Dahil sa gusto kung maka tulong, medyo bumaba ang moral ko dahil pinaghihinalaan ako ng mga tao sa social media. Marami ang nagduga sa akin, baka daw scammer ako at itatakbo ang pera nila. Well, hindi ko po sila masi sisi dahil sa panahon ngayon naglipana ang mga masasamang loob. Minsan din naging biktima kami, hindi ako pero ang asawa ko.
Gusto ko lang linawin sa lahat na legit ako at nagnenegosyo ng legal. Matagal sa ako sa SMART PADALA BUSINESS kahit nong hindi pa legally accepted ang SMARTPADALA, dati pa itong SMARTMoney. Unang labas palang ni SMARTMoney ay meron na akong account at karamihan sa inyo dito hindi pa alam ito. Yes, matagal na ako sa negosyong ito pero legal at hindi nanloloko.
Ang layunin ko ngayon ay para malinis din ang aking pangalan na sa tingin ng iba ay napakababa. Maraming gumagaya sakin ngayon, napansin ko meron na ding post na nag-o-offer na rin ng service tulad sa ginagawa ko pero mag-ingat po kayo.
Legal at authorized SMART PADALA centers ako since July 05, 2013. Dati kasi pwede ka lang mag SMART PADALA add on lang ng kahit anong business. Hindi na kailangan ng katunayan na legal ka pero time passed by, nag-iba na rin ang patakbo ng SMARTMoney at pinagtutuonan nila ito ng pansin kasi malaki pala ang income na makukuha ni SMART kaya ginawa itong legal. Kaso hindi rin maiiwasan marami din nakikisakay na hindi naman legal. Kaya kung makikipag transact kayo lalo na about SMART PADALA piliin nyo yong authorized na centers, sa online man ito o sa lugar ninyo.
Palatandaan na legal at authorized center na pinadalhan nyo ng pera pag ang SMART PADALA number nila ay nagsisimula sa 5577 5193 .... ....
Bukod sa meron akong Certification from SMART na pinirmahan mismo ng Coordinator, nag undergo din po ako ng seminar sa AMLA (Anti-Money Laundering Act). Isang abugado ang speaker namin at syempre meron kaming mga rules ang regulations na dapat tuparin.
Ngayon, kung walang ganyan ang makikipag transact sa inyo, magdalawang isip na kayo baka kayo ay magantso. Hindi naman lahat pero mabuti na pong mag-iingat. Hindi madaling hanapin ang pera pero yong mga scammer nanjan lang sa tabi-tabi, animoy tupa na nagkunwari, yon palay naghahanap lang ng magiging biktima.
Sa mga taong naka transact ko na salamat sa pagtitiwala kahit hindi ko pa ito pinakita sa inyo. Naisipan ko lang itong e post kagabi dahil po maraming nagtatanong, legit ba daw ako. Kung legit meron ba akong mga katibayan. Ito na po ang sagot sa mga nagtatanong tungkol sa identity ko at sa business ko.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.