Sa ONLINE world pinapabilis ang lahat ng transaction lalo na sa pag-apply natin ng loans. Hindi tulad sa mga nakasanayan na sa lugar natin na umabot minsan ng mahigit isang buwan bago ma release ang loan mo. Sa online loans, maari mong makuha ang iyong approved loan na wala pang 8 hours. Kailangan lamang na sundin mo kung ano ang mga requirements nila.
Una, ang loans online ay pinapalagad din mga legal na company kaya nangangailang din sila ng mga legal na documento. Kung hindi naghahanap ng mga legal documents ang ina applyan mo, magdalawang isip kana kung ituloy mo o hindi. Ano ba ang mga legal documents na kinakailangan para makapag-apply ng loan online? Ang pinaka mahalaga sa lahat ay ang pagkakaroon mo ng valid ID. Dito malalaman kung ano ka at sino ka. Halimbawa, SSS ID, meaning nakapagtrabaho kana or dati kang isang empleyado, hindi naman nag-issue ng SSS ID ang SSS kung wala kapang naihulog sa SSS account mo. Driver's License, nagpapatunay na legal kang tao at kaya kang hanapin nila kung nagkaproblema. Passport - mas mabigat kay sa SSS ID at Driver's License. Dahil hindi biro ang pagkakaroon ng Passport, parang dumaan ka rin sa matinding screening. Maliban sa nabanggit pwede din ang GSIS, Company ID at Postal ID. Kung wala po kayo nito? mahihirapan kayong mag-apply ng kahit anong loan online. Siguro sa local loans pwede pang mapakiusapan ang mg loans screening personnel kung wala kang valid, malamang mag advice sila sayo na kumuha ng mga Secondary ID's like Voter's ID, 4Ps, Brgy Clearance, etc.
Kung wala kang valid ID talagang malaki ang chance na hindi ka papasa. Pero wala namang masama kung magbaka sakali, malay natin madadal mo sa santong dasalan pero I will encourage everybody to get a Valid ID, soonest possible. Hindi mo man ito magagamit agad-agad pero I'm sure, magagamit mo rin ito sa mga oras na hindi mo inaasahan. Maging legal po tayo para wag po tayong kabahan lalo na't sa panahon ng emergency dahil wala po tayong proper identity. More information can also be found this link: CLICK HERE!
Bukod sa Valid ID, kung nagtatrabaho po tayo, dapat meron tayong slip kasi malaking role nito sa pag-a-apply natin ng loan. Kung businessman naman, dapat meron kang ITR, DTI, Mayor's Permit or Bgry Permit to operate a business. Ang mga documentong yon ay nagpapabango sa pagkatao mo sa mga loan evaluators or Loan screening personnel.
Kung wala po kayo sa mga nabanggit kong mga requirements, wag nyo nang sayangin ang panahon at effort nyo kasi kung pipilitin nyo, malamang gagastos pa kayo at sa ending declined yong application nyo. Siguro ma disappoint lang kayo. Pero kung kaya nyong magbaka sakali, nasa inyo yon. Apply at your own risk.
Paalaala lang, wag pumatol sa mga taong nagpapautang na nanghihingi ng Processing Fee at ipapadala sa kanila bago paman e release ang loan nyo. Ninety Nine percent ay scam po ito. Wag kayong padadala sa matamis na dila kasi ang ending nito'y pagsisihan nyo rin.
Pero pag completo po kayo sa lahat na nabanggit kong requirements, pwede na kayong mag apply sa mga ito.
Recommended online lending companies
1. Tala Philippines -Please read the guide on how to apply: CLICK HERE!
2. Pera Agad - Basahin muna ito bago mag-apply: CLICK HERE!
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.