PERA AGAD -MGA DAPAT IWASAN

Share:
Dahil sa sobrang baba ng interest kay Pera Agad ang dami nag-apply at lalong dumadami ang nakapasa. Napansin ko ito kasi dumadami din ang mga lumalapit sa akin para magpatulong upang ma CLAIM nila ang kanila mga approved loan. Sa pamamagitan lamang ng pagbigay ng kanilang REFERENCE NUMBER sa akin at ipapa-process ko ito gamit ang aking SMARTPadala cellphone at may charge na 2% perang pumasok sa account ko galing sa loan nila. At ako na po bahala magpapadala kung saang lugar gusto nila at anong padala centers ang kanilang napili. Sila po ang mag shoulder ng padala fees. Pero I recommend Palawan at Cebuana.

Dahil ang Pera Agad ay online ginagawa ang application at karamihan nahihirapan intindihin ang mga terms and condition nito. Sa napansin ko sinasabi naman ito sa mga umuutang during sa conversation through phone bago ma release ang kanilang pera kaso lang dahil sa sobrang excited natin hindi natin pinapakinggan ng mabuti ang sinasabi ng agent satin.

Ang unang loan sa Pera Agad ay nagsisimula sa P2,000 at babayaran ito weekly. Ibig sabihin apat na linggo mo itong bayaran. Ang advise ng company, bayaran ON TIME or before your due date. Bakit mo gagawin ito? Dahil sa pagsunod ng terms and condition nila, tataas ang ating CREDIT SCORE sa company at malaki ang chance na makakautang pa tayo uli from them. Napaka dali lang naman gawin non kung nag-iisip ka talaga na may responsibilidad kang tuparin kung ano yong pinapangako mo doon sa LOAN AGREEMENT na ina-acknowledge mo during your loan application process.

Ang nangyari,  marami pa ding nakalimot bayaran sa tamang panahon at iba sinadya pang gawin ito. Ang pinagkasunduan ay bayaran mo ON TIME at pumayag ka nito. Bago kasi ma release ang loan mo, binabawasan ito ng 10% PROCESSING FEE. Ito'y pwede maibalik sayo kung sumunod ka sa napagkasunduan at nakompleto mo ang bayad sa loob ng apat na linggo. Sayang din yon kung hindi naibalik sayo pero marami ding hindi naghahabol sa processing fee na maibalik. Bukod sa hindi na maibalik sayo, may penalty ka pang babayaran. Ang resulta, masisira ang CREDIT SCORE mo sa Pera Agad at ito'y maging grounds na hindi kana papahiramin nila.

HALIMBAWA!
Maraming may loan sa Pera Agad na hindi nakabayad sa tamang panahin na pinagkasunduan. Lumampas ito ng isa o dalawang araw. Para daw MAKABAWI, binayaran nila ang lahat na balances. FULLY PAID NA ANG KANILANG LOAN. Masaya siya kasi bayad na at pwede na uli mag RELOAN. Do you think makakapagRELOAN pa siya? 

Ganito ang scenario, nangako ka na magbabayad ka sa tamang panahon pero hindi mo ginawa. Nilabag mo ang napagkasunduan. Reason mo may emergency kaya hindi ka nakapagbayad. Do you think valid reason yon? MALAKING HINDI! Bakit? Kasi sa terms and condition na nag-agree kayo, hindi nakasaad doon na pwede kang mag delayed ng payments pag may emergency. Wala pong nakasaad doon kaya, pag hindi ka nagbayad automatic bagsak ang CREDIT SCORE mo. Sa madaling salita, doon sa CREDIT SCORE nagbi-based ang evaluator kung ituloy nila ang application mo for a RELOAN.

Pagnagkamali kayo at hindi nabayaran sa tamang panahon ang inyong loan, wag kayong umasa na ma-a-approved pa ito. Magiging 50/50 po ang pwedeng mangyari sa loan nyo. Siguro kung malambot ang puso ng nag evaluate sayo, pwede ka nyan bigyan ng second chance pero kung matigas ang puso ng naka-assign to evaluate your application, siguradong DECLINED kayo. Pero hindi mo sila masisi kasi ikaw naman ang hindi tumupad sa napagkasunduan. Kaya kung gusto mo pang umutang ulit, wag sirain ang CREDIT SCORE sa kahit anong lending company or sa isang private na tao.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.