Tuesday, November 07, 2017

Cebuana Loan Approved

SA WAKAS! Ang pinakahinihintay ko ang text galing kay cebuana luillhier na approved ang loan ko. Medyo natagalan, hindi ko alam bakit umabot ng halos linggo mahigit bago na approved. Nagsubmit ako last October 30, at ngayon ay November 7 na. Pero may duda ako na hindi pina process agad sa taong nakatanggap ng aking application. Kasi nong pinapaloap ko ito sa kanila, sabi nya na November 3 na daw ito na process at dahil holiday nong 31 October - November 3. 

Hindi na rin ako umimik kasi hindi naman ako pinahirapan ng taong iyon. Siya pa nga ang naghatid ng form sa aking shop. Suki kasi namin ang Cebuana Lhuillhier sa photocopy, di hamak kuripot sila dahil P1.00 lang ang photocopy namin LONG and SHORT. Sa iba daw mahal kaya sa amin sila lagi pumupunta. Kahapon nagala na naman sa shop ko para mag photocopy. Sakto naiwan nya ang form at binigay sakin ng isa sa aking tauhan, HAPPY LOAN APPLICATION FORM kaya kunwari hinatid ko at pinapaloap ko ang aking loan kasabay nong pagbayad ko sa aking CASH-IN para Coins.ph account ko. Mas mura din kasi sa kanila ang cash-in ng coins.

Nong nakausap ko ang tao, sabi nya sakin "wala kapang text na natanggap?" sabi ko wala pa po. Na follo-up na nga raw nya at dapat meron ng text kahapon pero baka daw bukas. Tapos non umalis na ako kasi dami ding client na nakapalibot sakin. Karamihan sa branch ng Cebuana ang sikip ng area nila. Halos hindi ka makakagalaw, kung walang aircon, mahirap tumambay sa loob.

At ngayong araw, at exactly 8:19am sa oras ng aking cellphone I received a text from CEBUANA, confirming my loan application to them was approved at kailangan kung pumunta sa branch para e claim ang pera. Naging busy ako kaya hindi ko kaagad napuntahan although 50 steps walking distance lang ang pagitan namin.

Nong wala na masyadong tao sa shop saka pa ako nagpunta sa Cebuana para e claim ang loan ko. Nilapitan ko ang teller at tinanong kung paano e claim ang aking loan. Hindi nya sakin ang text galing cebuana at inabot ko ang aking cellphone sa kanya. Tinanong nya ako kung ako ba raw yong taong nakapangalan sa loan. Pabiro ko syang sinagot, "hindi mam, kakambal ko yan". sabay tawa at sinabing "di joke lang". Mali ang intro ng teller, dapat tinanong nya ako sir may ID kaba jan? Siguro namukhaan na nya ako kaya hindi na siya humingi ng ID at to confirmed nalang din na ako talaga yon taong nakapangan sa loan application.

Wala na akong pinil-apang form kundi sila na mismo nagprint out sa PROMISSORY NOTE nakasulat doon ang detalye na kailangan kung malaman. Ang inapkayan kong loan ay for PERSONAL CONSUMPTION kasi wala pa silang BUSINESS LOAN sa branch dito sa amin. Ang pinili ko doon sa application form was 15,000 pesos pero ang inaprove lang nila ay P5,000. Meron itong P200 na processing fee kaya ang natanggap ko nalang ay P4.800. Babayaran ko ito sa loob ng tatlong buwan. Ang babayaran ko every month ay P1,836.04. Sa loob ng tatlong buwan ang total payments ko ay P5,508.12. Maliit lang ang interest compared sa ibang lending company na pwede aplayan online like Moola Lending na ang laki ng interest.

Halos magkapareho ang interest sa Pera Agad. Kaibahan lang kay Cebuana monthly ang payments samantalang kay Pera Agad weekly. 10% lang din ang tubo sa hiniram sa Cebuana pareho kay Pera Agad. Ang kaibahan lang nila ang processing fee ni Cebuana hindi na ibabalik pero kay Pera Agad ibabalik basta ON TIME kang nagbabayad. 


Sa mga gustong subukan ang Cebuana Lhuillhier Happy Loan? Punta lang kayo sa pinakamalapit na Cebuana branch sa lugar nyo. Magdala kayo ng valid ID, proof of income like business permit or payslip at proof of billing na pareho nakapangalan sa inyo. Mabilis ang approval at minimal lang din ang interest tapos monthly pa ang bayaran.

24 comments:

  1. More than a wk npo un application ko wala pa ako txt na narereceive

    ReplyDelete
    Replies
    1. Please follow-up nyo sa branch kung saan kayo nag-apply. Ako din nag follow-up twice po. Kaya wag panghinaan ng loob.

      Delete
  2. Mgkano po monthly income para maapproved kay cebuana?

    ReplyDelete
    Replies
    1. More than 10k ang buwanang sahod malaki ang chance na pumasa.

      Delete
  3. paano po pag ng uupahan lang istudyante kc ako

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kailangan kasi ang bill nakapangalan sayo tapos meron kang proof of income. Kung student pa po kayo so wala ka sa nabanggit ko.

      Delete
  4. 2 weeks na yung application ko hanggang ngayun wla paring txt, complete naman yung requirements ko pati payslip at prof of billing..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Go to Cebuana nearest branch kung saan po kayo nag apply at mag follow-up po kayo. Baka nakalimutan lang e submit ng mga taga branch.

      Delete
  5. magkano po maximum n pd iloan?

    ReplyDelete
  6. pwede yon... ako local paid teacher.. wala kami payslip..

    ReplyDelete
  7. What if magkaiba ang address ko s bill kc s parents ko un ang id ko umid iba add pero meron nmn aq brgy id n katunayan na dun aq nkatira tlaga ny possible b n mg approved pdin?

    ReplyDelete
    Replies
    1. On that case, mas mabuting isangguni sa branch ng cebuana para sigurado.

      Delete
  8. Photo copy po ba lahat ang requirement na isusubmit?

    ReplyDelete
  9. employee po ako .. meron ako payslip at id's yung proof of billing lang wala nagrent lang din kc ako ..

    ReplyDelete
    Replies
    1. gumawa kang ng authority papermahan mo sa may-ari

      Delete
  10. kung student tapos aya ang receiver ng remittance canahe qualify... tnx a lot

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwede naman ata pero para sigurado magsadya po kayo sa malapit na branch.

      Delete
  11. gooday po 😊
    may sss umid id,proof of billing ng kuryente at tubig pero sa parents ko po nakapangalan at proof ng bank deposit po aq pero di rin sakin account. nagdedeposit lng po aq ..pwde na po kya iyon?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kailangan nakapangalan sayo para malaki chances na pumasa kayo.

      Delete
  12. Hi po panu po pag Hindi nakapangalan sayo yung proof of billing kasi naka submeter lang po kami?
    Thankyou

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hingi po authorization na nangungupahan lang kayo.

      Delete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.