Wednesday, October 11, 2017

PLEASE FOLLOW MY BLOG

Kung napapansin nyo, ang una kung post ay noon pang Year 2011. Hindi ako magaling mag English but I tried. Hindi naman ata masama. Di ba? Oo aaminin kung trying hard ako pero hindi naman ata masama kung susubukan gawin ang mga bagay na nahihirapan ako. Walang mga magagaling na authors na hindi dumaan sa pagiging trial and error din. Sabi pa nga nila "Practice makes Perfect".

Ngayon, ilang taon din ang nakalipas, hindi ko masyadong napagtuonan ng pansin itong blog ko dahil na rin sa offline business ko. Dati kasi nagawa ko itong libangan nong nasa abroad pa ako. Maraming idle time sa trabaho doon kaya para hindi bored, idinaan ko nalang sa pagsusulat.

Nauso ang utang at nagpapautang sa ngayon kaya patok din ang mga topic tungkol dito. Sa madaling salita pag pera ang pag-uusapan, maraming nakikinig at nakikialam. Tama ba ako?

Wala pong problema sa usaping pera, importante lang ay legal mo itong ginawa at hindi ka nakakaapak ng ibang tao. Ang mga tao sa mundo ay lalong naging masama kaya hindi rin maiiwasan. Maging mapagmatyan din tayo para hindi ma biktima ng mga scam or scammers.

Halimbawang meron kayong nagustuhan sulat ko, pwede nyo po itong e share sa mga kaibigan at kamag-anak nyo. Meron itong SHARE BUTTON sa right side nito para po sa FACEBOOK SHARE, TWITTER SHARE AT GOOGLE SHARE. Wag pong mahiyang gawin ito, nakakatulong din po kayo sa iba para mapa abot sa kanila ang information na naaangkop sa pangagailangan nila.

Pwede rin kayong mag subscribed sa aking blog, makikita nyo sa upper righ meron jan PLEASE SUBSCRIBE BUTTON, enter nyo lang ang inyong email, everytime meron akong bagong post, makakatanggap kayo ng notification na meron akong new post.

Kung gusto nyo ring maging follower gamit ang inyong Google Profile click nyo lang ang FOLLOWERS para maging updated kayo sa balita nitong aking blog.

Sana po ay hindi kayo magsawang basahin ang aking sulat kamay, na kahit busy ako sa negosyo, I will give time to update this blog para meron kayong matutunan at magagamit nyo sa inyong pang araw-araw na buhay.

Gawin ko ang aking makakaya na magsulat ako ng mga makakatulong sa atin lalo na sa fincial stability, negosyo at mga raket online na kahit meron tayong trabaho pero sa panahong ito, hindi na pwede iisa lang sa bahay ang may trabaho, or kung may trabaho kana, hindi na pwede wala kang sideline.

Taon-taon, tumataas ang mga bilihin pero sad to say, hindi taon-taon tumataas ang ating mga sahod. Kailangan natin ang pangdagdag na income to support some of our unexpexted expenses. Habang may buhay meron pa namang pag-asa tayo, kailangan lang talaga ay ang sipag natin at syaga pa hindi tayo mahihirapan at pati na rin ng mga mahal natin sa buhay na umaasa lang sa atin.

Bukod sa mga utangan na companies, susulat din ako pano tayo magka pera online at pano palalaguin ang negosyo natin kahit paman ito ay masasabi mong napakaliit lamang sa umpisa. Palakihin natin yan sa future.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.