Lahat nag-aabang nong ito'y SOON to be launched pa lamang. Inaabangan lalo na sa mga pumasa na sa halos lahat ng lending companies online. Na riyan na ang TALA , MOOLA , PERA AGAD , FUSE LENDING , HAPPY LOAN at ngayon hito na si PERA247.
Ang lahat ay excited nong mabalitaan ito na nasa Playstore na ang kanilang apps. Nong mag trending ito sa PINOY PAUTANGAN ONLINE facebook group, lahat agad hinanap ang apps at install agad sa kani-kanilang mga android phone. Excited malaman kung anong meron at paano mag-apply ng loan at karamihan sa lahat, gustong malaman kung magkano ang interest ng kanilang ino-offer sa mga borrowers. Sabi pa ng karamihan, sana mababa lang.
Busy ang lahat na e update ang kani-kanilang mga profile bago pa ito makapag apply ng loan. Lahat ng detalye na provide na at pati mga documents ay uploaded na rin. Nang biglang, ERROR IN CONNECTION. Naku po, wala akong internet? Meron naman ah? Submit uli, ayay ganon pa rin error in connection. Pumasok agad sa facebook group at post ng kanya-kanyang karanasan. Halos lahat pareho ng sentemiento hindi gumagana ng maayos ang apps ni PERA247.
Lahat nag silabasan at nagkukumahog saan ang link ng PERA247 para ito'y kanilang ma install sa kanilang cellphone. Yong mga naka install nong available pa ito sa Playstore, kung hindi man error connection, hindi makakatuloy sa registration kasi walng code. Walang code na pinapalabas sa apps na dapat papasok sa mga cellphone number. Ang iba naman, nagtataka, kasa SUBMIT lang ng application, minutes later DECLINED na. Anyare? Uulitin mo ganon pa rin. Kaya ang ginawa, tinanggal sa Playstore ang apps at hindi na ito mahahanap.
Pero kahit halos lahat may problema, meron namang mangilan-ngilan na pumasa. Nong araw ng launched meron tatlo or apat ang nagpost na nakapasa sila at nakuha na nila ang kanilang loan money.
Araw-araw merong mga post na nababasa na pumasa sila at nagka problema din sa affiliate bank na papasukan ng pera. Habang ang iba pumapasa ang karamihan hindi makaka relate dahil kahit apps ay hindi na ito uli makikita sa Playstore.
Ngayong araw lang, bumalik na uli ang apps sa Playstore pero ito'y may nakalagay na UNRELEASED. Ibig sabihin nito, hindi pa talaga stable ang apps pero nakakapag transact na ito. Kasabay nito, marami na namang post na sila'y pumasa at nakakuha ng kanilang pera.
Ang dami kung natanggap ng private message, nagtatanong kung kumusta na ang PERA247 kung pwede na silang mag apply ng loan. Sinubukan ko uli mag SUBMIT ng loan, same amount pa rin hindi ko pinalitan, yon pa ring 7,000. Pero bakit hindi ko napansin na ang laki din pala ng interest kasi after 30 days magbabayad ako ng more than 9,000. Ito na katatapos ko lang mag SUBMIT, declined na agad. Sabi ko, walang pagbabago, sira pa rin ang kanila apps. Tama na, suko na ako. Mahigit sampung beses na akong nag try to SUBMIT may loan application pero DECLINED. Tingnan nyong mabuti ang TIME ng aking screenshots, nangyari sa loob lamang ng 10 minutes, declined agad ang application ko.
Ano kaya kailangan nito para hindi na ma declined. Nag-iisip ako ng kahit anong IDEA at ito ang lumabas na mukhang effective. Sundan nyo aking susunod na post.....To be continue
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.