Monday, November 13, 2017

Savings -Paano Ka Magkaroon Nito?

SAVINGS SAVINGS SAVINGS!

Yes tama ang nabasa mo sa itaas, KAILAGAN natin ng SAVINGS. Hindi dapat umaasa nalang tayo sa utang. Walang pakundangang utang. Walang katapusang utang! Pati anak natin pagmulat sa mundo may utang nang babayaran na pinasa natin sa kanila. Oo, nakakatulong ang PANGUNGUTANG pero hindi maganda pakinggan na lahat na lang nga pera na ginagamit mo ay nagmula sa utang. Paano ba natin masulosyonan ang problemang ito?

Bukod sa magtrabaho para magka pera, KAILANGAN din nating mag-ipon or magkaroon ng savings, sa BANK man ito or naka-invest sa isang REAL ESTATE or sa isang BONDS. Hindi dapat ubusin ang pera na kinikita natin galing sa sahod o sa negosyo. Dapat magtabi tayo kahit maliit lang na halaga para masanay natin ang ating mga sarili para sa oras ng emerhensya meron tayong madudukot at hindi aasa sa utang.

Malimit sa atin, nag-iipon kung maraming excess sa pera na kinikita nila. Ibig sabihin kung walang matira, wala ding maipon. Yan ang nakasanayan ng lahat na Pinoy. Hindi na tayo natuto sa mga naranasan natin dati. Lalo na sa pagkakataon na, kailangang kailangan ang pera pero wala kang mahanap, lahat ng kaibigan, kamag-anak pati kapitbahay ay umaayaw na pag inuutangan mo sila. Para kang sinakluban ng lahit kung sa iyo mangyayari ang gayong sitwasyon. Sasakit ang loob mo kasi walang tumutulong sayo, samantalang kung ikaw nilapitan nagbibigay ka kaagad sa kanila dahil naaawa ka ati hindi ka man lang nagtabi para sa sarili mo at pati sa pamilya mo.

Ang pagkakaroon ng savings at hindi kukunin sa natira mong pera KUNDI computed na ito bago mo paman nahawakan ang pera. Narinig nyo naba ang 10-20-70? Maraming mga may negosyo ang sumusunod sa formula na ito. Ano ang ibig sabihin nito? Ang 10, ito'y 10% sa pera na matatanggap mo from your business or salary na ibibigay mo sa simbahan or TITHES. Pera na nakalaan para sa mga gawaing pang espirituwalidad. Ano naman ang 20? Tumutukoy ito sa 20% na dapat ihulog mo sa piggy bank o alkansya mo for future usage. Everytime na makaka received ng sahod o income, automatic 20% noon ay magiging savings mo. Kumusta ang 70? Ito ang natirang pera pagkatapos mong bawasan ng 10% para sa simbahan at 20% para sa savings mo sa bangko. Ang 70% lang ang pwede mong gamitin o gastusin. Wag kang lumagpas sa 70% kasi siguradong mauuwi sa matinding kakulangan at bumagsak sa utangan.

Kaya, wag antayin na magka emergency na bago pa gumawa ng aksyon. May sapat pang panahon para umpisahan at gagawin ninyo ang pag-iipon. Sigurado ako, pag dating ng oras ng inyong matinding pangagailangan, hindi na kayo tulad ng asong olol na maghahagilap sa kung saan-saan. Na parang nasa malawak ka na kalupaan at hinahanap mo ang nawalang karayom. 

START SAVING NOT TOMORROW, NOT NEXT MONTH, NOT NEXT YEAR BUT START SAVING NOW!

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.