Friday, November 24, 2017

Moola Loan Approved P20K

Kung nasundan nyo ang story ko ngayong araw na nagbayad ako ng aking loan kay Moola dahil due date ko today sa aking last loan nong October 23 sa halagang P6,000 na ibabalik ko after 30 days kasama na ang tubo na P1,800. Ang exact amount that I need to pay ngayong araw ay P7,800. Medyo matass ng kunti ang interest compared sa ibang lending companies. Nong una, akala ko talaga na Moola lang ang may pinakamataas na interest rate pero nong pumasok sa eksena ang Robocash, nasapawan nito ang kasikatan ni Moola kung mataas na interest rate ang pag-uusapan.


Tapos kung bayaran ang aking loan sa 7-Eleven. Pinadalhan ako ng text ni Moola na pwede na uli akong mag INSTANT Reloan. Dahil P6,000 ang last loan amount ko, I am qualified to reloan sa halagang P8,000. 


Yon talaga ang nasa isip ko na hanggang P8,000 lang pero nong na click ko na ang link na binigay nila sa akin sa text, na redirect ako sa kanilang website at tumambad sa akin ang options to reloan sa halagang P20,000. 


Hindi ako makapaniwala dahil sa buong akala ko ay P8,000 lang talaga at hanggang P10K lang ang pwede e-loan sa Moola. Siguro masyado lang akong opporunista kaya sinunggaban ko na. Tapos ma set sa P20,000 at babayaran ng 30 days, ang magiging balik nito after 30 days ay P26,000. 

Hindi ko talaga inaasahan na ganun ang pwede ko ma reloan kay Moola. Akala ko hindi pwede yong ganon kasi sa P8,000 lang ako qualified pero sinubukan ko pa rin applyan. Pagkatapos kung ma submit ang reloan application, mababasa ko sa aking cellphone na tatawagan ako ng agent ni Moola para pag-usapan ang inaplay kong reloan. 

Paglipas ng wala pang isang oras, tumawag na nga ang agent ng Moola. Agad nya ni remind sa akin ang halaga na pinili ko para mag reloan. Binasa din uli nya ang pwede maging interest after 30 days at mga karampatang interest at penalties sakaling hindi ko tutuparin ang aking pangako. Bago nya binaba ang telepono, sinabihan nya ako na meron ito 10% processing fee at dahil Friday na ng hapon, aasahan ko na ang pera ay papasok sa Lunes, 6pm ng hapon saka ko ito e check. 


Kung walang problema sa Bank account ko, siguradong papasok ito sa oras na nabanggit. Nong binuksan ko ang aking account sa Moola "READY FOR DISBURSEMENT" na ang aking P20,000 na loan sa kanila. Maya't maya pa ay meron akong na received na text confirming na YOU LOAN HAS BEEN SUCCESSFULLY DEPOSITED TO YOUR BANK ACCOUNT na alam ko sa Monday ng 6pm pa yon made-deposito. Ang bilis ng transaction, totoong INSTANT RELOAN nga.

Tulad ng sinabi ko kahit nong nakaraan pa na medyo may kalakihan ang interest ni Moola pero kung gagamitin mo ito sa negosyo hindi mo pansin ang tubo nito. Para magamit ko ito at hindi ako mabigatan sa interest, ang pera galing kay Moola ay ginawa kong source capital sa aking e-loading retail business gamit ang COINS.PH na ngayon ay nagbibigay ng 10% discount. Nakakaubos kami ng P7K load everyday kaya ang balik nito sakin everyday ay naglalaro sa P600 bawas ang charge sa Cebuana para makapag cashin ako sa coins kasama na rin ang internet connection kasi hindi naman nagana ang coins kung wala kang internet.

Sa P600 everyday na NET INCOME ko sa retail ng load, sa loob ng 30 days kikita ako ng P18,000. Ibawas natin ang P6,000 na interest sa 30 days at 10% na processing fee na binawas nila bago ni-release ang loan na P20K at P2,000 din yon. So meron pa akong natitirang P10,000 na profit sa loob ng 30 days kaya bawing-bawi ko na ang aking ni-Loan kay Moola.

Ang payo ko sa mga nagnanais magloan kay Moola, siguraduhin nyo na gagamitin nyo ang pera sa negosyo para babalik ito sayo with profit pa. Wag kayong magloan kay Moola para lang sa luho nyo o gagastusin nyo dahil birthday ni ganito o anniversary ni ganyan. Kung meron ka namang ibang source para pambayad sa hiniram, walang problema yon pero sa ngayon kung hindi mo alam saan kukunin ang pambayad mo sa Moola pagkatapos ng 30 days, aba'y maghunos dili ka baka pagdating ng kataposan, hihimatayin ka sa sobrang stress sa paghahanap ng pambayad mo kay Moola.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.