Kailan nyo lang narinig ang Bank Statement? Malamang sa hindi nagkaroon ng bank account since birth, di nyo talaga alam ito. Kung narinig nyo man, hindi nyo rin pinansin dahil akala nyo wala itong silbi sa inyo. Pero nong nagsimula kang magtanong kung paano mangutang, manghiram or dumating na rin sa point na maging social pakinggan ang pangungutang, ginawa itong LOAN. Masarap pakinggan pero halos pareho lang ang tinutukoy nito. Ang kaibahan lang, ang utang pang MASA na terms. Pwede rin itong tumutukoy sa nahiram na pera na hindi gaano kalaki ang halaga. Ang LOAN pa social na terms, at mostly ginagamit na ito ngayon sa mga usapan dahil nasa modern day na tayo at hindi masakit sa tainga pakinggan. Ang LOAN din ay kadalasan ginagamit sa paghiram ng malalaking halaga na kung wala kang negosyo hindi ka makaka avail nito.
Sa loan transaction ngayon, kadalasan humingi sila ng mga documents para ma evaluate nila ang pagkatao mo at ang kakayahan mo para magbayad. Siguro meron kang trabaho at may capacity ka to pay your loan dahil may Payslip ka pero naging matalino na rin ang mga lenders ngayon kasi gusto nila tingnan ang mga financial transaction mo sa isang period through your Bank Statement.
Ano ang ibig sabihin ng Bank Statement?
Ang bank statement ay isang documento na binibigay ng bangko sa isang individual na merong account sa kanila. Ano ang laman ng isang bank statement? Ito ay isang record sa lahat ng naging transaction mo sa inyong bank account. Makikita mo ang debit at credit transactions. Ano naman ang DEBIT transactions? Ito yong mga na deduct sa iyong balances. Maaaring nagbayad ka sa isang mall gamit ang iyong atm card. Lahat na mga payment transactions; like bills, atm withdrawals, etc. Lahat yon mag-a-appear sa iyong debit section. Ang CREDIT transactions naman ay yong mga pumapasok sa account mo, halimbawa nag deposit ka or meron kang remittance na natatanggap galing sa abroad. Pwede ring nakatanggap ka ng mga bayad galing sa ibang branches na inihulog ng mga clients mo.
Gaano ba ka importante ang Bank Statement?
Noon hindi ito pinapansin masyado. Kumukuha lang ang mga tao kapag meron inconsistency sa kanilang balances at gusto e check ang mga naging transactions sa loob na isa or dalawang buwan. Pero ngayon importante na ito lalo na sa mga nag-a-apply ng loans. Most of the leading lending companies ay humihingi na rin nga bank statement to support your capacity to pay your loans. Hindi lang mga lending companies ang humihingi nito ngayon, pati mga telcos na nag-o-offer ng mga plan subsciption. Dapat din kasi nilang malalaman ang kakayahan mong magbayad pag nagka-ipitan.
Nakakakita na ba kayo ng Bank Statement?
Kumuha na rin ako ng Bank Statement ko if incase kailangan ko ito para sa mga gagawin kung transaction this month. Magbubukas ako ng another branch ng aking munting cellphone shop at kailangan ko ng additional capital para maka support sa aking CASHFLOW. Malamang isa sa lalapitan kung lending company at kailanganin nila ang Bank Statement ko.
Kung meron na kayong bank account, kumuha kayo ng copies nyo sa last 3 months. Kadalasan yon ang hinihingi ng mga lending companies, 3 months bank statement. Isa na rito ay ang Fuse Lending pag nag apply kayo ng business loan.
Kung wala pa kayong bank account. Mabuting kumuha or mag-apply na kayo ngayon. Sooner or later, kakailanganin nyo rin ang bank statement. Hindi kailangan ng malaking halaga to open a bank account.
Kung meron na kayong bank account, kumuha kayo ng copies nyo sa last 3 months. Kadalasan yon ang hinihingi ng mga lending companies, 3 months bank statement. Isa na rito ay ang Fuse Lending pag nag apply kayo ng business loan.
Kung wala pa kayong bank account. Mabuting kumuha or mag-apply na kayo ngayon. Sooner or later, kakailanganin nyo rin ang bank statement. Hindi kailangan ng malaking halaga to open a bank account.
Pwde mag ask ano po ba ibig sabihin ng mga ito
ReplyDelete1.cash on hand
2Exchanges for clearing house
3.Collection in transit
4. Other cash items
5.due from bank
6. Balances with foreign banks
7. Loans discounts