Dala sa matinding pangangailangan, dumadami ang mga taong nangungutang. Karamihan sa mga Pinoy ay umaasa sa utang. Pero hindi lahat ng Pinoy ay may utang. Meron iba naman, nangungutang kahit hindi masyadong kailangan. Wala lang! Hilig lang talaga. Para nature na nating mga Pinoy mangungutang kahit meron pa naman tayong savings. Yong iba nga, nangungutang para ilagay sa SAVINGS ACCOUNT nila. Bakit po ganun? Kasi po pag umaasa tayo sa sahod, sa ngayong hindi na po maaasahan. Lagi nalang OD o di kaya'y may natira man ngunit ito'y para sa budget lang buong linggo. Kasunod non, wala nang mahuhugot sa ating mga wallet. Saan tayo kukuha pang bili sa susunod na mga linggo?
Karamihan sa atin ay umaasa sa 15th and 30th of the month or meron din iba sa 30th lang talaga. Ang hirap mag budget sa gastusin nyo sa buong buwan kung ang budget mo ay kulang. Karamihan sa atin hindi paman ipinanganak ay may utang na minana sa mga magulang pa natin. Kaya ang buhay nating mga Pinoy ay nakasalalay sa utang.
Medyo hi-tech na rin tayo ngayon. Kung dati ang nagpapautang ay mga Bombay lang na lumalapit sa iyo at lending companies na kailangan puntahan pa ng mga nangungutang. Napaka hassle at nakakapagod pa kasi pumila kapa, nag-a antay sa turn mo. Ang masaklap kung approved ka naman pero ang net mo nalang sa iyong loan ay kulang-kulang budget sa isang linggo tapos ang interest nito ay napakalaki.
Nagdaan ang mga araw, although uso pa din naman ang loan sa mga lending companies at Bombay, ngayon meron napong nabago. Pwede ng mangutang ONLINE. Hindi na kailangang tayo ang pupunta sa mga opisina nila. E enter nyo lang ang mga detalye na kailangan nila through their websites. Sila na rin ang tatawag for interview and evaluation sa financial status mo. Ang approved loan mo ay ipapadala sa payment partners of your choice. Napakadali lang mag LOAN ONLINE. From 5 hours to 24 hours pwede mo nang makuha ang iyong niLOAN.
Meron akong ka transaction today, sakin dinaan ang pera nila galing sa Pera Agad tapos nagpost about our transaction sa isang facebook group, na surprise talaga ako ng makita ko ang notification sa aking FB account na meron akong 1200 new messages na na filter at kailangan kong e ACCEPT para maka message back sila sakin. Bakit po ganun ka massive ang mga messages sa aking messenger?
Syempre, ang sagot po non ay dahil sa matinding pangangailangan ng bawat isa. Oo nabubuhat tayo pero hindi natin alam na ang dumudugtong nito ay si UTANG. Kung walang utang, wala kang panggastos at pambili ng pang araw-araw na pangangailangan.
Nakakagulat talaga na ang daming lumalapit sayo at gustong mangutang. Nakakaawa pero wala akong magawa dahil wala po akong enough funds to share. Majority po sa lumapit sa akin ay merong trabaho at munting negosyo pero nangungutang pa rin.
Marami kasing dahilan kung nabaon tayo sa utang. Yong mga unexpected things happened na hindi natin inaasahan tulad ng sakit. Walang may gustong magkasakit. Ayaw din natin magkaroon nito. Wala po tayong extra pundo na nilalaan sa ganitong situation. Kaya para maka survive, kailangan nating mangutang.
Ganun na ang cycle na ating buhay. Maliit na chances nalang na makaiwas sa tumatandang nabaon sa utang. Kaagapay at kasama na natin sa pamumuhay ang utang. Kung wala kang utang hindi mabubugay si JUAN.
pano po b
ReplyDeleteHow po?Ang gnda nman Ng program ninyo?nkakatulong sa preho ko pong nangangailangan.
ReplyDelete