TIWALA! Salitang madaling bigkasin pero mahirap ng gawin nitong mga nagdaang araw. Ang mundo ay nag-iba, ang mga tao sumabay din. Maraming nang masasamang tao sa paligid at hindi exempted pati ang online world. Naglipana ang mga scammer sa kahit saang sulok ng laptop, computer or even sa cellphone mo kaya pati mga matitino ay nadadamay.
Nitong linggo lang nasubukan ko ang aking sarili paano e handle ang mga sitwasyon na minsan hindi mo alam paano e handle ang mga taong dati na ring na biktima ng sari't saring modus at na scam. Syempre, hindi na sila madaling mapaniwala kahit gaano kaganda ang opportunity o ang purpose mo.
Marami akong nabasa tungkol sa mga taong member ng isang facebook group na nahihirapan silang e CLAIM ang kanila approved Pera Agad Loan. Bilang isang Legit at authorized SMART PADALA CENTER na alam ko ang gagawin para ma process ang kanilang transactions, gusto mong tumulong pero ang nakakatuwa don, kahit na ang purpose mo ay tumulong sa kanila, hindi sila maniniwala sayo dahil natatakot sila baka maglaho na parang bula ang pera na inutang nila online.
Nakapa hirap kumausap kasi siguro din hindi ako sanay na titingnang scammer or isang taong opportunist. Sabi ko sa sarili ko "Bakit ako magpapakahirap sa pagpaliwanag eh pwede namang hindi ko na gagawin yon, may sarili akong negosyo at alam ko yong mga taong iyon ay mas mababa pa kay sa akin pero ang tingin nila sakin parang taong kalye lang nag-aabang ng makakain sa bawat taong dumadaan."
Alam ko mahirap pero sinubukan ko. Actually hindi naman puro pera lang ang nag motivate sakin to do the transactions. May prensipyo din kasi ako "na pag akoy may pwede itulong sa kapwa, ay gagawin ko. Sabi nga sa Bible at Acts: 20:35 THERE'S GREATER HAPPINESS IN GIVING. Yan ang tumatag lagi sa isip ko kahit saan man ako magpunta. Oo wala man akong maraming pera para makatulong pero siguro naman marami din akong alam na pwede kong e share sa iba para makatulong at sila din makapulot ng aral.
Pagkatapos kung magpaliwanag, marami pa rin ang hindi naniniwala sa akin. Pero hindi ko pinapansin ang mga negatibong tao na ayaw kong tulungan. Ganun paman, meron ding mga taong naniniwala, although sa umpisa ay hesitant makipag transact sa akin. Tulad ng sinabi ko sa kanila, hindi ko kayang gumawa ng masama para ipakain sa pamilya ko. At lalong hindi rin ako naghihirap sa buhay na gumawa ng kung anong masama para makakain. Sa negosyo ko online at offline, kahit na hindi ko na gagawin ang pagtulong sa kapwa, siguradong hindi ako magugutom. Nakakatuwa lang, grabe na talaga ang mundo, ang tiwala o TRUST at malapit na mawawala ng tuloyan.
Pero sa hirap ng pinagdaanan ko to answer questions from diffferent individuals meron din talagang likas na nagtitiwala sa akin. Hindi ko po sila pinilit pero nakita kung gaano nila ka needs ang pera na dapat ay makukuha nila. Nagpapasalamat ako sa kanila dahil sa pagtitiwala. Dahil kay Mam Pearl, marami na ding kumausap sa akin at nakikipag transact. Ang charge na binawas ko po ay mas mura pa sa Smart Padala Center na malapit sa kanila. Marami din akong nakausap na domoble pa sa standard charges na binigay ni SMART.
Si Mam Pearl Golez Hisona, ay hindi ko kilala. Nabasa lang nya ang post ko. Tapos nagpm sya sakin sa FB. Naunawaan ko ang sentiments nya. Nong una, nag-aalangan din kung ibigay nya sakin ang TRUST nya. Wala din naman syang choice kundi pumayag kasi badly needed nya ang amount. Pero madali kaming nagpalagayan ng loob, mga usapan namin sa messenger halos puro biruan lang. Sinubukan nga nya sakin, at tulad sa promise ko sa kanya, at 9am nasa kamay na nya ang reference from Palawan, at nagkatotoo. Salamat po sa tiwala.
Si Mam MaryGrace Julaton Tañamor, hindi kami masyadong nag-usap sa messenger kasi umaga umalis na ako sa bahay at pumutan sa shop, sa ngayon pinutol namin ang internet sa shop kasi magpapalit kami ng internet provider. Nag-iwan akong ng cellphone number. Nagtxt sya sakin at wala masyadong tanong. Napakabilis natapos transaction namin wala pang 5 minutes. MARAMING SALAMAT MAM MARYGRACE!
Nagsimula sa kanilang dalawa, at ngayon dumadami na silang nagtitiwala sa akin. Anyway, maraming salamat po. Makakaasa po kayong magiging smooth lagi kung ano man ang ating transactions. Sa mga merong tanong, mag-iwan lang kayo ng message sa chatbox sa baba, right below na may kulay green. Magre-reply din ako sa inyo kung meron kayong tanong.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.