Saturday, November 25, 2017

Kailangan Ba Talaga ang Credit Card?

Ano ang kaibahan ng dalawa? Pareho naman silang card at parehong nagagamit sa pamimili online o sa mga shopping mall. Uso na ngayon ang cashless shopping mapa online man o sa mga maliit na tindahan at lalo na rin sa mga mall. Tamad na ang mga taong magbitbit ng pera sa wallet o sa bulsa. Isa pa, mas risky ang magdala ng cash kay sa card lang ang dadalhin kung namimili ka. Kung madalas kang nagsha-shopping, mapapansin mong dumadami na talaga ang may hawak ng card kay sa cash. Hindi kaba naiinggit sa kanila?


Hindi ka dapat maiingit kung ang hawak mo ay cash. Mas ikaw ang nakakainggit dahil yong hawak mong cash pagkatapos mong mabili ang gusto malamang wala kanang ibang iiisipin kundi mag enjoy sa bago mong nabili. Yon kung ang hawak mong cash ay hindi galing sa lending company na alam mo after few days you will start to pay it from your salary or any form of income opportunity. Kung ang hawak mong cash na pinagbili mo ng gadget ay galing mismo sa sahod mo, malamang marunong kang mag-ipon at tinitiis mong wag maiinggit sa iba na bumili agad ng gadget bago paman ang sahuran pero mahabang panahon ang bayaran.

Masarap sa pakiramdam tingnan ka ng mga tao, nakapila sa cashier tapos card ang pinagbabayad mo. Feeling mo social kana sa tingin nila. Pero sa kabilang banda naman hindi lang nila alam, sa porma ka lang pa social pero butas na ang bulsa. Gusto ko lang ipaabot sa mga may ganitong pag-iisip na gusto laging tingalain ng mga tao sa paligid dahil social itong umasta, although hindi naman lahat pero sa opinion ko marami talagang may ganitong pag-iisip. Ang masama pa doon, kung sino yong alanganin lagi ang budget bawat buwan sila pa yong may lakas ng loob na umasta ng feeling pa-social.

Ito's isang eye opener para sa mga taong nilamon na ng husto sa pagiging pa-social sa lipunan pero naghihirap naman sa pagbabayad ng kanilang mga bills buwan-buwan. Mas maganda pa rin yong ordinaryo buhay lang ang meron ka kasi nakakatulog ka ng mahimbing bawat gabi na wala kang iniisip na mga utang na dapat mong bayaran. Oo hindi masama ang mangutang lalo na't kaya mo itong bayad na hindi masagad ang budget mo sa isang buwan pero kung nangungutang ka man lang para pang support sa luho mo na alam mong hirap na nga mas lalo mo pang pinahihirapan sarili mo, iyon ang masama. Hindi lang sa sarili at health mo pati na rin sa kapwa mo pag sakaling nagka bulelyaso.

Kung gusto mo ng pasosyal pwede kang gumamit ng Debit card for your cashless shopping at wala kang iisiping utang na dapat babayaran buwan-buwan. Ibig sabihin ng debit card, may pundo ka nang nakalaan sa isang bagay at inipon mo ito sa iyong bank account. Atleast hindi risky para sayo magdala ng cash at wala kapang utang. Mahirap din kasi sa ngayon magdala ng cash kung mamimili ka lalo na't may kalakihan ito, ikaw ang No.1 target sa mga may masasamang loob kaya mas maganda kumuha ka nalang ng debit card kung gusto mo ng safe at masayang shopping experience.

Sa kabilang dako naman ang pagkaroon ng credit card ay hindi biro. Hindi tulad sa debit card na basic requirements lang ang ipasa mo sa bangko pwede kanang magkaroon ng debit card pero ang credit card mahigpit. Kailangan pa ng credit evaluation kung kaya mong magbayad ng mga utang sakaling ma approved. Syempre dapat may trabaho ka o negosyo para magawa mong bayaran ang mga utang mo. Kailangan mong mag submit ng business permit at ITR kung negosyante ka o company ID kung employed ka. Hindi biro magkaroon ng credit card, kasi hindi rin biro ang consequences na haharapin mo pag nabulelyaso ang mga pangako mo. Mag 42 years old na ako pero I never attempt to own even one credit card. Pakiramdam ko, mababaon ako sa utang sakaling meron akong credit card, baka hindi ko ma control ang pagka shopaholic ko. 

Para maging panatag ang loob mo at wala kang iisipin, better to own a debit card rather than a credit card. Ang daming nabaon sa utang dahil lang sa credit card. Ugaliing matiis pansamantala pero kaginhawaan naman ang iyong napapala. Kaya sa makukuha mo agad ang gusto mo pero sakit naman sa loob ang dulot nito. Madaling mangutang pero mahirap bayaran ang mga utang. Bago paman mag desisyong mangutang, suriin muna ang iyong kakayahan.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.