Ang daming reklamo tungkol sa processing fee na binabawas ni Pera Agad sa bawat approved loan. Biruin mo din naman, ito ay 10% sa approved loan amount na makukuha mo dapat sa kanila. Ibig sabihin kung ang approved loan mo ay P5,000 ang mababawas ay P500 din. Napakalaking halaga na po yon para sa bawat simpleng mamayan.
Malamang ay hindi lang natin naintindahan lalo na't first time mong magLoan sa Pera Agad. Alam nyo ba na ang nagrereklamo sa 10% processing fee ay yong mga first timer lang na nagLoan sa Pera Agad?
May nakausap naba kayo na nakailang beses na nagloan kay Pera Agad? Ako marami na. Yes, marami na at naka transact ko na rin sila. Sakin po sila nagpa encash ng loan nila at pinadala ko sa kanila ang pera, sa kanilang piniling payment partners.
Sa mga may existing loan sa Pera Agad na first time palang ma approved. Wag nyong intindihin ang processing fee na malaki kasi po, ibabalik po yan ni Pera Agad sa inyo pagkatapos mong bayaran ng full ang inyong loan. Yan po ang pangako ni Pera Agad at pinatotohanan yan sa mga LOAN REPEATER natin. Siguraduhin lamang na ON TIME kayong nagbabayad ng inyong loan.
Bago paman ang oras ng bayaran or yong due date ng iyong repayment, magpapadala ng text si Pera Agad, reminding you na meron kang loan na dapat bayaran. Nakasaad doon sa text kung magkano ang dapat mong bayaran plus P5.00 system fee ni SMART kay Pera Agad at another P10 para sa Smart Padala center na magprocess ng inyong repayment.
Ito ang magandang balita. ON YOUR SECOND LOAN, pag nakapasa kayo na laging ON TIME ang pagbabayad nyo. WALA NA PONG 10% PROCESSING FEE sa inyong SECOND LOAN. HAPPY NA BA KAYO? Syempre magiging happy kana kasi ang tanging mababawas na lang ay ang system fee ni SMART kay Pera Agad na maliit lang. Sa P10,000 approved loan mo, P50 lang babawas. You will get the amount of P9,950 less Smart Padala charges sa pag encash. Di ba magaan sa bulsa mga ka-loaners?
Kung e compute nyo po, maliit lang ang interest ni Pera Agad compared sa iba. Sa unang loan mo lang sa kanila, akala moy napakalaki, ito'y dahil sa 10% na processing fee na mare-refund naman later.
Pano ma refund yong Processing Fee? Pagkatapos mong bayaran ang loan mo at nakita sa system na ON TIME kang nagbabayad, MAGPAPADALA uli si Pera Agad ng another REFERENCE NUMBER na pwede mo nang e CLAIM ang 10% PROCESSING FEE REFUND sa kahit saang Authorized Smart Padala centers nationwide. Buo po ang amount at wala na po itong bawas sa Pera Agad, tanging mababawasan na lang nito ay sa Smart Padala na 2% service charge.
Kaya laging magbayad ON TIME para po makukuha nyo ang inyong full refund pagkatapos mong bayaran ang inyong existing loan kay Pera Agad.
GOOD NEWS! Pag maganda ang tract records nyo kay Pera Agad, pwede na kayong ma- approved sa P10,000 on your 5th loan. Kaya wag sirain ang inyong credit reputation kay Pera Agad ng sa gayo'y hindi rin mag atubiling ibigay ni Pera Agad ang inyong pangangailangan sa PERA.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.