Taliwas ito sa nakasanayan kung isulat tungkol sa Pera Agad. Dati panay depensa at pagtatanggol ang ginawa ko para kay Pera Agad, ngayon medyo naiba kasi naranasan kong makausap ang isang bastos na agent nila nong tumawag ito sa akin habang nasa byahe ako paluwas ng Davao City for some important matters. May tumawag na sa akin kahapon, reminding me na due date ko ngayon. I confirmed sa agent na si Mam Jennelyn na I will settle my loan today dahil ako lang naman din ang gagawa non kasi Smart Padala Center ako. Nag thank you na po sya at binaba ang telepono. More than a month na ako kay Pera Agad at pareho naman ang tono ng mga tumawag sakin, for reminders lang na papa due na ang loan payments ko.
Pero iba ang nangyari kanina. Nong tumawag siya kanina saktong nasa daan kami at UV Express ang sinakyan ko. Siguro naman alam na natin ang UV express na medyo masikip talaga at ang bilis pang magpatakbo. Sinagot ko ng maayos kasi naka phonebook na yong number at Pera Agad ang lumabas. Nag follow-up siya sakin na due date ko today. Sagot ko naman "mam ipa-process ko yan mamaya kasi na byahe pa ako at isa akong Smart Padala Center." Sagotin ba naman ako "Sir wag mong sirain ang credit score mo sa amin, remember nakinabang ka sa pera na hiniram mo, ano ang exact address mo?" May tonong paninindak. Sige mam Ttxt ko nalang sayo ang complete address ko kasi nasa byahe ako at hindi kita masyadong marinig. Sumagot na pasigaw "sir hindi namin kailangan na etxt mo samin ang address mo kasi hindi lahat ng text nababasa namin. OK mam, yon ang sagot ko at ang dami pa nyang sinasabi kaso lang hindi ako makapagsalita ng maayos dahil ang tumakbo ng UV.
Isa pa hindi ko ugali makikipag usap ng matagal habang nasa byahe. Alam yan ng mga tumatawag sakin nitong araw na magpapa process ng mga payments nila. Marami din tumatawag kanina sakin informing me na nahulog na sa palawa or sa cebuana ang pambayad nila pero hindi ko kinausap ng matagal kasi maraming tao at isa pa nababadtrip ako sa mga taong lakas makikipag usap habang nasa loob ng UV. Kaya ako todo iwas din baka meron ding maasar sa akin habang kinakausap ang kung sino man tapos ang lakas pa ng boses na walang pakialam na mayrong mga tao sa paligid. Kaya, ayon...OK ng OK nalang ako at sinasabi ko sa isip ko humanda ka sakin pagbaba ko ng UV.
After few minutes nakarating ako sa tapat ng BDO, Buhangin branch sa Davao City. Pumasok ako at nag deposit para sa SMART PADALA ACCOUNT ko. Nong natapos na, pagkalabas ko sa BDO, tinawagan ko agad yong number na tumawag sakin para kausapin kung bakit ganon ang tuno nya. Na muntik ko ng masabihan sa UV na mam, naka drugs kaba o may dalaw ka? Hindi porket meron akong loan sa inyo ganon na ang trato nyo sa amin. Kaso lang ibang babae ang nakasagot at familiar sakin ang boses yong tumawag kahapon si Ms Jennelyn. Tinanong nya ako kung bakit ako napatawag. Sabi ko, gusto kung tanungin kung anong problema nong babaeng tumawag couple of minutes ago lang bakit ang bastos nyang makikipag usap sa akin.
Due ko pa lang today at imagine 12:30 palang tapos ang dami na nyang sinasabi akala nya itakbo ko yong pera ng company. Siguro pwede syang mag asta ng ganun kung after due date ko at hindi ako nakakabayad. Tanghaling tapat at ang haba pa ng araw hanggang 12midnight pa pwede akong magbayad. At sinabi ko kay Ms. Jennelyn, kaya lang ako nagloan ay para ma experience ko yong serbisyo nyo at meron akong ma-e-share sa mga nagbabasa ng blog ko. Nong binanggit ko na blogger po ako Mam at dahil sa blog ko nakilala ulit kayo dahil marami po ang nagsasabing mga paasa kayo kasi hindi nila ma CLAIM ang loan nila ang ang laki ng processing fee nyo. Pero pinagtanggol ko kayo dahil hindi naman talaga totoo. Kung hindi ako nagloan sa inyo, sa tingin mo may masasabi ba akong positibo tungkol sa inyo syempre wala, at malamang kasama din ako sa kanila na magsasabing hindi maganda ag serbisyo nyo.
Medyo nanggagalaiti din ako kasi hindi ako sanay ng ganung pangyayari. Wala po akong utang na tinakbuhan instead ako pa ang tinakbuhan ng mga nangungutang sakin nong nasa abroad ako. Nakailang beses humungi ng paumanhin sa akin si Ms Jennelyn. Ang tugon nya, papa imbestigahan daw nila sa support. Hindi ko rin kasi nakuha ng maayos ang pangalan nong tumawag kasi nasa sasakyan at ingat ako sa aking pananalita dahil puno yong UV at sobrang sikip. Pero sinabihan ko si Ms Jennelyn, even hindi ko nakuha ang name pero you can trace kung sino yon kasi all outgoing calls are recorded, anong oras at cellphone ang ginagamit. Wala sila sa palengke na manual ang transaction. Malaking company ang Pera Agad, kaya alam ko, ALL are recorded incoming at outgoing calls ko kanino sila tumatawag at kung sino tumawag.
Ginabi lang akong nakarating sa bahay at alam ko wala ng sasagot sa tawag ko kasi gusto ko sila kausapin uli tungkol sa inaasta nong agent nila. Lesson learn both sides pero I am sure wala akong mali kasi hindi pa ako past due. Sya talaga ang mali na hindi ko alam baka lumanghap ng isang boteng RUGBY nong gabi.
Sinabihan ako ni Ms. Jennelyn na tatawag sya uli to give me feedback tungkol don sa nangyari pero hindi ko na po aantayin na may feedback. I will do the first move para mabigyan ng leksyon yong Bastos na agent. I can pay my loans kahit ngayon na para lang maputol ang ugnayan namin pero kailangan ko pa silang makausap dahil mawawalan din sila ng mga client pag lagi nila itong gawin sa mga taong merong utang sa kanila. Di porket may utang tayo, basta-basta nalang tayong pagsasabihan ng mga hindi magaganda. Isa pa hindi pa tapos ang araw ng due date ko, hindi sya dapat umasta ng ganun.
>>>>TO BE CONTINUE
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.