Friday, November 10, 2017

ANG UTANG AY DAPAT BAYARAN

Ang utang ay dapat bayaran. Dapat bago mo naisip umutang, alam mo na kung saan mo kukunin ang pangbabayad mo. Hindi yong saka kana mag-isip pag nasa alanganing sitwasyon kana. Bilang mangungutang, sa ayaw at sa gusto mo responsibilidad mo yong bayad. Pero sadya talagang maraming ipinanganak na halang ang bituka at wala ni katiting na konsensya para isipin nila ang kalagayan ng inuutangan nila. 

Kung si Henry Sy ang yaman-yaman na hindi basta-basta nagpapautang sa mga taong walang kakayahang magbayad ano pa kaya yong ang pinautang ay inutang lang din. Mahirap pag nasa ganung sitwasyon po kayo. Siguro nakakaramdam ka rin ng kirot sa puso kung isa sa mga kaibigan mo hindi binabayaran ang utang nito sayo. Imposible at hindi ako naniniwala na hindi mo mararamdaman yon. Yong pakiramdam na parang tinatraydor ka.

Nitong mga nagdaang araw lumawak at lumalim ang kawalang hiyaan ng mga tao. Bukod sa dumami ang tumatakbo sa utang, nagiging popular na rin ang mga style ng mga scammer. Dalawang uri ng mukha ang scammer, ang isa nagkukunwaring nagpapautang pero nanghihingi muna ng processing fee pero pagkatapos mong ihulog ang padala mo, block kana nila at hindi mo na sila mahagilap. Ang pangalawang uri ay yong, nangungutang. Lahat ng matatamis na saliti pinaligo na sa nagpapautang para lang pumayad ito. Pagnakuha na ang loob at napadala na ang pera, kusa itong naglaho na para bula.

Napakirap na ng buhay ngayon. Mahirap na e identify kung ano ang tama at mali. Kung ang mali dati, ngayon ay nagiging tama na. Saan ka pa lulugar? Sa usaping pera hindi na mapagkakatiwalaan ang lahat pero dumadami pa rin ang nangungutang at syempre kasama na rin ang pagbulusok sa industriya ng pautang.

Ang tanong, sinong lugi sa dalawa? Ang nangungutang na pagkalaki-laki ng interest o ang nagpapautang tapos wala palang sa kalahati ang nabayaran hindi mo na sila mahagilap kahit saan. Wala naman pong lugi sa dalawa kasi pareho din naman silang nakikinabang. Yong mga tinakbuhan, babawiin din naman nila yan sa ibang nangungutang kaya patas lang.


Wala naman talagang na didihado kung ang both side ay sumusunod sa napag-usapan lalo na ang mga nangungutang. Pero dahil nag-iba na rin ang takbo ng mundo hindi na natin masisigurado kung ano ang nasa hinaharap. Karamihan sa mga tumakbo sa utang, wala naman talaga silang plano takbuhan ang utang nila, kaso lang nagka emergency at ayaw mapahiya kayas sila pilit na nagtatago. Pero talagang merong ipininganak na makakapal ang mukham hindi nahihiya kahit IN and OUT na ang naniningil sa kanilang bahay o sa opisina.

Lagi nating tandaan wag tayong umutang sa halagang hindi nating kayang bayaran. Wag hayaan masisira ang matagal mo ng iniingatang reputasyon. Wag ipagpalit sa maliit na halaga ang kahihiyan na aanihin mo sa hinaharap. Kung kaya mo ang pakapalan ng mukha, kumusta kaya ang mga mahal mo sa buhay, OK lang kaya sa kanila na marami kang tinatakbuhang utang? Baka magulat ka nalang iniwan kana nila at ang masaklap pa, isa sa kanila ay nagbigti na.

LAGING TATANDAAN, ANG UTANG AY DAPAT BAYARAN. Kung hindi mo man kaya ngayon, gumawa ka ng paraan para hindi ka pagpipyestahan.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.