DAPAT LAHAT MALINAW

Share:
Kung gusto nyong mag-apply ng loan sa online, kailangan lahat ay malinaw. Anong malinaw po na dapat naming malalaman? Ang mga loan evaluators ay hindi nagsasayang ng oras para bigyan kayo or tayo ng another chance. 

Halimbawa, Una, kung tumawag sila tapos hindi clear ang signal. Hanggang tatlong beses lang sila tatawag kung nasa mood ang agent. Pero kung may dalaw, naku hindi na yan tatawag uli kung chappy ang linya mo.

Kaya kung may ini-expect na tawag from lending companies, kailangan hindi kayo papasok or pumunsa sa lugar na mahihina ang signal. Kailangan clear ang linya at nagkakaintindihan kayo sa bawat tanong na nya at ibibigay nyo rin ang tamang sagot.

Pangalawa, sa pag UPLOAD ng ID or documents. Kadalasan, kunan natin ng pictures ang ID at documents natin pero kung suriin ng mabuti, malabo pala ito. Tips: Hindi uubra ang mga low in na cellphone sa pagkuha ng picture sa mga ID, malabo talaga ang results nito lalo na pag na upload na ito online. Gumamit ng mga High In na cellphone kung gusto nyong kunan ng picture ang ID at ibang documents.

Kung wala kayong high in na cellphone mabuting pumunta sa malapit na internet cafe para magpa scan ng inyong ID at ibang documents bago ito e upload sa website ng lending company na inyong napiling a-applyan.

Siguraduhing malinaw po ang lahat na dokumento kasi po wala ding second chance na ibibigay sa inyo para e to follow ang documents nyo. Kailangan ang ID ay malinaw na sa unang attempt mo to upload kasi hindi kana pauulitin nila para maging OK ang application mo. Hindi po sila ang mag-a-adjust para sa atin kundi tayo mismo nag-a-adjust para sa kanila. Yon ang kaibahan sa online loans. Kung nasanay tayo sa offline loans na medyo bini-baby ng mga loans specialist at sinusuyo pa kayo, ang laking kaibahan po sa online world. Kaya mag-ingat kung gusto nyong ma approved ang loans nyo. 

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.