Tuesday, October 31, 2017

Hindi ma DECLINED sa Pera247

Ilang beses mo kaya pinindut ang APPLY AGAIN pagkatapos mong ma-declined? Naiinis ka siguro kasi completo naman ang mga documents mo at tama naman ang detalyeng nilagay mo pero bakit pagka submit mo at nagflash na ang THANK YOU pero ilang minuto lang pag check back mo DECLINED na naman. GRRRRRRRRRRRRR ASAR NAMAN TONG PERA247 NATO'. I really feel you folks, kasi ganun din ang naranasan ko at muntik na rin akong mag give. Siguro more than 20 times kung sinubukan mag submit pero ganon pa rin ang nangyari. Hanggang naisipan kung baguhin ang isang bagay para magtuloy-tuloy ang application ko.


Nong na asar na ako kasi puro declined. I check all the details sa aking profile at wala akong nakitang mali. Sumunod naman ako sa requirements nila, kung anong kailangan yon din binigay ko pero bakit declined pa rin. Hanggang napansin ko ang loan amount na nilagay ko. Sagad na pala sa maximum amount ang nilagay ko para sa mga new applicants. P7,000 kasi ang at babayaran ko after a month P9,093. Based po sa experience ko, hindi mo talaga makukuha ang maximum amount na ino-offer ng kahit sinong company, kailangan mong mag-umpisa sa maliit at kung nakita nilang nagbabayad ka sa tamang panahon saka pa nila e increase ang loan amount mo.

Katulad sa mga lending companies offline na malalapit lang sa atin at pinupuntahan natin ang kanilang mga opisina, ganun din ang online lending. Kaya para masubukan, ginawa kong P4,000 ang loan amount ng new application ko. I submitted right after mapalitan ng amount at hindi na ito na declined, until now BEING APPROVED pa din ang loan status na nakalagay sa Pera247 apps ko. Inaantay ko nalang kung may tawag, email or text na magsasabing I am approved or disapproved.

Kaya kung pareho kayo sa naranasan ko, subukan nyong palitan ang inyong loan amount. Huwag nyong isagad sa maximum amount para hindi kayo ma declined. Sa ngayon hindi pa stable ang apps nila. Pero sa susunod na araw malamang hindi na ganito ang nararanasan natin. No error in connection na lalabas sa ating screen at mapagbintangan at mamura pa natin ang ating ISP dahil nawala ang internet connection.

Sa ngayon marami ng nagpost sa facebook group page na nakakuha na sila ng kani-kanilang loan galing kay Pera247. Tayong BEING APPROVED pa ang status, antay-antay muna, baka sakaling makakapasa at magagamit din natin ang pera galing kay Pera247.

Pero pag-aralan din natin ang laki ng interest na pinapatong ni Pera247. Hindi magkalayo kay Moola Lending. Napakataas ng interest na pinatong sa loob lamang ng isang buwan. Paalaala pa rin sa lahat, kung hindi naman masyadong kailangan, wag umutang para walang sisihan sa oras ng bayaran. Spend your loan money wisely.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.