Katulad kay Tala, si Moola ay mabilis ding mag approved ng loan. Siguro kung nag-apply ka sa kanila sa unang pagkakataon at na approved, I'm sure tumalon ka sa saya dahil hindi ka pinahirapan ni Moola sa application mo. Pero teka muna, waka munang tumalon sa sigla kasi pag nalaman mo ang interest na ipapatung nila sa principa amout, malulunod ka sa lungkot. Karamihan sa umutang kay tala, hindi na umulit. Bakit kaya ganun nalang ang desisyon nila?
Bukod sa malaking interest, pag nagkataon na na delayed ka sa payment, ang laki din ng penalty nila. Maybabayaran kanang another 1 month interest, meron ka pang P700 na penalty na madagdag. Kung hindi mo kayang magbayad on your first month, mas lalong mahihirapan kang magbayad sa second month. Maliban doon meron kang another P700 na babayaran for Prolongation fee.
Ang ganitong uri ng lending company ay hindi nakakatulong sa isang ordinaryong tao. Oo, kaya umutang dahil kinapos sa budget at matutulongan tayo sa oras ng kagipitan. In the first place natulungan ka nga dahil nakahawak ka ng pera nila pero sa oras na balikan, hindi mo na alam saan mo kukunin ang pangdagdag para pambayad sa interest. Instead, na tutulongan tayo, mas lalo tayong binaon sa putikan.
Sinubukan ko si Moola para malalaman ko ang buong preseso nito at meron ding maisulot para ma e share ko rin sa iba na nagbabalak umutang sa kanila. Sa katunayan, hindi ko nagamit ang pera nasa bank account ko lang. Meaning abunado pa ako sa pambayad ng interest bago paman ang aking due.
Napakadali mag reloan kay Moola kasi hindi mo na kailangan mag apply uli kundi mag email ka lang sa kanila, approve na ang reloan mo. Wala ng maraming tanong, deretso na sa bank account mo ang inyong loan money.
Matapos kung bayaran ang aking loan sa kanila, bilang business with an entrepreneur mindset, hindi na talaga ako uulit pa kay Moola. Just for experience it will never happen again.
Marami nagsasabit na maganda si Moola kasi nga ang bilis mag approve, pero kung tiningnan lang nila ang correct computation ng kanilang loan, sigurado magigising din sila at 100% sure na hindi na rin uulit.
Therefore, hindi ko recommended ang Moola na mag apply kayo baka mahihirapan lang kayo sa panahon ng bayaran. Pero kung wala na talagang choice at kaya nyo namang e pikit ang inyong mga mata sa laki ng interest, gawin nyo kung anong nararapat. Basta wag lang magreklamo at magsisi sa oras ng bayaran.
Advise: Isipin nyo muna kung itutuloy nyo ang plano nyong mag apply kay Moola. Si Moola ay hindi naawa sa mga taong umutang sa kanila. Sila ang pinaka may mataas na interest sa lahat na online lending company.
yup mukha nga! actually nakita ko yan sa FB mag lo loan sana ako kso nag compute muna ako at nakita kong hindi makatao ang interest nila kya nagbago isip ko... di bale nalang.
ReplyDeleteButi naman po at hindi nyo tinuloy dahil sasakit lang ulo nyo kapag na delayed kayo sa pagbabayad.
Delete