Bakit Ba Ako Disapproved sa Loan?

Share:
Sa araw-araw na pamamalagi ko sa social media, nahahalata kong naging tamad na ang mga tao sa pagbasa ng mga importanteng mensahe na napupulutan ng aral at magagamit sa pang araw-araw na pamumuhay. Halimbawa, sa mga facebook group, mas piliin pa nila ang mag comment at hindi binabasa o kung binabasa man ito'y hindi iniintindi at wala silang pakialam kung meron bang aral ang post na iyon. Napansin ko lang sa mga post ko, paulit ulit ang tanong kahit nasasagot na ito ng mahigit pa sa sampung beses.

Ang tao ngayon ay gusto isubo na lang ang lahat para hindi na sila mahihirapan. Nawala na ang pag-e-effort na matuto at maintindihan ang mga bagay-bagay. Pakiramdam moy wala ng taong matino sa ngayon. Tapos ang lakas magreklamo eh ang problema lang naman ay hindi sila nagbasa at hindi initindi kung anong mga mensahe sa post na nadaanan nila.

Ito ngayon ang masaklap. Nagrereklamo bakit disapproved sila sa loan. Dahil tamad magbasa at laging umaasa sa iba, karamihan ay hindi sumunod sa mga instructions na pinatutupad ng mga lending companies. It needs patience and effort to apply for a loan. Kahalintulad din ito sa pag apply natin ng trabaho, kung hindi ka matyaga at nagbabasa ng mga dyaryo para sa mga JOB HIRING, wala ka ring mapapala.

Bakit marami parin ang disapproved kahit sa mga lending companies na hindi masyado strikto? Simple lang ang sagot, ito ay dahil hindi sumunod sa tamang proceso. Nakakaasar pa, eh kahit simpleng bagay ay tinatanong pa sa iba na kung binabasa at ina analyze nila ang intructions, I am sure makukuha nila.

Oo, meron din namang sumunod sa intructions pero na disapproved. Ano kaya ang problema doon? Malamang sinunod nila ang intructions pero hindi naman tama ang nilalagayng detalye, kaya during interview hindi ito masagot ng maayos dahil karamihan hindi naman totoo.

Kung ang tao marunong mag-isip ng tama at nag e-effort sa pagbabasa at analyze, walang mabibiktima sa kahit anong scam. Biruin mo, kakapost lang na merong na scam na ganito ang modus, eh after few hours may sumunod na naman. Kasi, hindi nila pinapasin ang mga may aral na mga post. Lalong ayaw din nila yong mahabang post, ayaw nilang mag stay ng matagal sa isang post lang.

Hindi nakakapagtaka na maraming bumabagsak sa loan application itoy dahil hindi sila ready to face the challenge. Ano ang mga challenges? Una, walang tamang kaalaman kasi tamad magbasa, kung nagbabasa man ito'y hindi iniintindi. Pangalawa, hindi masagot ng maayos ang mga tanong dahil ang mga detalye ay hindi lahat totoo. Pangatlo, nasanay sa easy go lucky life. Ayaw mahirapan, at ayaw din mag apply ng loan sa website kasi daming kailangan punan, gusto nila sa tao kasi nakakausap nila at kunwari tinuturuan at tinutulongan sila, pero ang ending pala's na scam na sila.

Wag maging tamad sa pagbabasa, wag maging tamad matuto ng mga bagay-bagay. Wag maging tamad, tuklasin ang katutuhan at mas lalong wag maging tamad sa pagtulong sa iba.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.