagmamayabang. Mura lang ang mga gadget sa Saudi lalo na ang Laptop at mga Cellphone kasi nga wala TAX sa kanila. Yong doon lang nakakahawak ng mga gadget, sila yong nababaliw, halos lahat ng babae makita sa friends nila o sa mga nag pop-up sa kanila account ina-add.
Ayon na, puro lukuhan ang ginawa, yong mga babae naman nagpapaloko din dahil din kasi pareho sila HOMESEX. Marami akong kasamahan na ganon ang mga ugali. Pinangaralan ko sila nong umpisa pero magsasawa ka rin dahil ginagawa pa rin nila. Nakaka badtrip kasi, lalapit sayo pag nag-away sila ng asawa nila tapos yon pala panay panloloko niya sa mga kababaehan sa internet. Biruin mo naman, nakuha pang mag I LOVE YOU sa mga wall nila. Eh yong asawa sa Pinas wala ding kamuwang-muwang sa social media ayon di man lang nababasa, saka na pag may nagsumbong na kamag-anak na aware sa kalakaran sa internet kaya sabug ang pamilya. Marami sa mga nakausap ko na kampante sila na “mahal sila ng mga asawa nila” kaya sabi nila kahit magloko man ito sa internet “di sila ipagpapalit” di kalaunan nalalaman nila na uso pala TXTMATE sa Pinas kaya marami narin pala txtmate asawa nila.
Nakakatuwa, naglaylo ang mag-asawa sa mga kalukuhan nong maisip nila na mali pala ang mga ginagawa nilang kalukuhan. Lagi nalang nag-aaway, di makausap sa cellphone ng maayos, ang mahal pa naman ng load pantawag sa pinas, kaya ang iba baon sa utang dahil naubos sa load ang sahod ng asawa. May nagging kaibigan din ako na masyadong mayabang, yon nga mahal daw siya ng sobra ng asawa niya. Nong nauwi sa Pinas, isang buwan walang maayos na relasyon kasi nahuli nya ang asawa na maraming katxt. Kaya napaisip din siya sa pinaggagawa niya sa Saudi. Wag kayong masyadong makasarili.
Kung nagawa niyo ang panloloko sa asawa niyo, sigurado magagawa din ng asawa mo na lukuhin ka. Kung may pamilya kana bakit kappa maghanap ng iba, kung pinapasaya mo ang ibang tao sa pamamagitan ng lagging pakipag-usap sa telepono o sa internet, pano pa kaya ang pamilya mo sa Pinas.
Upang maiwasan ang masyadong HOMESEX sa Pinas, ugaliin mong kausapin ang pamilya mo. Wag kang matakot na lagi sila manghihingi sayo bawat txt niyo. Nasa iyo naman yan, itanim mo sa isip ng pamilya mo hindi madali kumita ng pera sa Saudi. Kaya hindi kailangan umasta silang parang sino. Mauunawaan ka rin nila. Nasa iyo ang lahat na susi para makaahon kayo sa hirap.
Alam niyo kung bakit ko nasabi ang mga iyon? Dahil naranasan ko rin na lukuhin ang asawa ko. Marami akong pinasaya sa internet, parang kapamilya ko na rin sila. Pero nong natauhan ako, nasabi ko sa sarili “kung napasaya ko ang mga niloloko ko sa internet na hindi ako nila kilala, pano pakaya ang sarili kong pamilya. Pinutol ko ang ugnayan namin ng mga nagging kaibigan ko at sinimulan ko sa pakipag-usap sa pamilya ko” nagiging masaya sila lahat at syempre pati din ako. Wala na masyadong problema sa amin. Hindi ko sinulat to para hikayatin ang mga kababayan natin na manloloko na magbabago na.
Nasa iyo pa rin ang desisyon. Dapat mong isip na ang magandang takbo ng buhay mo ay nakasalalay sayo kasi ikaw ang DRIVER ng BUHAY MO. Walang ibang gagawa nyan kundi ikaw. Kung may plano ka sa buhay mo at sa pamilya mo, sikapin mong maging magaling na driver para makarating ka sa iyong paroroonan sa tamang petsa at oras na walang mangyayaring masama sa iyo at sa nagging pasahero mo.
Sa kabuoan, kung gusto mong mag-ipon at mapalayo sa mga bisyo, mas maganda puntahan ang Saudi Arabia. Dito ka pwede makabili ng mga murang gadget at jewelries. Kaya siguro mas lalong dumami ang mga kababayan natin na pumupunta sa Saudi at ang iba sa kanila ay umabot na sa mahigit dalawang dekada na namamalagi dito.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.