Wednesday, October 25, 2017

Pera247 Launched -BUG ON APPS

Excited ang lahat sa inaabangang bagong lending company online. Hoping na maka avail ng loan at in a small way or another pwede magamit ang pera sa pang araw-araw na pangangailangan. Bilib din ako sa mga veterano na sa ganitong larangan. Marami ang hindi nakakaalam na open for loan na pala sila today. Malamang ikaw later mo ng nalalaman pagkatapos mong mabasa ang mga post sa mga group page.

Problema lang, eh nong nalaman mo at excited kapa namang hanapin ang kanila apps sa Playstore, hindi mo na ito mahahanap kung saan na ito nakatago. Kung nakaabot ka man at na install mo sa inyong cellphone, hindi ka naman makaka received ng CODE para makapagpatuloy sa loob ng kanilang apps. Kaliwa't kanan ang reklamong nababasa mo sa mga facebook group. 

Ganun pa man, meron ding mangilanngilan na pumasa sa kanila mg loan application kay Pera247. Ang iba naman nahihirapan kung saan makuha ang kanila pera kasi hindi pa supported ang mga padala partners taliwas sa sinabi nong una na pwede kunin sa mga western union nationwide. Yong mga nakakatanggap ng kanilang loan today from Pera247, ingat lang po sa mga pera nyo.
Pero iba ang nangyayari sakin matapos kung ma install ang kanilang apps. OK na lahat, na upload ko na ang lahat ng documents, both primary and secondary IDs at na input ko na rin ang mga detalye about myself. Pero ngayon, nong nag execute na ako para mag apply ng loan at ready for submission, bigla nalang nag error. Error connection lagi ang nag pop-up sa screen ng cellphone bawat submit ko sa loan application. 

Kinalaunan na submit ko rin ang aking application. Syempre happy na ako ngayon kasi nabasa ko na sa screen ang BLUE COLOR words "BEING APPROVED". Antay-antay saglit, suddenly biglang my notification sa upper portion ng aking cellphone at logo ni Pera247 ang nakita ko. Sabi ko wow, wala pang 5 minutes meron nang feedback. Excited to open the notification kung anong meron, baka approved na.

Nagulat ako kasi ang color blue na words at napalitan ng pula at ito ang mababasa "DECLINED APPLICATION". Wow! Ang bilis nilang mag verify at mag evaluate, 5 minutes lang, ang lupit talaga ni Pera247. At meron pa siyang pahabol na message "WE ARE UNABLE TO OFFER YOU A LOAN AT THE MOMENT. DO NOT DELETE YOUR APPLICATION. THIS DECISION MAYBE REVERSED. PLEASE CHECK AND/ OR TRY AGAIN NEXT TIME."


Sa ngayon inihinto pa nila ang pagtanggap ng loan application dahil marami pang bug sa apps nila at marami pang kulang na features lalo na sa pagrelease ng pera kung saan ito kukunin. Yong mga banks na available for loan cashout, hindi pa nakalagay ang mga bigating bangko na dapat yon ang una nilang nilagay.

Sa ngayon antay-antay lang muna at makikibalita sa mga nakapag loan na sa Pera247. Saka na ipagpatuloy ang paghanap ng apps sa Playstore kung na ayos na nila ang mga bugs.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.