Sino ang due na kay Moola Lending? Nabayaran nyo ba o nag-extend pa kayo ng another 30 days. Magkano binabayaran nyo? Meron silang 1% interest idagdag everyday, at meron din itong prolongation fee na P700 at P700 for delayed payment. Hindi rin buo ang makukuha mo dahil meron itong 10% processing fee na binabawas sa approved loan amount. Medyo may kalakihan pero kung kailangan din naman ng pera, wala kang magawa kundi e grab na ito. Pero merong paraan para hindi mo mapapansin ang laki ng interest ito.
Kababayad ko lang kahapon sa loan ko na P4,000 na naging P4,840 bukod pa sa processing fee na P400 na binawas bago ipinasok sa bank account ko. Nagbayad ako through CLIQQ Kiosk ng 7-Eleven. Real time ang confirmation sa payment ko at kasama na rin ang txt na may link if gusto ko ng mag reloan. Pinag-isipan ko ng mabuti kung itutuloy ko or hindi. Nagdaan ang ilang oras, binuksan ko ang link to apply for a reloan. Pero nasa isip ko na ano ang gagawin ko sa pera para makabawi sa malaking interest na pinatong ni Moola.
I submitted my reloan at naghintay kinabukasan na may tumawag for evaluating my application. Meron ngang tumawag at sinabihan ako na P6,000 daw ang approved reloan ko. Itutuloy ko ba daw ito o hindi. I answered "YES" at tinuloy nya ang pagsabi na within 1-2 days, papasok ang pera sa bank account ko from 5-6pm at maiiging e check ko ito sa mga oras na nabanggit. Twice nyang inulit sakin ang mga terms and conditions sa loan ko. Binanggit nya ang 1% interest daily, ang 10% processing fee, P700 na penalty kung hindi nakabayad ON TIME.
Napaisip ako, wala naman palang rason na magreklamo tayo bakit malaki ang interest eh sinasabi naman pala sa atin ito kaso lang siguro nagkataon na mahina ang signal malamang hindi natin ito naiintindihan. Chances might be due to sobrang excited kasi na approved ang loan at hindi na matandaan kung ano ang sinasabi sa atin prior to our loan approval. Aaminin ko, nong una ko silang nakausap OO lang ako ng OO pero hindi ko naintindihan ang lahat ng sinasabi nila. Ganon din ang nangyayari sa karamihan. I give a second chance to reloan kay Moola pero ang pera ay gagamitin sa isang business ko na alam kung tutubo ito ng doble.
Bakit ako nagreloan at saan ko gagamitin ang pera na matatanggap ko. Malakas ang loading business namin. Nasa 5k-6k ang mauubos namin sa retail both Globe and Smart. Meron ng pondo ang mga retailer namin pero meron akong na discover na isang paraan para kumita ako ng doble kay sa natural sales namin.
Kung sino po sa inyo meron coins.ph, paki-check yong account nyo. Meron silang promo ngayon na 10% ang kikitain mo sa load gamit ang coins.ph apps doble sa 5% lang sa natural retail gamit ang globe at smart retailer mo.
Ito ang computation ng loan money ko at ang maaring kikitain nito after 30 days.
P6,000 -approved loan
P600 -less: Processing Fee
---------------------------------------
P5,400 -Net loan Money
P1800 -1% x 30 days
---------------------------------------
P7,800 -Loans Payable
Income calculation gamit ang pera galing kay Moola Lending
P5,400 -Capital loaded to my coins.ph
P5,400 x 10% = P540 x 30 days
P16,200 ---- Gross Profit for 30 days
P280 ----- Data expenses for 1 month. P70 per week.
--------------------------------------------------------------------------
P15,920
P1,296 ----- Cebuana Charge CASH-IN kay coins.ph
--------------------------------------------------------------------------
P14,624
P7,800 -----Loans Payable
-------------------------------------------------------------------------
P6,824 NET PROFIT
Halos katumbas ng loan money mo ang net profit na makukuha kung titingnan mo sa computation sa taas. Ibig sabihin kung gagamitin mo sa negosyo ang pera at nagamit ito ng maayos, hindi mo mapapansin ang laki ng interest pero kung gagamitin mo ito na walang balik, mabibigatan ka sa laki ng interest nito.
Kaya ang payo ko sa lahat na nagloan kay Moola, gamitin nyo ng mabuti nag pera na nkuha nyo. Kung ginastos nyo lang ito sa luho, mahihirapan kayo sa pagbabayad after 30 days. Doon na lalabas ang maraming reklamo pagka nagkaipitan na sa pambabayad tapos walang mahanap na pera para dito. Kung wala man kayong mahalagang paglalaanan sa loan nyo, mabuting wag na lang magloan para hindi masisira ang credibility nyo sa mga lending companies.
Good advised sir!I have idea how to use my loan in moola.Actually, pang third reloan ko kay Moola ngayun my application already on processingThanks Sir God Bless
ReplyDeleteA money tips for all. Para hindi mabaon lalo sa utang. Salamat sa appreciation.
DeleteMay i ask what if i dont have a bank account how we get loan from moola?
Deletetawag po kayo moola
ReplyDeletetawag po kayo moola
ReplyDeleteMagkano ba ung loan n maryjane comedia
ReplyDeleteCan check for more deep moola review here: http://www.monily.ph/moola-review/
ReplyDeleteGood day moola lending, sino ang pwede kung kausapin? Thanks
ReplyDeletepwede po ba mag apply moola kasi matagal na po ako naga apply pero bakit hindi pa rin na aapproved bakit po anu po ba problema sa application ko po salamat
ReplyDelete