Thursday, November 09, 2017

Pagasa Lending Company -How to Apply?

LOAN PRODUCTS:
1. SMALL GENERAL LOAN
2. SMALL BUSINESS LOAN
3. SMALL ENTREPRENEUR LOAN
**LOAN COLLATERAL BUILD UP (SAVINGS)

Sino po ang nakapagloan na kay PAGASA? Kilalang kilala na ang lending company na ito kasi halos lahat ng bayan napasokan na nila maliban nalang sa mga delikadong lugar pero kung saan malakas ang negosyo, sigurado akong nandoon din si Pagasa. Ang lending company na ito ay nagmula sa Bangladesh. Ibig sabihin ang may-ari ng company ay Bangladesh citizen at pati mga Head of Office ay mga Bangladeshi din. Nagkataon lang na isa sa mga school mate ko sa college at nagtatrabaho sa Pagasa at inudyokan akong magloan sa kanila para daw masubukan ko ang company nila. Hindi pa ako nakaranas mangutang sa ganitong mga kompanya. Umaasa lang kasi ako sa SSS at PAG-IBIG loan. Dahil nga kaibigan ko ay pinagbigyan ko nalang. 
Merong dalawang klaseng pautang ino-offer nila sa akin. Group at individual ang pwede kung e avail. Sabi ko sa kanya, ayaw ko ng group kasi business loan ang e apply ko. Karamihan sa group mga babae. Wala akong masyadong alam sa group pero sa individual lalaki at babae ang pwede. Binigyan nya ako ng listahan ng mga requirements na kailangan kung e submit sa kanila. Dahil meron na ako sa mga yon, kinabukasan bumalik ako at pinasa ang requirements.  

Ano ang mga requirements na kailangan nila kung mag-apply ka ng business loan for individual? Application form ang unang binanggit, photocopy of your Valid ID, Cedula, Business Permit, DTI, 2pcs 2x2 picture at isang whole body picture magkasama kayo ng asawa mo. Wala ng ITR or bank statement na kailangan.

Tapos kung ma submit ang requirements kinunan ako ng picture sa kanilang webcam at tinanong ng kunti to confirm kung anong nakasulat doon sa aking application form. Sinabi nila ang mga kailangan kung bayaran, opening deposit na P500 para sa savings, P250 na insurance at miscellaneous fees, di ko na matandaan kung magkano yon pero maliit lang. Sinabihan ako na the next Thursday, kasi huwebes ako pumunta ere-release na nila ang loan ko at dalhin ko lang yong amount na binanggit nila.

Inaantay ko ang huwebes para e claim ko yong loan ko. Kaya pagka huwebes, nag antay lang ako na etxt ng kaibigan ko, siya din kasi ang branch manager sa Pagasa dito sa lugar namin. Dahil sa sobrang business hindi nya namalayan na tanghali na at wala pa ako. Yon pala dapat 8am nadoon na ako para makuha ko yong check ko issued by Pagasa representative. Hapon ko nang nakuha ang cheke ko, wala namang problema kasi malakas naman ako sa kanila doon. 

Ang kagandahan sa Pagasa meron din silang saving na depende sayo kung magkano ang idagdag mo every week kasi weekly ang bayaran nila. Kung gusto mong malaki ang savings mo pwede mong dagdagan ang savings mo kasi recorded naman yon. Problema lang, walang interest ang savings mo sa kanila.

Every cycle na nakompleto mo, on your next reloan may additional na P5,000. Unang loan ko po ang approved amount was P20,000. Then my second loan was P25,000 at itong ngayon malapit ko na rin ma kompleto P30,000. Ang Savings ko sa kanila nasa P15,000 na rin. Maliit lang ang interest sa Pagasa, nasa 4% lang every month at payable within 6 months. Kaya hindi mabigat sa bulsa at sa kalooban. 

Kung interested kayo sa Pagasa, at hindi nyo alam ang office nila, magtanong lang kayo sa brgy office nyo kung saan ang opisina nila. Bago sila mag bukas ng office kukuha muna sila ng mga permits sa brgy kaya mas maganda sa brgy kayo magtanong. Dito sa amin, kilalang-kilala ang Pagasa, dahil mahigit sampung taon na sila dito sa Pilipinas kaya maraming lugar na kilala na sila pati company logo nila.

To know more, check out their website: CLICK HERE!

23 comments:

  1. paano po mag apply sa general loan? at ano po mga requirements?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pumunta lang po kayo sa kahit saang branch ng Pagasa na malapit sa lugar nyo para mag-apply. Ugaliing magdala ng valid id, payslip, brgy clearance, 2x2 id picture at whole body picture with your wife or husband. Kung mag-apply ng business loan, magdala ng brgy or mayors permit, dti at ITR.

      Delete
    2. may branch ba dto.sa antipolo

      Delete
  2. Replies
    1. na mention na sa itaas, pumunta kayo sa office nila.

      Delete
  3. Ako po mag apply po ako mg loan taga brgym.caysio sta.maria bulacan po ako

    ReplyDelete
  4. Paano po mag apply,my branche po kau dito sa asturias,cebu city

    ReplyDelete
  5. My branch po kau sa asturias cebu city

    ReplyDelete
  6. My branch po kau sa asturias cebu city

    ReplyDelete
  7. Napakawalang kwenta kausap ng mga pag-asa d2 s lugar namin..pinaasa lang kami n makakareloan kami..dahil s walang kwenta nila dahilan para d kami makapagloan ulit samantalang wala kaming pass s paghuhulog..pinipilit pa nilang inorient nila kami about s rules and regulation nila..kaya naman nakakagigil ang mga staff nila d2 s mandaluyong kasi pag nasiraan ka ng staff nila hindi ka na makakapagloan ulit kahit wala ka naging problema s paghuhulog..at 4 my part pupuntahan namin ang brgy. Na nasasakop s kanila para malaman kung bakit ganun ang ginawa nila sa amin kasi nakakainis pinaasa nila kami sa wala..kailangan ipaliwanag nila sa amin kung bakit ganun ginawa nila sa amin..almost 4 weeks kami nila pinag-antay at nung matatapos na kami sasabihin nila n hindi kami inapproved s loan namin..d b wala cla kwenta kausap.samantalang updated kami s pagbabayad.

    ReplyDelete
    Replies
    1. May kanya-kanyang dahilan ang bawat branch kung bakit hindi nila pinaloan or pina-reloan. Nai-forward ko na po ito sa isang branch manager dito sa lugar namin. Inform kita kong may feedback na ako galing sa kanya. Thanks

      Delete
  8. Sa nagpost nito help us n masagot kung naging patas b cla s amin

    ReplyDelete
  9. San po ba office d2 sa caloocan city??

    ReplyDelete
  10. May branch po ba dito sa tanza cavite? Slmat po sa sagot

    ReplyDelete
  11. san po ba may malapit ng opisina dto po ako sa navotas

    ReplyDelete
  12. My office po kayu dito sa cebu

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.