Monday, November 06, 2017

Negosyo Para sa Lahat

Hindi tulad dati iisang source of income ay mabubuhay na tayo. Karamihan naman sa ating mga Filipino ay nagta-trabaho sa company, mangingisda at magsasaka. Mabibilang palang dati ang mga negosyante pero sa kinalaunan, sila ang lamang sa lahat. Ang mga magsasaka at mangingisda lalong naghihirap at ang mga may trabaho nababaon sa utang. Ngayon oras na para gumising tayo at wag nating gawin ang dating nakasanayan na. Karamihan, pagmulat palang natin, may utang na tayo galing sa ating mga magulang. Paano tayo makakaahon kung ganon lagi ang trend ng ating buhay. 

Ano ba ang solution para madagdagan ang ating source of income at makasustain sa mga pangangailangan natin araw-araw, lalo na't dumating ang emergency na wala man lang tayong makukuhan ng pondo. Siguro ang iba may mga piggy bank  o alkansya na binubuksan pag kinakailangan, mabibilang lang ang may savings sa bank. Karamihan sa atin, sa lending institution bumabagsak or sa mga taong nagpapautang na abot hanggang leeg ang tubo, mas lalong nalulubog sa kahirapan ang mga taong umaasa lang sa ganon.

Marami na ang nagising pero mas marami pa ang kailangang gisingin para mamulat sa katutuhanan. Kailangan natin ngayon ang multiple source of income kasi pag-iisa lang mababaon ka talaga at malubog sa utang. Nauuso na rin kasi ang sakit ngayon na hindi kasama sa budget na ang ospital, oo meron philhealth pero sagot ba ng Philhealth pati gagatusin ng mga tagabantay? Ang pagkain pwede pa pero mga pangunahing pangangailan sa pasyente hindi sagot ng Philhealth yon. Ilang araw lang na tambay sa ospital excess kana agad at ang Pharmacy hindi kana bibigyan ng gamot kung wala kang cash. Napakahirap makakaranas ng ganun pero halos lahat tayo dumaan sa ganung sitwasyon kaya napililitan tayong umutang, ilang buwan ding wala tayong sasahurin para lang makabayad sa gastos sa ospital. Yon ang pinaka mahirap na pagdadaanan ng lahat na hindi narin ini-expect na dumating sa pamamahay natin na no one knows kung kailangan kaya dapat nating paghandaan.

Ano ba ang dapat gawin para madagdagan ang ating source of income at kahit papano at makakaipon kahit kunti lang bawat buwan? The only answer ay BUSINESS. Lahat na umaangat sa buhay ngayon ay negosyante. Kung umaangat sila, hindi imposible na magagawa din natin ang nagagawa nila. Ang kailangan lang maging Risk Taker ka. Lahat naman na negosyante sumusugal, meaning nag risk sila to engage a business na nong una hindi nila alam kung papatok ba sa taong bayan. Kailangan lang gawin ng tama at sa umpisa paghirap mo gawin ng mag-isa. Kasi wala kapang pambayad kung kukuha ka kaagad ng maging assistant mo. Mas maganda gawin nyong magpamilya para madali lang at lahat na kita ay pwede nyo pa ma-rolling para tuloy-tuloy ang operasyon. Sipag, tiyaga ant buo ang loob yon ang pinaka sekreto para lumago ang negosyo.

Ano ba ang mga patok na negosyo ngayon? Actually, marami pero walo lang ang ibibigay kung napaka common ngayon at siguradong kikita ang mga nag-engage nito.

UNA. SELLING LOADS OR BILLS PAYMENT
Sa ngayon, simula 7 years old pataas kadalasan meron ng cellphone. Saan sila bibili ng load? Siyempre sa mga tindahan or mga kakilala. Patok na patok ang eloading business sa ngayon kasi marami ang mas pipiliin bumili ng load kay sa pagkain nila lalo na sa mga teenager at mga studyante. Inuuna pa ang load kay sa bumili ng snacks sa swkelahan. Yes, it's really true kaya, dumadami ang nag engage ng eloading business. Naging tamad na rin ang mga tao ngayon, wala ng oras para pumila sa mga kilalang opisina sa electricity, water, telco at iba pa. Gusto nila pumunta sa mga Bayad Center kasi mabilis at malapit lang, pwede lang lakarin. Kaya nagsulputan na rin ang Bayad enter ngayon kahit saan.

