HAPPY LOAN SA CEBUANA

Share:
Madalas kung naririnig ang pinag-usapang Happy Loan sa Cebuana Luillier kaya sinadya kong pasukin ang branch nila na halos katabi lang din ng shop ko. Nag-inquire ako about nito sa kanila teller at binigyan ako ng isang maliit na papel para daw e comply ko yon bago mag apply. Binasa ko ang napakaliit na papel at ang nakasulat doon ay VALID ID, PROOF OF INCOME at PROOF OF BILLING.

Umuwi ako sa shop at kunuha ang mga original copy nong mga requirements na kailangan sa Happy Loan. Dahil meron din kaming photocopy kaya ako na rin nagphotocopy para xerox nalang ibibigay ko sa Cebuana. Few minutes later, bumalik nga ako at sinabihan ko ang teller na mag apply na ako ng Happy Loan at humingi ako ng form para makapag fill up ng mga kailangang detalye sakin.

Ilang minuto ding naghanap ng naghanap ang teller, nasilip ko kasi sa labas na meron siyang hinahanap. Mga ilang minuto bumalik sakin at sinabihan ako na naubusan sila ng form. Napaisip tuloy ako, malakas siguro ang Happy Loan kasi pato form ubos. Sinabihan nila ako na ipahahatid nalang daw nila kinabukasan ang form sa shop ko. Buti nalang kilala nila ako, suki pala namin sila sa photocopy.

Instead yong loan forms ang susulatan ko, sinabihan ng teller ang guard na bigyan ako ng CIS form. Hindi ko alam ano yon pero nong hawak ko na, katulad lang din pala sa KYC form na hawak namin para sa Smart Padala. CIS means Customers Information Sheet. Yon lang muna sinusulatan ko para hindi na ako magsusulat pa ng CIS kinabukasan pagkahatid ko ng loan form sa kanila.

Pinaiwan nila sa akin ang mga documents na dala ko. Iniwan ko ang photocopy ng aking SSS ID, PLDT telephone bill at Mayor's Permit ng aking shop. Bukod sa SSS ID pwede nyo rin gamitin ang mga ID's na ito:

-Passport -Driver’s License -Professional Regulation Commission (PRC) ID -National Bureau of Investigation (NBI) Clearance -Police Clearance -Postal ID -Voter’s ID -Barangay Certification -Government Service Insurance System (GSIS) e-Card -Social Security System (SSS) Card -Senior Citizen Card -Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ID -OFW ID -Seaman’s Book -Alien Certification of Registration/ Immigrant Certificate of Registration -Home Development Mutual Fund (HDMF ID) -Certification from National Council for Welfare of Disabled Persons (NCWDP) -Department of Social Welfare and Development (DSWD) Certification -Integrated Bar of the Philippines ID -Company IDs issued by private entities or institutions registered with or supervised or regulated either by BSP, SEC, or IC -Passport of Foreign Nationals and Driver’s License (with an English translation) -Student ID duly signed by the principal or head of school (only for students who are beneficiaries of remittances/fund transfers)
Pwede nyo ring gamitin ang inyong water at electricity bill na nakapangalan sa inyo. Kung hindi man, kailangan lang meron authorization galing sa parents nyo or sa may-ari ng bahay na tinitirhan nyo.
Kung halimbawang wala pa kayong negosyo, pwede nyong dalhin ang inyong Payslip pag kayo ay nagtatrabaho. Siguraduhin na nakapangalan sa inyo ito.
Saan kayo mag-aaply ng Happy Loan? Doon mismo sa Cebuana Luillier branch na malapit sa inyo. Dalhin nyo lang ang tatlong requirements na kailangan nila.

12 comments:

  1. nag apply ako sa isang branch dito sa amin, almost 1 month na, wala pa ring balita kung approve o disapprove.,nag follow up ako sabi daw on process pa..masyadong matagal ang proseso nila

    ReplyDelete
    Replies
    1. 3-5 days meron na dapat balita, kung kailangan kulitin sila gawin nyo po basta wala pa kayong update na approved or disapproved.

      Delete
  2. No good service. Pinaasa lang nila un application tpos ni txt wala man lang or notification kung approved or declined nag aksaya kapa ng oras at pagod and photocopy para sa mga requirements wala nman nangyari.kahit nag email kapa sa customer service nila wala reply. Walang kwenta!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Minsan kasi kailangan natin silang kulitin. Alam mo kung bakit? Dahil maraming chances na ang problema ay nasa branch hindi nila sinabmit ang loan mo. Kaya kung malapit lang kayo sa branch kulitin mo hanggang meron kanang text na approved or disapproved.

      Delete
  3. Nag inquire ako kanina. Di pala pwd kung public school teacher.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bakit daw po hindi pwede ang public teacher? Kung ganun sa Pera Agad ka nalang mas madaling ma approved ang mga titser.

      Delete
  4. Kpag po ba disapproved pede ba uli magtry?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes pwede pa umulit pero after 3 months pa ata, di ako sigurado..di bale itatanong ko yan sa kanila.

      Delete
  5. pano kung onLine business Lang ang income . wala naman permit na mkukuha sa brgy

    ReplyDelete
  6. ako 1 month bgo ngtxt ang cebuana dis approve p

    ReplyDelete
  7. Pwede po b ang tumatanggap ng regular remittance?ilang remittance slip ang ppakita?tnx po

    ReplyDelete
  8. Ganyan din ako complete req n rin tpos wlang nangyri

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.