Napakadaling umutang kay sa magbabayad ng utang. Tama po ba ako?
Hindi ko minamaliit ang lahat kasi marami namang tao na marunong magbayad kahit hindi sinisingil. Sa panahon ngayon, sanggol nalang ata ang hindi marunong mangutang. Yong iba naman, sa umpisa nahihiya pa pero pag nasanay na, magagaling na ring mangutang. Malaking porsiento ng Pinoy population ay dumedepende sa utang. Lalo na sa mga below average lang ang income or sahod sa bawat araw. Dumadami ang naghihirap bawat taon kaya para mapunan ang kakulangan nila para pang gastos sa isang buwan dapat silay uutang para maka survive.
Dahil din sa gara ng buhay ngayon, marami ding taon nahuhumaling mga bagong gadget. damit at pati rin sasakyan. Kadalasan hindi muna iniisip ng makailang beses bago sasabak sa napakalaking interest na pautang. Sa umpisa masaya pero pag oras na ng bayaran, halos hindi mo na makausap dahil sa sobrang pressure sa pag-iisip saan kukunin ang pambayad sa malaking utang.
Paano ba natin maiwasan ang ganitong mga sitwasyon? Unang-una, bago mangutang dapat makailang beses muna isipin kung tama ba ang desisyon mo at gaano ba ka importante ang pagagamitan nito? Marami kasing utang nauwi lang sa walang kwentang bagay, basta lang pag nangutang ang iba at bumili ng gamit, gusto mo magkaroon ng ganung bagay, eh wala ka ring pambili kaya uutang ka rin.
Oo napakadaling mangutang lalo na't meron kang capacidad to pay your loans. Kadalasan mga employees kasi meron sila Payslip na ipapakita to prove na may kakayahan silang magbayad. Pag completo ka sa requirements, at may reputation kana na build sa lending companies, as simple as ABC ang pangungutang mo. Hindi lang nila alam na sa bawat buwan, 100-500 pesos nalang ang take home pay mo during sahuran.
Pwede tayong makaiwas para hindi malubog sa utang. Ugaliing timbangin at pag-usapan muna bago gawin siguro kasama ang asawa or mga anak tapos humingi ng mga opinion din sa iba para hindi kayo mahihirap sa pagbabayad lalo na't nagkagipitan. Hindi natin hawak ang panahon, nangungutang ka pero napunta sa walang kwentang bagay tapos biglang nagka emergency sa pamilya nyo, saan kana ngayon mangungutang? Sa time na iyon kung pwede pa ibenta ang sarili sigurado gagawin nyo na.
Sa panahong ito, hindi na pwede na iisa nalang sa pamilya ang nagtatrabaho, mas lalong hindi pwede kung aasa ka nalang sa sahod mo kasi most of the time, wala pang isang linggo ang sahod mo ubos na at nangungutang kana naman uli. Pano matapos ang connection mo sa mga nagpapautang? Ang masaklap karamihan naipasa pa nila ang kanilang utang sa next generation.
Maging kontento kung anong meron kayo at ano lang ang kaya nyo. Kadalasan kasi mahilig tayong mag kunwari, magmumukha tayong mayaman pero wala namang laman ang bulsa natin. Oo, ang gagara ng kagamitan pero gutom naman. Minsa pay, nagtatago dahil ayaw magpahuli sa mga naniningil sa kanilang bahay.
Umutang lamang sa halagang kaya mong bayaran. Dapat ding isipin na meron ka pa ding malalapitan sa oras ng kagipitan. Hindi yong inubos mo na ang lahat na mauutangan pagkatapos pag may emergency ayon wala kanang malalapitan. Kaya dumadami ang may masamang loob dahil sa kagustuhan na makaahon sa hirap pero hindi gumagawa ng paraan para magtagumpay sa mabuting paraan. Gusto nila ng easy money at nanggamit ng mga tao para makapangloko. Oo masaya ka nga ngayon pero kumusta bukas, masaya ka pa rin kaya? Huwag masyadon ma ambisyon, kung gaano kataas ang lipad mo, ganun din kasakit sa pagbagsak mo.
Unawaing mabuti ang lahat nang iniisip at pagtimbang tibangin bago magdesisyon para hindi magsisi sa huli. Lagi nating tandaan, lahat ng utang ay dapat bayaran. Wag kang umutang kung hindi mo kayang bayaran, hindi kaman makukulong pero uusigin ka namn ng budhi mo. Ugaliing maging simple ang buhay, importante hindi ka mahihirapan. Tama kung anong meron ka, hindi masama ang mag ambisyon pero siguraduhin mo lang maabot mo itong sa legal at mabuting paraan. Ang pag angat ng buhay ay napakasaya basta wala kang inaapakang tao.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.