Tuesday, October 17, 2017

Sayang Hindi Ko Nasagot

"Naku! po lagot, may tumawag sakin, nakatatlong miscall pa naman". Sino kaya ito? Hindi naka phonebook sa aking cellphone. Familiar ba? Oo naman, ganyan lagi ang reaction natin pag nakakita ng miscall sa ating cellphone. Napaisip ka ngayon???? meron ba akong expected calls ngayong araw?

Lagot! nag-apply nga pala ako ng loan kay Pera Agad at Moola. Sino kaya sa dalawa ang tumawag. Hahaha....ang masaklap yong kaibigan nyo pala ang tumawag at gusto makahiram ng pera. Corny nang joke ko!

Anyway, ang daming reklamo na nabasa ko, hindi daw nila nasagot ang tawag ni Moola at Pera Agad, dahil daw may inasikaso, yong iba naman nasa mahina ang signal sa area. Ang daming dahilan, kaya tuloy na disapproved. Oo naintindihan po natin na marami tayong ginagawa pero hindi po yon excuse para matakpan ang negligence natin.

Paalaala para sa lahat. Kung nag-aantay kayo ng tawag mula sa isang lending company, kailangan kayong maghanda, hindi lang sa mga salita na gagamitin nyo para ma impress ang evaluator kundi pati na rin ang baterya ng inyong cellphone. Nakakatawa mang isipin na marami talagang na missed na opportunity nang dahil naputol ang tawag kasi lowbat or battery empty. Kung maaari dapat nakatapat kana sa saksakan or charger pag nakita mo na 10% nalang natira sa baterya mo. Wag hayaang mawala ang opportunity o maputol ang pag-uusap dahil lang sa kapabayaan natin. Manatiling kalmado habang kausap mo ang agent ng isang lending company at wag mataranta para masagot mo ng maayos ang mga tanong nila.

Karanasan ko kay Pera Agad. 
Nag apply ako kay Pera Agad, nasa around 11pm ng Sabado, almost midnight na yon. Sa totoo lang hindi ako seryoso doon sa pag-apply ko. Weekend yong kaya imposibleng asikasuhin nila yon. Although hindi ako seryoso pero tama naman lahat ng detalye na isinubmit ko sa knila pati ID ay malinaw na pagkakuha kasi nasa laptop file ko na iyon. Matagal ko na kinunan ang ID ko nong bago pa ang aking mobile phone. Wala talaga sa isip ko na may tatawag kinabukasan. Ito na, maaga din akong nagising, nag asikaso sa sarili kasi Church day po yon.

The service was started at 8:30am. Hawak ko ang aking cellphone while nagbabasa ng mga Bible verses sa cellphone apps, tapos biglang lumabas ang CALLING sa screen. Hindi ko pinansin, natapos ang ring na hindi narinig ng katabi ko kasi naka silent. Tumawag uli, second time, hinayaan ko lang din. Never akong sumagot ng cellphone sa loob ng church pero nong PANGATLO na napilitan akong sagutin kasi nga hindi naka phonebook ang tumawag, baka emergency. Lumabas ako at kinausap kung sino? isang babae ang nasa kabilang linya at nagpakilala na taga Pera Agad. Nagulat ako, HUH? meron pala sila opisina kahit Sunday tapos ang aga pang tumawag. Humingi ako ng paumanhin at sinabing nasa Church po ako, kung maari tumawag sya uli. Tinanong nya ako kung anong oras free na akong makausap? Sabi ko, tawag mo ako at around 11am. Natapos kami at 10:30am, dati nakikipag usap pa ako ng matagal sa mga kamahan pero nong time na yon, 10 minutes lang at umuwi na kami ng pamilya ko.

Pagkadating sa bahay, sakto pagkatapos magbihis, tumawag uli ang babae at kinausap ko na. Siguro umabot din ng 3 minutes ang Q&A portion. Tapos ayong nagpaalam na kung sakaling ma approved ang loan ko, magttxt sila sakin at kung meron kailangan additional documents, upload ko na lang daw sa website nila. Yon nga, may txt kailangan daw mag upload ako ng proof of income kaya inapload ko ang aking latest business ITR. 

To cut the story short, pumasa ako kay Pera Agad. Nakaloan ako na hindi ko inaasahan. Bilang SMARTPadala Center, nilagay ko nalang sa aking account sa SMARTPadala ang pera galing kay Pera Agad.

Kaya kailangan talagang closely monitored ang iyong cellphone pag meron kayong hinihintay na tawag lalo na't importante ito, tulad ng loan. Wag hayaan malayo ka sa cellphone mo para masagot mo ito agad.


No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.