PA Agent -Lack of Training

Share:
Ito'y tungkol sa pangyayari nong nakaraang araw sa akin at sa isang Agent ng Pera Agad. Kung hindi nyo nasundan ang buong storya pwede nyo itong mabasa uli sa link na ito >>>CLICK HERE. Tapos kung mai-report, kinabukasan tumawag uli ako pero hindi na ako sinasagot ng cellphone na tumawag at tinawagan ko. Hindi ko alam bakit? Kung hindi sila busy malamang block nila ako. 

Ang ginawa ko, tumawag ako sa toll free hotline. Buti at PLDT ako kaya nakakatawag din ako sa hotline number nila na: 1800-10888-2423. Sigundo lang at meron na agad sumagot sakin. Isang mabait na agent at tinanong ako kung ano ang concern ko sa kanila? Related ba daw sa payments, reference number o tanong kung paano magloan sa kanila. Sinagot ko siya na wala po sa kanyang nabanggit.

Sinabi ko sa kanya ang buong pangyayari. Automatic humingi po siya ng paumanhin kasi daw third party nila ang tumatawag to follow-up our payments. At ang hawak nito ay payments section. Sinabi pa nya sakin na na malamang kulang sa training ang nakuha ng kanilang payment section na customer care. Papa imbestigahan daw nya ito na dapat hindi naman ganun ang attitude ng mga customer care nila. Oo nga naman! Para saan ba yong word na CUSTOMER CARE kung wala din namang care sa mga customers.

More than 10x na akong natawag ng Pera Agad. During sa loan application nakadalawang beses ako tinawagan nila. Pagkatapos kung makuha ang loan tumawag uli sila. Three days before my first due date tumawag na naman sila, hanggang sa sunod-sunod na. Magkaibang boses ang tumawag at nakausap ko pero ang babait naman nila pero yong time na yon napaka badtrip ang inaasta ng agent na yon. Pakiramdam nya siya nagmamay-ari ng Pera Agad. Kahit naman siguro ang may-ari hindi gagawin ang ginawa nyang pambabastos sa client nila.

Sa pagkaalam ko, meron talagang naninindak ng client pag nagpast due na ng ilang araw o buwan pero yong time na yon, due date palang at nasa tanghaling tapat, mahaba pa ang oras para magawan ng paraan. Kaya lang namain hindi ko nagawa agad kasi may emergency akong binili sa City at alam ko na makakabalik pa ako bago magtakipsilim. Hindi ko makakalimutang ang agent na iyo. Kaso ang masaklap hindi ko nakuha ang pangalan pero sa pamamagitan ng cellphone number at time ng tawag niya, malalaman ng kanyang boss kung sino ang may pakana non. 

This week alam ko meron na namang tatawag kasi due date ko na naman sa November 16, sa November 14 or 15 alam ko may tatawag. I will observe kung paano na sila tatawag sa akin. Titingnan ko if merong pagbabago kasi kung wala, meaning hindi umabot sa kinaukulan. Inaantay ko rin ang feedback nong nakausap ko na totoong taga Pera Agad.

Sa mga nakikisimpatiya sa akin, hindi naman worst case yong nangyari. Meron kasing nag PM sakin na kinancel nila yong application nila sa Pera Agad. Wag naman mo, malaking tulong sila para sa atin. Kailangan lang natin silang gisingin. Bago pa kasi ang Pera Agad at marami pa siguro silang ina adjust. Pag laging na involve ang agent ng bad reviews, siguro naman hindi magdadalawang isip ang Pera Agad na tanggalin iyon.

Isang malaking company ang Pera Agad at milyon-milyon ang pinuhunan para matugunan ang mga pangangailan ng mga Filipino. Hindi mumurahing company ito kasi hindi makikipag deal si SMART kung hindi milyones ang kikitain nito galing kay Pera Agad. Biruin mo naman, bawat transaction na gagawin merong P5 si SMART like loan approval, syempre papadala si SMART through SMARTMoney ng reference, may bayad yon. Everytime magbabayad ka ng loan mo halimbawa weekly, meron din P5 si SMART, kung 12 weeks ang terms mo kay Pera Agad, makakuha ng P60 si SMART galing sayo within 3 months. Kung 20,000 ang nagbabayad sa isang buwan multiply by P20 per month, ang magiging kikitain ni SMART ay P400,000. Sa tingin nyo 20,000 lang ang magbabayad sa kanila ng kanilang mga loan sa loob ng isang buwan? Ang sagot hindi, mas marami pa at lalong dumadami pa bawat araw. Kaya si Pera Agad ay susundo sa standard kung paano e handle ang mga client nila a very nice way. Aabangan natin ang susunod na kabanata sa kwento ko tungkol sa bastos na agent nila.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.