WELCOME FINANCE INC. -NEW

Share:
Habang nag scroll down ako sa aking facebook page, meron akong nakitang post sa isang member din ng group na sinalihan ko at ito'y nagbigay pansin sakin para huminto sa pag scroll down at e click ito. Nong bumukas na ang kanila website nakita ko po na napaka simple lang ito at walang mahihirap na portion na pwede mong sabihin "Ano ba to and dami namang hinihingi".

Unang hinihingi ang ang buong pangalan mo at contact number. Pagkatapos nito, hinihingi ang TIN number ng applicant. TIN ang #1 requirements na hinihingi nila, ibig sabihin kung wala ka nito, wag mo na subukang mag apply siguradong hindi ka papasa sa kanila. 

Dahil meron akong TIN at Year 2001 ko pa ito kinuha kaya I took a picture at inapLOAD ko sa area kung saan hiningi nila ito. Doon ko naisip na, importante din pala ang TIN sa mga transaction online. Nagagamit ko lang kasi ang TIN number ko pag nagbabayad kami ng Monthly, Quarterly at Annual fee sa BIR, sa aking mumunting cellphone shop. 

Pagkatapos ma upload ang TIN, humingi din sila ng 3 months bank statement ko. Buti nalang kumuha ako kanina sa aking Current Account, yong sa Check account if incase kailangan mabibigay ko agad. InapLOAD ko rin ang aking bank statements.

Pangatlo, humingi sila ng Business License (Mayor's Permit/Barangay Permit) ito ang pinaka matibay na proof na may kakayahan kang magbayad kasi may negosyo ka. Dahil naka ready na rin ang aking Mayor's Permit, inapLOAD ko rin kasama sa nauna at tapos non click ko ang SUBMIT. 

Yon na, tapos na ang application ko. Walang daming hinihinging documents at mga detalye. Yon ang gusto ko sa isang lending company. Pero kung napansin nyo, yong hinihinging dalawang requirements napakabigat na non at mabibilang lang ang meron ganon. Magaling talaga sila, wala kang kawala kung sakaling takbuhan mo ang iyong inutang.

Bad news for me after few minutes, meron akong text na natanggap at nakasaad doon na ang hindi pala covered ang aking present location para makapag avail ng loan sa kanila. Sa mga nakatira lang pala sa Metro Manila, North Luzon at Cebu Province lang pwede mag apply. Sayang, sigurado ako na malaki chance ko para pumasa sa loan application ko pero di bale, baka sa susunod magiging open na rin sila dito sa amin sa Davao. Di ba taga rito ang Presidente natin? Malaki ang chance na papasok din sila rito. Bagong bukas pala sila at ang office address nila ay matatagpuan sa: Units 1804 to 1806, 18th Flr, The Taipan Place, F. Ortigas Jr. Rd., Ortigas Center, Pasig City, Philippines,

Note: Additional requirements

Kailangan ang net income mo ay atleast P20K pag ikaw ay mag-a-apply  ng Personal loan kung ikaw ay employed. Kung ikaw ay isang self-employed na mag-apply ng personal loan, kailangan ang net income mo ay hindi below P40K at dapat nakatira ka sa mga lugar na binanggit sa itaas.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.