Friday, November 10, 2017

BAKIT BA TAYO UUTANG?

FAMILAR BA KAYO SA TERM NA ITO?

Gaano man kalaki ang sahod ng isang Filipino nangungutang pa rin ito lalo na ang mga government employees natin. Kasama na rin dito ang mga nagtatrabaho sa private sector at ang mga negosyante. Bakit po ba halos lahat nalang tayo umaasa sa utang? Ang kadalasan nating maririnig na sagot ay dahil GUSTO NATIN MATANGGAP NG BUO ANG PERA. Halimbawa, kailangan mo ng P100,000 pero ang sahod or income mo nasa P10,000 lang bawat buwan. Kailangan mong bunuin ang sampung buwan bago ka magkaroon ng P100,000 ang problema, maaaring hindi na ito makompletong P100,000 pagdating ng 10 months kasi maraming hindi natin inaasahan pangyayari na mapilitan tayong gastusin ang mga perang hawak natin. Kaya mas mabuting mangutang na lang kay sa mag antay ng ilang bawan na wala din naman kasiguruhan kung makukuha mo ito.

Ano ang kadalasang rason kung bakit ang isang Filipino mangungutang?

Una, Emergency Purposes. Dumating talaga ang mga bagay na hindi inaasahan sa ayaw man natin ito o hindi. Tulad nalang kung may nagkasakit sa pamilya. Matitiis ba natin na tingnan lang sila at hindi dalhin sa pagamutan? Syempre hindi, hanggat maaari gusto natin silang hanapan ng lunas at mapagamot sa alam natin na nasa mabuting kamay sila. Hindi natin inaasahan ang ganung pagkakataon. Karamihan sa atin wala tayong pondo na nakalaan para sa emergency o emergency fund. Siguro nagbabayad tayo ng Philhealth para sa hospitalization natin at sa buong pamilya. Pero sapat naba yan? Sagot: HINDI. Saan natin kukunin ang panggastos sa pangunahing pangangailangan ng pasyente at pati ang watchers nito? Hindi naman ito sagot ng hospital. Kaya wala kang ibang paraan, mangungutang ka sa kakilala, kaibigan at malamang kapamilya. Kung nagkataon, tatlo o higit pa ang na ospital sa  isang buwan? Ano nang mangyayari sayo? Malulunod kana sa utang mo kung nagkataon. Hindi ko sinasabi na lahat nangyayari talaga sa ating lahat pero itong scenario na'to nangyayari na sa ibang pamilya, at napakahirap kung nasa ganung sitwasyo ka, kaya dapat sana paghandaan natin lalo na sa panahong ngayon.

Pangalawa, Pambili ng Luho. Dahil sa uso at modernong kagamitan. Hindi natigil ang komersyo sa pagpapalabas ng mga bagay na alam nilang kakagatin ng mamayan lalo na sa Filipino. Halos araw-araw merong lumalabas na bagong estelo ng damit? Buwan-buwan lumalabas ang bagong model ng cellphone o taon-taon merong lumalabas na bagong motor o kotse. Eh dahil marami din sa atin ayaw patalo at magpapahuli sa uso kaya ang bagsak mangutang para makukuha ang mga ito. Wala namang problema kung nangungutang ka basta meron kang nakalaang pondo o meron kang pagkukunan ng pambayad sa utang mo. Ang masaklap nito pagdating ng bayaran saka mo pa hahanapin ang pambayad nito.

Pangatlo, PROYEKTO. Ito ang pinakagusto kung dahilan kung bakit ka o tayo uutang. Dahil ito'y may magagandang idudulot sayo o sa pamilya mo. Halimbawa, uutang ka dahil magpapatayo ka ng bahay. Syrempre para ito sa ikagiginhawa ng iyong buong pamilya na magkaroon ng comportableng tirahan. Sino ba hindi gusto ng maganda at comportableng bahay? Wala sigurong hindi gusto ang planong ito. Kaya kung kokonsulta ka sa mga membro ng iyong pamilya, 100% na papayag talaga sila. Next, uutang para may pangkapital sa negosyo? Gusto ko rin ito. Bilang negosyante sa for more than  a decade, sa utang ako nag-umpisa. Although, may savings na siguro tayo para gawing pohonan, oo sa pang-umpisa lang yan pero para maka sustain sa cashflow ng iyong negosyo, kailangan mo talaga umutang. In fact, ang mga lumalaking negosyo ay umuutang din. Hindi ito masama, pag ginawa mo itong tama. Walang negosyo na bumagsak kung tama lang ang pag manage nito. Dapat din ang negosyo mo hindi kopya-kopya lang dahil malakas ang negosyo ng kapitbahay mo o ng kalaban mo kasi wala itong magagandang patutunguhan dahil ang motives mo ay mali. Dapat ang negosyo ay ginawa mo dahil gusto mo at passion mo ito. Hindi madali ang pagnenegosyo lalo na sa umpisa kaya karamihan huminto dahil hindi nila inaakala na mahirap pala magnegosyo. Tatalakayin natin ang tungkol nito sa mga susunod kung post dito sa USAPANG PERA BLOG. KAYA ang payo ko sa lahat, umutang lamang kung kinakailangan. Wag maging makasarili na uutang lang para mapagbigyan ang luho natin. Pero kung kaya ba naman gawin mo ang gusto mo pero wag kang iiyak sa huli kung sasablay man ito at hindi nagwo-work sa finances mo.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.