Palatandaan na Isa itong Fraud o Scam
Nanalo sa isang promo:
Nakakatanggap ka ng txt na ikaw ay nanalo sa isang promo na hindi ka naman sumali. Kung nag-iisip ka, hindi ka talaga kakagat sa mga ganitong stelo. Tatanongin mo ang iyong sarili bakit ka nanalo? E flashback mo ang iyong isip kung meron ka bang sinalihang promo o ano mang pakulo sa TV o sa Radio. Kung ang sagot ay wala! Wag mo ng pansinin ang text na ito.
Bakit marami ang naguyo sa mga modus na ito? Ito'y dahil sa ating kasakiman. Gusto natin magkapera sa madaling paraan na walang ka effor-effort. Kadalasan sa naging biktima ay yong mga inosenteng tao lalo na't walang alam sa social media na laging pinagmulan sa mga pangunahing balita tungkol sa Fraud at Scam. Bilang Smart Padala Center, marami na akong nahuling transaction sa mga na scam. Kaming tumatanggap sa padala magtataka bakit after isa o dalawang oras magpapadala na naman sila uli. Sa transaction slip nilalagay nila ang relationship nila sa receiver, kadalasan relatives nila ang tatanggap kasi yon din ang utos sa kanila ng mga scammer pero pag nahuli mo sila aaminin na hindi pala nila kilala.
Kung totoo kang nanalo, hindi ka pababayarin ng kahit ano maliban nalang sa mga sasakyan o mga gamit sa bahay na hindi tax free pero CASH ang pag-uusapan. Lahat nga kailangang bayaran ay ibabawas sa halaga ng iyong napanalunan. Libre lahat at walang bayad kaya wag mong intindihin ang mga babayarin. Kaya kung sasabihin nila na kailangan mong maghulog sa SMART PADALA para ma CLAIM ang iyong prize, aba'y magdalawang isip kana. Hindi totoo ang sinasabi nila.
Nakakaawa ang mga taong naging biktima. Dahil sa kagustuhang magkapera lalo na't nangangailangan din sila ng pera sa oras na iyon, kakagat talaga sa pain ng mga scammer. Pagkausap mo sila tapos mong mahuli at sabihin sa kanila na naging biktima sila sa scam, kitang kita sa mga mata mo na nanginginig sila at nakakaawang tingnan. Gusto mong tulungan pero napakahabang proseso dahil masyadong maluwag ang bastas ng ating bansa. Yong biktima kadalasan hindi na rin maghahabol dahil mas lalong lalaki ang gastos nila paghabulin pa nila ito. Na scam na nga dagdagan pa ng mga gastos sa pag asikaso ng mga kailangan report na gagawin pati documents na kailanganin.
Isa lang solution dyan, umiwas sa mga ganung deal. Lalo na't sinasabihan ka sa katxt o kausap mo na wag maingay, at kayong dalawa lang nakakaalam dahil malaking halaga ang pinag-usapan. At tamis ng mga salita nila, sino bang inosente na hindi madadala sa mga magagandang salita at pangako?
Kaya ang magiging payo ko sa lahat wag agad magpapadala ng pera sa kahit kanino. Mag-isip at suriin muna ng mabuti, magtanong sa mga kaibigan, kamag-anak o kapitabahay. Wag mahiya kumunsulta sa mga may authority. Maging mapagmasid po tayo dahil ang may masamang loob laging naghahanap ng mga pain para tayong kakagat at mahuli nila sa bitag. Mag-ingat lagi mga kababayan at kaibigan.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.