Dahil approved ang loan ko sa ESQUIRE, pinapaluwas ako ng Taguig City para kunin ang pera ko galing sa company. Ang problema ngayon, nasa mindanao ako particular dito sa Davao Oriental. Buong akala ko wala ng way para makuha ang loan ko pero ang bait ng loan specialist na nag assist sakin. Hindi ko alam kung taga Visayas o Mindanao si Ms. Rena Fernandez kasi nagsasalita din siya ng Cebuano pag magkausap kami.
Nong tumawag siya kahapon para e confirmed na approved ako sa ESQUIRE LOAN, pinaluwas agad nya ako, nakalimutan ata nya ang home address ko. Sigurado sa dinami daming client nya, hindi na matandaan kung taga saan ang mga ito lalo na't sa telepono mo lang nakakausap. Nagunlantang ako nong sinabi na na kunin ko na ang cheke ko sa office nila. Sabi ko sa kanya "mam nasa Davao po ako eh ang layo ng Taguig". Natawa sya at sinabi "ah sige gawin nalang nating non-appearance". Kaya nag Oo ako agad.
Sinabihan nya ako through cellphone na e comply ko lahat na mga documents na kailangan. Para sa mga documents, nag email agad siya sa akin nong mga kakailanganing papers. Kasama nong instruction, yong promissory note at loan documents na e print out ko at pepirmahan.
A. 8 signed post dated checks (4 months, 2 checks per month) One Network Bank
Amount per check: PHP (please refer to the attached)
Kindly leave the date vacant because the date will be based from the day we will receive the document. Monthly Interest Rate is 3.5%. Please note that a service fee of 5% will be deducted from the proceeds of your loan.
B. Signed Loan Documents ( Please see attached document) signed per page on the check marks-all pages
C. Photocopy of your 2 valid ids with 3 specimen signatures (2copies)
D. Original Filled Out Application Form with 2x2
E. Pictures of Business/Office
F. Authority to Deposit (attached)
Once complete, kindly send them to our office address: Esquire Financing Inc., 27F One World Place, 32nd Street, Bonifacio Global City, Taguig City PLEASE ATTENTION TO ME: RENA FERNANDEZ.
Isa-isa kung kinomplay ang mga kakailanganing documents hanggang na completo ang mga ito. Nagkataon na nagloko ang dalawang xerox machine kaya sa iba ang nagpa photocopy ng aking dalawang ID. Hindi rin nakikisabay ang aking printer kaya nahirapan akong e print out yong aknowledgement/authorized paper para ma deposit sa bank account ko ang pera.
Nong na completo ko na ang mga documents, I took a picture sa lahat na nabanggit sa itaas kasama na ang walong tseke. Pinasa ko sa email ni Ms. Rena ang lahat na documents bago tumungo sa LBC ihulog ito papuntang Taguig City.
Inaantay ko nalang ngayon na matanggap ni Ms Rena ang documents at ma deposito na sa aking bank account ang pera. Ibig sabihin hindi pa tapos ang aking kwento. Abangan nyo ang next post ko at ito'y tungkol sa pera na pumasok na mismo sa bank account ko. Sa mga hindi nakabasa sa unang post about ESQUIRE, click nyo itong link: https://malalamanmo.blogspot.com/2017/11/esquire-loan-ang-sagot-sa-lahat.html
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.