Wednesday, November 01, 2017

Pera Agad Interest - The Fact

Marami ang nagsasabi na sobrang laki daw ng interest ni Pera Agad compared sa ibang lending companies. Kanino kaya lending company kaya nila kinompara ang Pera Agad? Ang matunog lang naman ngayon ay ang Tala, Moola, Fuse at Pera Agad. Kung sa Tala, halos pareho lang ng interest kay Pera Agad. Bakit ko nasabi yon? Ang starting loan kay Tala ay P1,000 ay payable weekly din after 21 days ang total na babayaran mo ay P1,150. Kung pipiliin mo ang 30 days ang total na babayaran mo ay P1,215. Two hundred fifteen ang babayaran mong interest sa loob ng isang buwan kay Tala Philippines. 

However, kay Pera Agad P2,000 ang starting loan nila pero ang ibigay kung computation ay yong sa P3,000 kasi doon ako nag-umpisa. Tulad kay Tala, weekly din ang payments. Sa P3,000 loan ang weekly na babayaran mo ay P838. Apat na linggo sa isang buwan, ang total na mababayaran mo ay P3,352. Meaning, P315 ang total interest na binayaran mo within 30 days.

Yong sinasabing mas mababa ang interest ni Tala compared kay Pera Agad, kailangan nating paghambingin. Ang based natin ay 30 days or isang buwan. Dito natin makikita kung kanino mas malaki ang interest sa dalawang malakas na lending company.

Kay Tala sa P1,000 loan mo magbabayad ka ng interest ng P215 sa loob ng isang buwan. So kung P3,000 ang loan mo kay Tala, P645 ang magiging interest  nito sa isang buwan. Ang P3,000 mo ang magiging balik ay P3,645. Samantalang kay Pera Agad, sa P3,000 mo P352 lang ang interest sa loob ng isang buwan. Halos kalahati ang difference nito compared kay Tala. 

Bukod sa interest na malayo ang kaibahan. Sa terms din ng pagbabayad mas lalong malayo si Tala kay Pera Agad. Alam nyo kung bakit sila magkaiba? Si Tala, all your succeeding loans ay payable within 21 or 30 days. While kay Pera Agad, on your first loan lang sila magiging 30 days term. On your succeeding loans, you have the option to choose kung gusto mo from 4 weeks up to 16 weeks. Mas magaaan kay Pera Agad compared kay Tala.

Dito lamang si Tala, kapag laging ON TIME ang bayad mo at mataas ang Credit Score mo kay Tala, pwede kang e grant ng loan up to P25,000 samantalang si Pera Agad ay hanggang P10,000 lang. Problema lang kay Tala, nakaka pressure maghabol ng bayarin sa loob ng isang buwan tapos ang laki pa ng amount at malaki na rin ang interest.

Therefore, kung e based natin sa computation ang lahat mas maliit ang interest kay Pera Agad compared kay Tala. Bukod doon pwede mo rin pahabain ang terms of payment mo kay Pera Agad para mas magaan sa bulsa at minimal lang ang interest. Kaya kung ako sayo, pagbutihin nyo ang pag-apply kay Pera Agad kung qualified ang sim nyo to avail the loan.

4 comments:

  1. Yeah right. Mas mababa nga sa pera agad. Proven and Tested ko na... Mas mababa rin interest kapag reloan na at wala ng processing fee.

    ReplyDelete
  2. Pwedi po bang mag apply khit alang bank acount

    ReplyDelete
  3. Pwedi po bang mag apply khit walang bank acount?

    ReplyDelete
  4. Down po ba system nila ngaun? Bkit d aq mkpag loan

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.