Matunog na masyado ang Tala, Pera Agad at Moola. Kumusta naman si Fuse Lending? Legit din ang lending company na ito kaso nga lang napakahigpit ng loan screening nila. Siguro matatawa ka sa system nila compared sa ibang online lending kasi kung personal loan ang gusto mo, P300 lang ang first loan sa kanila. Ano naman ang magagawa ng P300 sa isang ordinaryong mamamayan? Saan ba aabot ang P300?
Nakakatawa talaga pag iisipin mong mabuti pero sa umpisa lang naman yon. Baka nasa isip ng Fuse Lending, OK lang kung hindi sila magbabayad atleast hindi kalakihang halaga ang naibigay nila. Masusukat nila ang isang tao kung talagang magbabayad pag sa maliit na halaga ay binabayaran na nya ito. Ang maasahan sa maliit ay maasahan din sa malaki. Kung sa maliit pa lang ay sumablay kana, paano pa kaya kung sa malaking halaga?
Para malaman natin kung sino si Fuse Lending? Tuklasin natin kung sino talaga sila sa likod ng FUSE LENDING.
Who We Are
Fuse Lending, Inc. (“FUSE”) is a wholly-owned subsidiary of Globe Fintech Innovations, Inc. (doing business as "Mynt"). Fuse Lending is a licensed lending institution that caters to the underserved and unbanked population in the Philippines, aiming to create and sustain opportunities for growth and stability for individuals and businesses alike through responsible and fintech-enabled lending.
Hindi pala ordinaryong company lang si Fuse Lending kasi ang nasa likod pala nito ay si Fintect or Mynt. Sino ba si Mynt? Siya din ang nasa likod ng GCASH. Siguro naman kilala nyo si Gcash, ang kaagapay ni Globe Telecom sa kanyang remitteance service na compititor ni SMARPadala. BPI, Puregold at Globe ang malaking company na nasa likod ni Fuse Lending. Sa pangalan pa lang talagang bigatin na kaya wag na kayong magtaka kung hindi kayo papasa kasi mahigpit talaga ang pamamaraan ni Fuse sa pag-approved ng loan lalo na't online ito gagawin.
Sa totoo lang bumagsak din ako sa personal loan ni fuse lendin. Fuse ang unang sinubukan kung applyan ng loan sa online world. Aminado ako na hindi ko talaga nilagay ng tama ang mga detalye sa aking application. Kaya alam ko na hindi ako papasa, pati reference hindi rin totoo. Pero nong na decline ako sa P300. Nagising ako at na boost ang sarili ko para subukan ko sa iba at dapat seryosuhin ko na. After Fuse Lending, sa isang araw sinubukan ko sa Tala, Moola at Pera Agad, pareho po akung na approved.
Kaya kung gusto nating makapasa sa loans natin, dapat seryoso tayo sa mga nilagay nating mga detalye at syempre totoo lahat. Hindi ako pumasa sa personal loan ni Fuse lending, malamang na declined din dahil over qualified ito. Kaya babalikan ko si Fuse pero hindi na sa personal loan, sa business loan na ako papasok. Inayos ko na ang mga requirements na kinakailangan sa business loan ko kay Fuse.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.