Karamihan sa mga Filipino ay walang savings. Nabubuhay lang sa kung anong meron, ay tama na pero kadalasan ay kulang pa. Ang masakit, kahit bata pa ay may utang na. Ang mga Pinoy ay hindi mahilig mag-ipon. Nasanay na tayo na maging one day millionaire. Kung kinakapos sa budget, sa Bombay kumakapit. Hindi naman lahat, marami din naman lumapit sa mga lending companies na merong opisina malapit lang sa lugar natin. Mahilig tayong magbaka sakali, malay natin ma approved ang ina-applyang loan.
Bakit ba halos lahat na pumapasok sa utak ng bawat isa ay puro utang. Kung nagkagipitan, hanap agad ng mauutangan. Bakit kaya hindi tayo naghahanap ng paraan na maiwasan ang utang? Yon na rin siguro ang napamalas sa atin ng ating mga magulang at mahirap itong baguhin. Hindi ako mayaman, pero talaga mahilig akong mag-ipon. Ang dami kung bank account, na karamihan ay wala ding laman. Sabi nga nga joke, kung ang Pinoy daw may bank account, para itong coke. Bakit daw ba nasabi nila ang ganun? Kasi nga, KUNG HINDI DAW SAKTO, ZERO. Oo nga naman, yong bank account ko, kunting plus lang sa maintaining balance para hindi mag closed.
Ano ba ang kahalagahan ng isang bank account? Kung iisipin, kung wala ka namang planong mag ipon, useless talaga angpagkakaroon ng bank account. Aanhin mo yong passbook kung hindi naman mahuhulogan buwan-buwan? Siguro ganyan ang nasa isip mo pero wag po nating maliit ang kahalagahan ng bank account. Malamang sa ngayon wala kapang ihuhulog pero alam mo ba kung anong meron sa hinaharap? What if bigla kang nanalo ng swertres? Saan mo itatago ito? Sa ilalim ng unan? Kabinet? o ibaon sa lupa? Napaka lumang style naman yan, iba na ngayon. Marami ang mga may masasamang loob. Mas safe ito pag sa bangko mo itatago. Isa pa, hindi mo agad ito magastos sa mga walang kwentang bagay. Kaya mas maiging meron tayong bank account.
Sa ngayon, nauuso ang lending online. Kadalasan sa mga requirements ay bank account para doon nila ipasok ang pera mo pagkatapos nilang ma release. Problema lang, karamihan ay walang bank account. Kita mo naman gaano kahalaga ito, sa umpisa wala kang maisip na pagagamitan nito lalo na't wala ka namang ihuhulog. Pero sa pagkakataong ikaw ay nangangailang ng pera at wala kang ibang choice kundi mag apply online. Mas malaking posibilidad na hindi ka papasa kasi isa ito sa mga requirements nila. Mas pipiliin ng mga lending companies ang bank to bank transactions kay sa mga padala centers kasi malaki ang charges nito compared sa bank.
Kaya habang maaga pa at wala kapang naisip na pagagamitan mo sa bank account, kumuha kana. Be ready always. Malay natin baka kailanganin mo na bukas o sa makalawa, atleast ready kana. Ugaliing mag ipon kahit maliit na halaga bawat buwan. Sa oras ng emerhensya hindi ka mahihirapan. Oo maliit na halaga yan pero pag naipon, lalaki din yan. Wag kang mahiyang mag deposito ng kahit P100. Matutulungan ka nyan pagdating ng panahon.
Napakadali lang kumuha ng bank account. Kung meron kang dalawang valid ID, magsubmit ka lang ng photocopy, dalawang 2x2 picture or 1x1 if walang 2x2. Kung wala kang valid id, kumuha ka ng barangay clearance, NBI or police clearance, papayagan kana nilang mag open ng iyong bank account. Lumapit ka lang sa NEW ACCOUNTS section pagpasok mo sa bangko at sabihin nyo po mag-o-open kayo ng account. Bibigyan ka nila ng form tapos filled up mo kung anong mga personal details mo ang hinihingi nila. Maging handa sa ano mang oras, mag-ipon para sa panahon ng emerhensya at gawing habit ang paghuhulog ng pera sa iyong account kahit minsan kapos. Wag mahiyang mag-ipon ng centavo, balang araw magiging peso din ito.
Abangan ang aking next post....recommended banks na maaasahan sa oras ng pangangailangan.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.