Ano yong tatlong kailangan ni Moola sa mga applicants? Una, kailangan meron kang government issued ID. Halimbawa nito ay SSS, GSIS, PASSPORT, Driver's License at UMID. Siguro meron magtatanong, eh wala akong ganyan, VOTER'S ID at TIN lang. Well, depende na yon sa nag evaluate sa application mo, at depende din yon sa mood nya during interview. Kaya, kailangan straight to the point ang sagot mo sa mga tanong ng agent. At dapat clear ang signal ng iyong cellphone kasi pag hindi kayo nagkakaintindihan, malaking chances na disapproved yong loan mo.
Pangalawa, REFERENCES. kailangan meron kang character references, pwede naman magulang mo, asawa mo or colleagues mo. Baka po sa sobrang excited nyo, nakalimutan nyo na ang nilagay nyo pala ay si Mayor at Vice Mayor ng inyong lugar, pwede naman yon pero siguraduhin nyo lang na kilala kayo ni Mayor or ni Vice.
Pangatlo, JOB. Hindi po kayo papasa kay Moola kung wala kayong trabaho. Kailangan may trabaho ka ngayon. Kung wala, eh pano mo mababayaran ang loan mo. Hindi naman pwede sabihin mo sa agent, AKO NG BAHALA saan ako makakuha ng pambayad. Kailangan po, totoo ang isinulat nyo during sa application process.
Kung wala po kayo sa tatlo, wag nalang kayong mag-apply kay Moola. Doon nalang kayo sa iba. Pag nakompleto mo ang tatlo, maliwanag pa sa sikat ng araw ang YES na approval ni Moola sa application mo. Siguraduhing tama at totoo ang details na nilagay mo kasi sa interview, mahuhuli ka rin nila. Oh ano, ready ka na ba? APPLY NOW
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.