Tuesday, November 07, 2017

PERA AGAD -PAY ON TIME

Every lending companies meron kani-kanilang mga terms and conditions na kailangan mong sundin at tuparin bilang isang loan applicants. Tinitingnan din nila ang iyong performance lalo na sa pagbabayad ng utang mo sa kanila. Ang Pera Agad ay isa lang sa kanila. Meron silang tinatawag na CREDIT SCORE or credibility performance na doon nila e based ang susunod mo pang transaction sa kanila lalo na sa RELOAN.

Hindi lahat na nakabayad na ay na-aprobahan ang kanilang RELOAN. Nagtataka nga ang iba bakit na denied yong application nila, eh nabayaran naman nila ang buong amount na hiniram. Yes tama ang nababasa ninyo, hindi lahat na nakapagbayad na ay inaprobahan na maka-reloan. Bakit kaya meron ganong sitwasyon? Ano ang problema na nasisilip sa kanila especially on their first loan?

Akala kasi ng karamihan, pwede na lumampas sa tinakdang araw ng bayaran at para makabawi, babayaran nalang ng buo ang natitira pang linggo tapos mag-a-apply ng reloan. Hindi po ganun ang basihan. Kailangan mong pataasin ang CREDIT SCORE mo sa kanila para pagbigyan ka nila sa mga kahilingan mo. Paano ba pataasin o palakihin ang credit score mo sa Pera Agad? Simple lang ang hinihiling nila, magbayad kalang sa napagkasunduan araw para po gaganda ang credit performance mo sa Pera Agad. Hindi nila ini-encourage na bayaran mo ng buo ang iyong first loan kahit isang linggo palang ito para lang makapag reloan.

Ang advise nila, taposin nyo muna ang apat na linggo na napagkasunduan sa unang loan mo para ma evaluate nila kung paano ka sumusunod sa mga terms and condition. Kapag nabayaran mo na ang unang loan at ON TIME mo itong nabayaran. One hundred percent na papasa ka sa second loan mo at lalaki pa ang magiging approval amount.

Ang pinakasekreto para makapasa ka sa second or succeeding loan application, ugaliing magbayad ON TIME, at panatilihing maganda at maayos ang credit performance mo na lahi sumusunod sa mga terms and condition na binigay ng Pera Agad. Walang rason na makalimotan mong bayaran ang loan mo kasi 3 days before the due date may txt kanang matanggap galing sa Pera Agad at 2 days bago ang due merong isang agent na tatawagan para e remind kayo na due nyo na kinabukasan at e confirm kung makakapagbayad ka sa loan mo.

Kaya para makapagpatuloy sa pag utang kay Pera Agad wag maging pasaway. Siguraduhin na meron kang pambayad sa inutang mo bago pa ang due date nito para hindi kayo makakaranas ng sakit ng loob pag na denied ang reloan dahil mababa ang credit score nyo. PAY YOUR LOAN ON TIME PARA MAKA RELOAN DIN KAYO ON TIME. Wag masyadong greedy kasi napapansin din ito ng mga evaluator ng Pera Agad.

7 comments:

  1. Replies
    1. No need credit cards. You can apply without CC.

      Delete
  2. panu ba mag applay sa pera agad diko makita kc fifill-upan na form d2 sori...please help nman

    ReplyDelete
    Replies
    1. Basahin nyo po ang tungkol sa Pera Agad na mga post dito sa ating blog nandon ang guide paano gawin.

      Delete
    2. What if nangungupahan lang po??

      Delete
  3. What if kung nangngupahan lang po...

    ReplyDelete
  4. What if kung nangungupahan lang??

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.