Home Credit - Ngayon Kahit Saan

Share:
Umikot ako sa Gaizano Mall of Davao at may napansin ako sa may cellphone section nila. Dahil sa kagustuhan kong maayos ang aking lumang Nokia E71 na nabili ko sa ibang bansa kaya napadpad ako sa area na yon. Habang nag-aantay na maayos ang aking cellphone, lumilingon-lingon din ako sa kalapit shop at nilakad ko ang buong section para tumingin-tingin sa mga latest model ng cellphone na naka display sa bawat rack ng kani-kanilang mobile shop.

Isa lang ang napansin ko katabi ng mga cellphone, HOME CREDIT installment plan kung gusto mong kunin ang isang unit na nagustuhan mo. Halos lahat ng shop affiliate ni Home Credit. Namamayagpag ang HOME CREDIT sa mga gadget sa halos lahat ng kilalang mall from Metro Manila to Mindanao. Pinapagaan talaga ni Home Credit ang pagkakaroon natin ng mga gadget, kagandahan pa nito ay zero interest rate.

Ibig sabihin sinusuportahan ng Home Credit ang hilig nating makikiuso lalo na sa mga gadget. Talagang hinihikayat tayo na kumuha ng unit na magaan lang sa bulsa. Oo mukhang magaan lang sa bulsa pero kung iisipin mo ang maidudulot nito sa budget mo sigurading pagsisihan mo after 3-5 months. Maaaring hindi nga tayo napag-iwanan sa kung ano ang uso ay meron tayo pero ang maidudulot naman nito at pagdurusa kung hindi naman kalakihan ang sahod mo.
Masarap ang pakiramdam kung laging kang nauna sa uso at napapansin ng mga kaibigan mo. Pero aanhin ang kasikatan kung hirap ka naman sa budget mo at minsan nga umiiwas kana sa mga naniningil sayo lalo na't hindi lang iisa ang inuutangan mo. Napakadaling umutang ngayon pero ang pinaka mahirap ay paano ito babayaran na hindi na napi-pressure sa inuutangan mo.

Habang sumasakay ako sa mga bus, train, UV at maging sa jeep, pansin kung parang nagpapagandahan ng mga gadget ang mga nakakasabay ko. Minsan iniisip, paano kaya namumuhay ang mga ito? May budget pa kaya sila sa sarili nila lalo na kung nagkakasakit sila. Ang number 1 na sumisira sa budget natin ngayon ay ang sakit, hindi natin ito inaasahan pero kusa itong dumadating. Sa totoo lang karamihan sa mga may bagong gadget o mga bagong gamit ay wala talagang ipon. Inuubos nila ang lahat ng kanilang pera sa pagbili ng kanilang luho upang hindi mukhan napag-iwanan at laging bida sa mga kasamahan.

Bakit ko ito nasabi? Dahil ako mismo ay biktima ng matinding panghihikayat ng komersyo. Bilang isang OFW na may kalakihan ang sahod, madali lang sa akin bumili ng mga gusto ko lalo na sa gadget. Nong nasa Pilipinas ako, pinaka mahal na cellphone nabili ko was P17,000 we back 2003. Mahal na yon nong panahong yon pero sinunggaban ko pa rin. Aaminin ko hindi kalakihan ang sahod ko noon kaya meron ding mga time na zero balance na ako kahit kakasahod pa lang. At alam ko ganun din ang mga nararanasan ng mga taong nakikita kung empleyado na may marami at magagarang gadget. 

Nong nasa abroad ako, dahil nga malaki ang sahod nabibili ko ang mga bagong labas na gadget. Paglabas ng Iphone 5S nabighani agad ako sa kulay gold nito kaya binili ko ito sa halagang P40,000 convert mo sa peso. Pero hindi ko ramdam ang halaga nito kasi nasa labas naman ako. Sunod na binili ko ay Sony Vaio Laptop, i7 -1TB nasa P50,000 din ang halaga nito kung e convert mo sa peso. At nasundan pa ito ng isang DLSR Canon 70D na ang bili ko ay P26,000 plus Epson Projector na nagkakahalag ng P25,000. Kung e total mo yon aabot ito ng P141,000. Di ba ang laki ng halaga? Kung binili ko ng lote o lupain after 3 years siguradong tataas ang value nito pero kumusta na yong mga binili ko? Hito nakatago, minsan lang nailabas kung kailangan pero kumusta ang value nito? Tumataas ba? Syempre bagsak na dahil sa tinatawag nating depreciation value. Kaya pinagsisihan ko kung bakit namimili ako ng mga gadget na maganda lang naman sa pakiramdam mo during first to three months. Tapos noon magsasawa kana rin.

Kaya ang payo ko sa lahat, hindi porket magaan lang sa bulsa ang pag-angkin nga mga gamit at gadget ay tama na sunggaban mo ito. Know your priority sa ngayon at isipin mo ang idudulot nito sa buong taon mong budget. Napakadali lang umutang pero napakahirap bayaran ang ating utang lalo na't hindi ito nag-iisa lang. Aanhin yong sikat ka nga pero butas naman bulsa mo at hinahabol kapa ng mga inuutangan mo.


No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.