Wednesday, October 11, 2017

GOVERNMENT VALID ID

Mahirap sa Pilipinas kasi dami nating ID's. Hindi tulad sa ibang bansa, iisang ID lang gamit nila at doon papasok ang lahat na transactions na ginagawa mo. Halimbawa, kukuha ng ng drivers license, yong Resident ID mo ang gagamitin. Ang drivers license ay magagamit lang sa driving related transactions sa ibang bansa hindi mo pwede gamitin sa bangko o sa kung ano-ano. Hindi tulad dito sa atin, ang drivers license mo pwede mo gamitin sa LTO, sa BANK, sa government offices at marami pa. Kaya mahihirapan talaga tayo dito ,magkaroon ng iisang ID lang kasi may kanya kanyang personal interest. Ito po ang tinatawag naPrimary ID ng Pilipinas. Pag meron ka nito maaaring hindi na sila hihingi pa ng ibang ID to support your identity.

           Primary ID
• Passport
• Driver’s License
• National Bureau of Investigation (NBI) Clearance
• Alien Certification of Registration/Immigrant Certificate of Registration
• Unified Multi-Purpose ID (UMID) / Social Security System (SSS) Card • Professional Regulation Commission (PRC) ID
• PhilHealth ID (digitized PVC)
• Government Office and GOCC ID, e.g. Armed forces of the Philippines (AFP ID), Home Development Mutual Fund (HDMF ID)
• Postal ID (issued 2015 onwards)
• Integrated Bar of the Philippines ID


Itong kasunod naman ay ang tinatawag nating Secondary ID's. Ang mga ito ay hindi stand alone. Ibig sabihin hindi e honor kung iisa lang. Hahanap ka ng dalawa sa mga ito para sa identification mo. Hindi ito mahirap kunin sa mag nag-iisue nito kasai ito ay nasa locality nyo lang at pwede mo makuha ng mas mabilis kay sa Primary ID.


   Secondary ID
         • Police Clearance
         • TIN ID
         • Barangay Certification
         • Government Service Insurance System (GSIS) e-Card
         • Senior Citizen Card
         • Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ID
         • Seaman’s Book
         • Voter’s ID
         • Certification from the National Council for the Welfare of Disabled Persons (NCWDP)
         • Department of Social Welfare and Development (DSWD) Certification
        • Company IDs issued by Private Entities or Institutions registered with or supervised or regulated either by the BSP, SEC or IC

Ngayon, tingnan nyo ang ID na nasa kamay nyo. Saan ito na belong? Sa Primary or Secondary? Kung sa secondary, kailangan nyo maghanap pa ng isa kung iisa lang ang pinakahahawak mong ID para hindi magkaroon ng abirya ang transaction na gagawin mo gamit ang mga ID na nasa itaas.

Sa pag-aapply ng loan lalo na't online, ang hinihingi ng mga companies at Valid ID's which is yong Primary ID na nakasulat sa itaas. Ang mga website kasi nila, kadalasan walang kakayahan na mag upload ng mga several ID's. ISANG ID lang ang kailangan nila at yon din ang tinatanggap ng website nila kaya they prepare for PRIMARY ID. Kung wala po kayong Primary ID, apply nalang kayo sa local lender ng iyong lugar kasi mahihirapan kayo pag sa online. Pwede rin kayong mag apply kahit walang ID pero hindi sa pangalan nyo, pwedeng sa asawa nyo, anak nyo, kamag-anak nyo, kapitbahay or sa kakilala nyo na meron Primary ID at pumapayag na gagamitin ang pangala at ID nya.       

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.