Monday, November 27, 2017

3rd Loan from Moola P20k

Sa hindi inaasahang pagkakataon, sinong mag-aakalang ma approved ang P20,000 loan ko sa kanila. Sa isip ko baka sa pang sampung reloan ko na sa kanila saka pa ako papayagan sa P20K pero pang 3rd loan ko palang inaprobahan na nila. Ang text kasi nila sa akin pagkatapos kung bayaran ang aking 2nd loan, qualified na ako to avail P8,000 loan pero doon sa link na binigay nila, available ang P20K kaya sinunggaban ko na. Aba! Totoo pala pag ON TIME kang nagbabayad, pahihiramin ka nila sa kahit ano mang oras na kailanganin mo.

Nagsimula sa pagsubok lang para makahiram at para may experience sa kanila. Ngayon kahit alam ko na malaki interest nila pero sadyang maaasahan sila sa oras ng pangangailangan. Ganun paman, mungkahi ko sa mga wala namang importateng pagagamitan, wag kayong magloan kay Moola lalo na yong mahilig magreklamo kasi sasakit lang loon nyo kung makita nyo ang laki ng interest na babayaran mo. Pero kung ang negosyo mo ay malakas at alam mong kulang ang capital mo, sigurado hindi mo mapapansin ang laki ng tubo nito kay sa kikitain ng pera na hiniram mo sa kanila.

Nong sabado buong akala ko hindi totoo na approved yong P20K loan ko kay tala kasi hindi pa naman pumasok sa account ko kahit sinabi na nila sa text na deposited na daw. Pero hindi yon ang katunayan na pumasok na talaga sa account mo ang pera. Ang katunayan ay yong email na matatanggap mo 2-3 hours bago pa mag 6pm na kadalasan pumapasok ang pera sa bank account. Yon din ang experience ko sa una ta pangalawa kong loan. Pero kapag ito na ang matatanggap mo sa email:

Application # 0341222 - 0130229 - Ontoy Banggulan Edgar 
Magandang Araw, We are pleased to process your Moola Lending* approved loan of PHP 20 000 with loan term of 30 days. ANG IYONG MATATANGGAP We have confirmed deposit of PHP 18000.00 to Banco de Oro CA/SA Account No. 005600003408 on 27.11.2017. The 10% transaction fee is deducted from the approved loan amount upon deposit.

Pag ganyan na sa itaas ang nababasa mo sa iyong email, 100% na deposited na yong amount after a few minutes. Ngayon araw, magkasabay dumating ang email at ang pera sa aking account. Nagcheck din kasi ako online kung pumasok naba ang mga pera galing sa autosweep ng aking SmartPadala kasi kadalasan 3pm papasok ang mga funds na nag autosweep during weekend. Autosweep ay term na ginagamit naming mga legit SmartPadala center sa buong Pilipinas. Nagtaka ako may pumasok na P18,000 na alam ko hindi galing sa SmartPadala yon. Yon ang galing sa Moola ang loan kung P20K less 10% processing fee.

Nakakatulong sa business ko ang Moola, kasi kung hindi lang dahil sa negosyo hindi ko kayang bayaran ang laki ng interest nito. Kung nasundan nyo ang lahat ng post ko about Moola, makakuha kayo ng idea paano magamit ng husto ang perang galing Moola.

Kung hindi mo pa nasubukan si Moola tapos kailangan mo ng addictional funds sa iyong negosyo, pwede mong aplayan ito. Hindi sila gaanong strikto kaso lang pag hindi mo nabayaran sa tamang oras, mas lalo itong lalaki. Kailangan lagi mong tandaan ang responsibilidad mo bayaran ang utang mo kahit ano ang mangyari. Kung hindi mo alam saan kukunin ang pambayad sa kanila, mabuti pang wag na kayo mangutang sa tala. Mahihirapan lang kayo pag hindi mo nagawa ng husto ang pagbabayad nito.


No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.