MONEY TIPS:
Nauuso na ngayon ang PAUTANG. Kung dati sa bahay lang sila pumupunta para pautangin tayo, ngayon isang click lang ng mouse, abot kamay na rin natin sila. Hindi gaya sa mga lending company na nasa community natin na sobrang higpit sa paghingi ng mga documents. Ang online lending company ay pinasimple at pinabilis nila ang processo. Sa loob ng isang araw ay pwede mo na matatanggap ang loan mo.
Marami ang natulungan at halos hindi na rin mabilang ang mga nag avail sa loan online. Kung nahirapan magbayad ang nangungutang sa mga lending company na bumibisita sa bahay natin at naniningil, mas lalo pa ang nangyayari sa online. Mas nakaka pressure ang online kasi halos everyday ka tinatawagan para e remind sa iyo na meron kang dapat bayaran. Hindi magkatulad ang oras, minsan gigisingin ka nila ng nakapaaga para e remind ka na due mo na ngayon at kailangan mong bayad para walang penalty ang madagdag sa loan payables mo.
Siguro naiinis ka dahil wala sila sa hulog maningil minsan ipamukha sayo na dapat magbayad ka kasi ipapa barangay ka raw or ipapa pulis pa. Meron pang iba na ipa NBI ka raw at pupuntahan sa bahay nyo. Nakakainis man pero karapatan din nila yon na maningil at trabaho din nila yon. Bawat borrowers ay may mga naka incharge na loan officer at sila ang tagatawag sa iyo at sila din ang magprocess ng reloan mo. Kaya sa kanila din magbased ang desisyon kung approve or disapprove ka nila sa next loan. Kaya ingatan din natin ang ating nautang para sa oras ng pangangailangan pwede pa natin sila lapitan para mapapag reloan uli.
Nakakainis pero dapat din nating iisipin ang obligasyon natin sa kanila dahil tayo ang may utang. Oo may kakayahan tayong magbayad at hindi pwede mamaliitin nila tayo. Kahit ganon paman kailangan natin silang intindihin at wag pansinin kung ano man ang sinasabi nila, hindi rin naman sila nagsasabi ng masasama maliban sa pag remind ng iyong utang at dapat bayaran para hindi lumaki ng lumaki bawat buwan. Ganun talaga pag tayo ang may utang, merong naniningil sa atin. Siguro ganon din naman tayo pag meron nakakautang sa atin tapos nagpromise na babayaran sa ganung date tapos inaantay mo na ang bayad, ang ending wala pala. Kung ayaw nating ma remind or masingil mabuting iwasan natin ang mangutang kung kakayanin nyo pero I think sa sitwasyon natin ngayon, halos lahat dumepende sa sa utang para makaka survive.
Kung kayo'y uutang, dapat ang paglalaanan ng pera ay napaka importante at hindi pang liwaliw lang. Kung maari umutang kayo para pang capital sa isang munting negosyo. Para meron babalik na profit at part sa profit mo yon pambabayad mo sa interest at hindi mo masyadong maramdaman kung malaki ang interest na pinapatung ng lendeng company na inutangan mo.
Pwede kayong mag negosyo ng eloading kung gusto nyo. Alam nyo kung bakit eloading ang recommended ko? Dahil 17 years na akong nagnenegosyo ng load at lumalaki na ang shop ko. Katunayan magbubukas na rin ako ng another branch. Mabilis ibinta ang load, kasi kailangan ito ng tao bukod sa pagkain. Hindi na kailangan ng pwesto, pwede mong dalhin kahit saan. Napakadaling ibinta at hindi na kailangan ng malaking capital. Kahit P1,000 pwede ka ng magbinta ng load sa kapitbahay, kapamilya at kaibigan. Kung gusto nyo nang karagdagang information pwede kayong makikipag-ugnayan sakin, tuturuan ko po kayo pano, gawin ang loading business na hindi mauuwi sa wala. Marami ang nag eloading business pero hindi rin nagtagal kasi hindi nila alam pano gawin ito ng tama. Simple lang naman gawin basta marunong ka lang humawak ng pera at hindi gumagastos ng sobra lagpas pa sa nagiging profit mo.
Kailangan marunongtayong magtipid at wag basta-basta gastosin ang pera na inutang mo para hindi ka mahihirapan bayaran ito pagdating ng due date mo. Mahirap bayaran ng pera inutang lalo na't malaki ang interest nito. Kailangan bago ka umutang, isipin mo muna ang pambayad mo, saan mo ito kukunin at pano mo ito babayaran. Wag mangungutang na hindi mo pa alam saan mo kukunin ang pambayad. Sigurado akong mahihirapan kang magbayad pagdating ng singilan.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.