NEEDS VERSUS WANTS

Share:
Marami ang hindi alam sa kaibahan ng NEEDS at WANTS. Magkaiba ang KAILANGAN at sa GUSTO mo lang. Karamihan kasi nag-iisip na ang needs at wants ay pareho lang kaya hindi nila namalayan nabaon na pala sa utang dahil sinunod nila ang kanilang pangangailangan. 

Ang needs ba ay napaka importante? Oo, hindi pwede na baliwalain ito kasi ikaw at ang pamilya mo ang magsa-suffer. Mamamatay ka kung hindi mo mo bibilhin ang inyong mga needs. Anu-ano ba ang mga needs ng isang ordinaryong Filipino? 

Una, PAGKAIN at INUMIN. Hindi pweding palipasin mo ang isang linggo na walang makakain. Sigurado sa sementeryo ang bagsak mo. Lahat na kailangan para mabuhay ay kasama sa mga needs mo. Bukod sa pagkain, syempre kasama na din ang tubig. Kung dati ang tubig ay libre, ngayon ay hindi na. Pinapatakbo na ito ng metro kaya pilit kang magbayad sa oras ng singilan. Yong mga di-metrong tubig ay hindi na tayo makakasiguro na safe itong inomin kaya para iwas sakit at komplikasyon, bumibili tayo ng mineral water. 

Pangalawa, DAMIT. Wala na tayo sa kapanahonan nila Adan at Eva na wala pang damit, nong nagkasala natuklasan nila na wala pala silang damit kaya simula noon nagiging needs na rin na ang ating isusuot. Hindi mahalaga ang brand at ang presyo. Importante hindi nakalantad ang buong pagkatao mo. 

Pangatlo, TIRAHAN. Needs ito ng bawat tao na mayron kang mauuwian at matitirhan lalo na pag gabi, masama ang panahon at lalo na kung gusto mong magpahinga at ayaw mong ma estorbo. Majority sa ating mga Filipino ay mayrong tirahan pero meron din iilan na sa kasamaang palad, nanirahan sa isang pirasong papel o mga sirang box at nagpapalipas ng gabi o sa masamang panahon sa ilalim ng mga sirang gusali at sa kalye. 

Siguro alam na natin ang daily needs ng bawat Filipino. Kung walang pagkain at tubig, damit,  tirahan sigurado walang makakatiis kundi lahat ay mamatay.  Sa needs, walang pinipili. Mayaman o mahirap tayong lahat nangangailangan nito. Kaya mas importante ang needs kay sa wants.

Ano ba ang WANTS? Ang wants ay pwedeng meron pwede ring wala. Hindi ka mamamatay kung wala ka nito. Nagpapakita lang itong wants kung ano ang status mo sa buhay. Sa wants matutukoy ang katayuan ng bawat individual. Halimbawa nito; sasakyan! Pwede ka namang walang sasakyan kung gugustuhin mo. Pero kung kailangan mo ito para patakbuhin ang iyong negosyo, walang problema kasi mababawi mo naman ang ginastos nito. Kumusta naman yong walang negosyo, bumili lang para sumikat sa mga kakilala at kaibigan? Kung mayaman naman, walang problema kaya naman ng bulsa pero kung naghihhirap kana tapos dagdagan mo at lalo kang nabaon sa utang, aba mag-isip kana baka baka pagsisihan mo ito sa hinaharap. Laging isipin ang sasakyan pagdating ng tatlong taon, ang halaga nito ay nasa 30-40% nalang sa buong halaga. Kung hindi talaga kailangan wag kana munang magkasasakyan.

Magandang damit. Pwede naman bumuli ng mga mura importante presentable ka sa harap ng tao. Kaso hindi ka mag shine sa crowd kung hindi mamahalin ang damit mo at hindi ka mapapansin nila kung Ukay-Ukay lang ang suot mo. Kung mayaman ka naman tapos gusto mong bumili ng mga mamahalin at branded, hindi problema yon pero kung kapos ka at nangungutang ka lang para pambili nito, aba't wag na. Ano ba mapapala mo kung sumikat ka lang sa sandaling iyon dahil magara ang damit mo pero hindi nila alam sa susunod na raw hina-hunting kana pala sa kompanya ng credit card mo. Mas nakakahiya yon.

Bagong gadget. Marami sa atin doble-doble ang gadget. Kung merong bagong labas, nagpapa reserve agad. Gusto siya pa ang unang makahawak nito. Pero kumusta naman, meron kaba talagang budget para dito? Kung mayaman ka, go ahead with your plan. Rights mo naman bumili nito kasi may pera ka. How about yong walang budget? Saan kayo kukuha ng pambili? Hugot agad sa credit card sa harap ng teller, na hindi man lang iniisip kung kailangan pa ba ito o bibili ka lang para laging sasabihin ng mga kaibigan mo na IKAW AY LAGING NASUNOD SA USO? Oo nga, masaya ka sa unang tatlong buwan pero kumusta naman kung napagsawaan mo na ito pero ang maniningil ng utang sa credit card ay hindi pa nagsasawa sa pagbawas sa sahod mo, masaklap wala ng natira. Kakasahod mo lang pero nangungutang kana ng pamasahe. Marami sa atin ngayon, ang daming cellphone na dala-dala, akala mo naman buy and sell ang negosoyo. Wala lang! pampasikat lang sa iba at sa kaibigan. Kung hindi lang din kailangan at wala kang negosyo, keep one at a time. Iponin mo nalang ang pera mo kung meron kang sobra-sobra galing sa sahod mo. 2 years after pwede kanang magpatayo ng sarili mong negosyo.  

Kung wala ka rin namang negosyo at umaasa ka lang sa sahod mo. Mabuti pa'y huminto kana sa kahibangan mo. Instead, yong pera na ginagastos mo sa mga luho mo o WANTS mo, iiponin mo para pang negosyo o mag invest ka sa mga real estate. Hindi mo pagsisihan sa bandang huli. Wag magpa alipin sa WANTS, ipapahamak ka nito kung hindi mo ito na ko-control. 

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.