Paano E Claim ang Pera Agad LOAN?

Share:
Maraming na disapproved at mas marami din ang na approved sa Pera Agad. Ang masaklap, maraming na approved na inabotan nalang ng 3 days na hindi pa nila na claim ang kanilang pera at based po doon sa natanggap na txt from SMARTMoney, ang reference na kanilang na issue ay mag e-expire po ito. Dahil karamihan sa mga lugar ay walang Pera Hub at tanging Smart Padala lang ang pwede nilang malalapitan. 

Sa kasamaang palad, hindi po lahat na Smart Padala ay marunong magprocess ng loan sa Pera Agad, lalo na kung ang Smart Padala na nilapitan mo ay hindi pa authorized o sila yong mga hindi pa registered kay SMART at personal account lang ang ginagamit nila para makapag padala at makakareceived ng transactions galing sa ibang Smart Padala centers.

Kung isa po kayo sa mga nabanggit ko na hindi pa na claim ang kanilang Pera Agad loan, subukan nyo maghanap ng authorized Smart Padala center sa inyong lugar. Kung walang mahanap, meron ding mangilan ngilan na Pera Hub na makikita sa mga siyudad na malapit sa inyo.

Kung pang tatlong araw mo at wala ka pa ring mahanap, pwede kayong magpa encash sa akin at tutulongan ko kayong makuha ang inyong pera at maihulog ko ito sa kahit anong padala centers na gusto nyo. Pwede kung ihulog ang pera nyo sa Palawan, Cebuana Lhuillier, RD Pawnshop, MLhuillier, Gcash, Paymaya at SMARTMoney. Pwede ring through bank like One Network Bank, BPI and BDO.

Kung sakaling inabutan kayo ng expiration, maaari pong mag request kayo uli ng panibagong reference number. Ang gwin nyo lang po ay tawagan ang kanila Toll free number na: 1800-10888-2423 o tawagan nyo yong number ng agent na tumawag sayo nong kinausap kayo tungkol sa loan application nyo. Pwede rin kayong mag email sa kanila gamit ang address na ito: question@peraagad.ph

Kung natanggap nyo na ang bagong reference number, pwede nyo akong e pm sa aking account sa facebook: https://www.facebook.com/edgarontoy

Pwede nyo rin akong makausap gamit ang ang chatbox na makikita nyo bandang kanan sa ibaba na may kulay green. Kung naka ONLINE ito, sasagot po ako sa mga katanungan nyo pero kung naka OFFLINE ito, mag-iwan lang kayo ng inyong contact number or email para masagot ko ang mga katanungan nyo.

Yong mga na disapproved naman, wag kayong mawalan ng pag-asa pwede pa kayong mag re-apply after 3 months kung meron kayong iba pang SMART or TNT numbers tapos qualified sagot pagkatapos mong magtxt ng LOAN sa 2423, pwede kayong mag apply uli pero make it sure merong nabago sa mga details na inilagay mo, pwedeng sa sahod mo o sa nature ng inyong trabaho.

Ugaliing magbasa para malalaman mo ang lahat na kailangan bago tayo mag-apply ng loan para malaking chances mo na pumasa sa lending company. Sa sinabi ko na, mas strikto ang evaluation sa online application kay sa offline kaya mag-ingat.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.