Friday, October 13, 2017

YOUR LOAN GUIDE

Kumusta po kayong lahat? Kung pwede lang sana isa-isahin ko kayong kausapin, ginawa ko na kaso sa sobrang dami ng mga tanong, hindi ko na agad masagot ang lahat. Halos lahat na nakausap ko ay nangangailangan ng tulong. Naintindihan ko po kayong lahat, kaso lang ang iyong lingkod ay hindi nagpapautang. Guide nyo lang po ako, sumasagot ako sa tanong nyo at kung meron kayong ipakiusap gagawin ko wag lang umutang. 

Kung may kakayahan lang sana akong magpapautang, gagawin ko kasi ang daming nangangailangan ngayon. Napansin ko yon sa inyong lahat dahil almost 100% na bumibisita dito sa blog ko ay nagbabakasakaling makautang sa akin. Again, hindi po ako nagpapautang, wala po akong pundo para ipautang sa iba, Sana po maiintindihan nyo. Nangungutang lang din ako kaya nga ginawa ko itong blog to tell my UTANG experiences, malay natin mapupulutan ninyo ng aral at pati din kayo makakautang sa mga inutangan ko.

Pasensya na po, at wala akong magawa sa problema nyo sa pera pero tumutulong ako para ma solve ang mga ito through online pautang ng mga legit companies. Marami pong pwede mautang online, ang iba hindi na humihingi ng mga documents na karamihan ay wala. Kahit ako sumubok sa mga online companies na umutang para meron akong maisulat na story para sa inyo. Biruin nyo, na declined pa ako kahit meron na akong proof na may capacity naman ako to pay.

Di bale, kailangan natin tanggapin na ang buhay at ups and downs, Hindi pwede palagi kang panalo kahit gaano kapa kagaling. Nobody's perfect! Kaya normal lang yon. Kung na reject, declined, or disapproved ang loan mo, wag kang panghinaan ng loob. Marami pa jan, basta wag ka lang huminto.

WARNING! 
Wag kayong mangutang sa kung sinong tao online. 99% po sa kanila ay scammer. Umutang sa mga legit companies na merong website at apps. Wag makikipag transact sa mga tao lalo na't humihingi ito ng PROCESSING FEES bago paman ipapadala ang pera sayo. ANG LEGIT LOAN COMPANIES OR INDIVIDUAL, ang PROCESSING FEES ay binabawas sa approved laon mo, hindi sisingilin ka muna.  Maging alerto sa mga pangyayari sa paligid. Naglipana ang masasamang tao, na walang ibang ginawa kundi naghahanap ng mga biktima. Wag padadala sa mga matatamis na pangako, magaling sila magpaikot ng tao. Ingat lang po mga kababayan. Wag masyadong padadala sa problema, wag masyadong magtiwala sa hindi pa kilala lalo na't tungkol ito sa pera. Wag maghulog ng pera sa kahit kanino, na puro pangako lang ang hinahawakan mo. Gumusing ka sa kahibangan mo kung napaikot kana nila. Makinig, mapagmasid, MATANGLAWIN. Yes, please! Mag-ingat lagi, mag-ingat at mag-ingat!

2 comments:

  1. Sir gusto ko po sana mag loan, 8000 po salary ko, pwede nyo po ako matulungan, kasambahay lng po ako dito sa zambales po.

    ReplyDelete
  2. Sir gosto ku po mag loan ng 6000 kaylangan kuna po kc tlga kc ung asawa kuh malapit ng mnganak kaya para po my gagastohin ako sa panganganak ng asawa kuh plss po taga cotabato po ako

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.