PAANO MAGKAROON NG GCASH?
Dahil nasa digital age na tayo, maraming pagbabago ay minsan hindi natin nasusundan. Isa na rito ang pagkakaroon ng Gcash Account. Maraming lending institution na ngayon ang ginawang MOP or mode of payments ay GCASH. Anong klaseng serbisyo ba ito at bakit matunog ito ngayon sa social media at kahit sa family at friends natin madalas itong napakinggan sa ating mga tainga? Ang GCASH ay isang matatawag din nating digital wallet na pwedeng gamitin sa PAGBABAYAD NG BILLS, BOOK A MOVIES, ONLINE SHOPPING, BUY PREPAID LOAD, SENDING MONEY and even buying GPass.
Sa pagbabayad ng Bills, marami na rin itong tinatanggap na bills gaya nalang TELECOMS, AIRLINE BOOKINGS, CREDIT CARD PAYMENTS, GOVERNMENT AND PRIVATE INSURANCE, LOANS PAYMENT, SCHOOL TUITION FEES, UTILITY BILLS and OTHERS. Madali nalang ang pagbabayad ng bills na hindi mo na kailangan gumastos pa ng pera at oras para bumiyahe papunta sa mga opisina upang bayaran ang inyong mga bills. Isang pindot lang ng inyong cellphone keypad or android apps, bayad na agad ang pipiliin nyong bayarang bills.
Gamit ang iyong email at Gcash apps, pwede kanang mag book ng movie ticket kahit nasa bahay kapa lang at mamaya kapa pupunta sa mga sinehan sa pinakamalapit na mall sa inyong lugar. Abot kamay nyo na at deretso pasok kana pagdating nyo sa labas ng mga sinehan. Lalong pinapabilis ang ang panonood mo ng sine.
Marami na ring online store ang tumatanggap ng Gcash. Bukod sa pwede mo na itong gagawin sa iyong Gcash apps ang pagsa-shopping, maari mo na rin ipambabayad ang Gcash card na nakalink sa Gcash account mo. Widely acceptable na din po ang Gcash card at pwede mo na rin itong gawing ATM card para makakakuha na kayo ng cash pag kinakailangan.
Kung sakaling naubusan ka ng load at walang mabibilhan ng prepaid load, pwede mo na itong gagawin sa cellphone mo. E-dial mo lang ang *143# at sundin ang mga intruction na magpa-flash sa iyong cellphone screen. Maliban sa personal loan na pwede mo kunin sa Gcash account mo, pwede ka na ring magbinta ng load gamit ang iyong Gcash balance.
Napaka bilis nang magpadala ng pera ngayon gamit ang Gcash money service. Kung meron kanang Gcash account at gusto mong magpadala ng pera sa iyong mga mga anak o magulang pati na rin kaibigan at kamag-anak, pwede mo na itong gagawin sa kamay mo lang at hindi na kailangan pumunta pa sa mga padala centers sa inyong lugar. Kung wala kapang Gcash account, maaari kang pumunta sa mga tindahan or establishment na merong nakapaskil na GCASH REMIT center. Gcash ang may pinakamababang service fee sa pagpadala ng pera sa ibang Gcash account holder.
Dumadami na din ang mga eskwelahan na tumatanggap ng Gcash payments sa kanilang mga student tuition fees. Ang mga magulang ay pwede na silang magbabayad na hindi kailangan ibigay pa nila sa kanila mga anak ang pera. Maaaring maiiwasan nito ang pagkawala or magastos na anak sa ibang mga bagay.
Lumalawak ng lumalawak ang serbisyo ng Gcash bawat taon at lagi silang nagdagdag ng services para sa kaginhawaan ng mga gumagamit nito. Ang kailangan lang meron kang sariling account para ma enjoy mo ito.
PAANO MAG CREATE NG GCASH ACCOUNT?
Ang kailangan lang ay meron kang GLOBE or TM sim para makagawa ng account. Kung existing TM or GLOBE user ka, gawin mo lang ito sa iyong TM or GLOBE sim MENU o di kaya sa *143# at sundin lamang ang instruction na mababasa mo sa inyong cellphone screen. Pag nagawa na ang inyong Gcash account. Maaari kayong pumunta sa Globe Store or Globe Wireless Center para mag KYC or Know Your Customer verification process. Magdala lang kayo ng valid ID para magawa nila ang pag verify ng iyong account. At doon din sa Globe pwede nyong mabili ang Gcash ATM card na pwede nyong pang withdraw sa ATM at pambayad nyo sa mga malls kung nagsha-shopping kayo.
Ugaliing laging handa sa pagbabago para hindi ka maiiwan sa lumang henerasyon mo. Sa ngayon dahil na uso na ang pangungutang online, marami nang lending companies they prepared to sent out your loan money sa Gcash account mo kaya kailangan mo rin ito pag nangungutang ka online. From your Gcash account, pwede mo na itong ma withdraw sa atm machine gamit ang inyong Gcash ATM card. Napakabilis at napaka convenient na proseso para sa ating mga Filipino.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.