PANGALAWA. SELLING GOODS ONLINE
Kahit bata na-addict na sa social media. Ang pinaka magandang market ngayon ay yong mga taong nakababad sa online world gaya nalang ng social media. Mas madali mo silang maabot at dahil high tech na rin ang mode of payment ngayon, isang iglap lang nasa kamay mo na ang bayad ng inyong binibinta online. Pwede kang mag binta ng mga luma mong mga gamit o kahit mga personalize items na ikaw mismo gumagawa. Dahil libre naman ang pagamit sa social media, maliit lang ang expenses mo at malaki ang kikitain mo.

PANGATLO. INVESTING IN REAL STATE
Nauuso na ang CONDOMINIUM, HOUSING at mga apartments. Instead, na bibili ka ng sasakyan o mga bagay na mag depreciate kinalaonan, mabuti pang mag invest ka sa mga real state, pwede ka kumuha ng condo, housing at isang apartment. Pwede mo itong hulugan at the same time gawin mong paupahan para yong binayad nila yon din gagamitin mo sa monthly amortization. Wala kang inilabas na pera galing sa bulsa mo.

PANG-APAT. FOOD AND BEVERAGES BUSINESS
Dumadami ang tao kada taon kaya in demand din ang mga food chain, restaurant at mga bars. Hindi pwede ang tao hindi kakain at iinom kaya, patok na negosyo ito kasi hindi rin naman ito kailangan ng malaking puhunan. Kung mapapansin mo, halos lahat sa mga skenita meron ng kainan at restaurant. Maganda ito lalo na sa mga mahilig magluto.

PANGLIMA. TRAVEL AGENCY
Gusto ng mga tao ngayon, after full of stress sa trabaho. Bumibiyahe sila sa mga malalayong lugar para ma pamper ang mga sarili nila at gusto maiba ang paligid at makakalanghap ng preskong hangin. Dumadami kasi ang mga toursit spot sa ating bansa kaya ang mga tao gusto pumunta kahit nasa malayo pa ito. Saan sila magbo-book ng ticket? Syrempre sa mga travel agency. Pati hotel sa travel agency na rin gagawin para makamura.

PANG-ANIM. HOME MAINTENCE SERVICES.
Dumadami din ang nagpapatayo ng agency para sa general services. Ang mga kilalang kompanya ay lumalapit nalang sa mga agency para makakuha ng mga trabahante nila. Ang pag-aayos ng mga sira sa bahay, ngayon isang tawag nalang. Mabilis ang serbisyo at makamura kapa. 

PANG-PITO. LAUNDRY AND DRY CLEANING SRVICES.
Kung dati pupunta pa tayo sa ilog upang makapaglaba, ngayon nag-iba na. Kahit sa kapitbahay mo meron ng laundry shop at pwede kana ring mag dry cleaning kung gusto mo lang magmukhang bagong laba ang mga damit mo na hindi naman marumi. Pumapatok ang laundry shop dahil karamihan sa mga tao lalo na sa mga city, wala ng time maglaba. Pipiliin nilang magbayad at ang oras sanang maglaba, igagala nalang nila.

PANGWALO. FRANCHISING
Kung nong una sa mall nyo lang sila makikita, dumadami na rin sila sa mga daanan natin kalye. Halimbawa ang mga siomai shop, halos nagkalat na sila. Mga pampalamig din nauuso na at hindi na kailangan ng malaking puhunan para makabili ng isang unit nito. Maraming promos ngayon, kanya-kanyang pakulo para bumibili ang tao.


Mamili kayo kung saan mas gusto mo. Wag mo itong gawin dahil kailangan mo, kundi gawin mo ito hindi lang dahil sa pera kung hindi dahil passion mo. Mas lalago ang negosyo mo pag ginagawa mo ito with passion. Meaning masaya ka habang ginagawa mo ito at hindi kay sa napipilitan lang. Umpisahan mo na ngayong magplano para sa ikagiginhawa ang inyo buhay pampamilya.


No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.