Pera Agad Penalties

Share:
Kung Pera Agad client kayo sana alam nyo ang mga kaukulang mga penalties na ipinapataw ng company pag sakaling hindi kayo nakakabayad sa tinakdang panahon. Marami ang nakakabayad ng ON TIME pero hindi maiiwasang marami din ang kinapos sa budget at lumagpas sa due date bago ito nabayaran. Sa website ng Pera Agad pwede nyo ma downloan ang LOAN CONTRACT nyo from your account at pwede nyo itong basahin para pero hindi ko alam kung kaya nyo basahin ang 79 pages na kontrata. Pano nyo ito ma-access? Sa broweser ninyo, just key-in Pera Agad web address www.peraagad.ph at e click ang ACCESS DOCUMENTS, merong maliit na window magpa pop-up at e enter nyo ang inyong DPIN at cellphone number na nakalink kay Pera Agad. Makikita nyo ang ang loan details nyo, magkano ang approved at sa dulo nito merong CONTRACT at click DOWNLOAN.

Ano ang maari mong matuklasan sa contract? Mababasa nyo po ang penalties kung sakaling hindi kayo makakabayad ON TIME. Karamihan sa hindi nakakabayad sa tinakdang panahon, binayaran nila ang kanilang outstanding balances buong akala nila ay bayad na sila. Hindi rin nagpapadala ng text ang Pera Agad kung magkano ang oustanding balances bago matapos ang kanilang terms. 

Sana ma asksyonan ng Pera Agad na dapat madagdag sa system nila ang queries with specific format para malalaman ng mga client kung magkano na ang babayaran nito bago pa sila maghulog ng bayad sa mga participating bayad partners like Perahub at SmartPadala. Sana pwede na itong magawa ng client ang text queries at mag re-rply ang system sa outstanding balance kasama na ang penalties nong mga weeks na hindi nabayaran ON TIME.

Ang nangyayari kasi ngayon, saka na nagtetext o tumawag ang Pera Agad informing the client na meron pa ito balance sa kanila dahil sa penalties na nangyari nong mga weeks na nagpast due sila. Akala ng clienta ay cleared na sila at inaasahang makapag reloan agad. Ang nangyari, karamihan sa mga balances ay hindi na umaabot sa P150 kung saan ito ay ang minimum amount na pwede ibabayad sa Pera Agad through SmartPadala. Problema sa mga client na meron pang balances, naunsyami yong excitement nila para makapagreloan. 

Para ma cleared ang kanilang balances, kailangan nilang magbyad ng sobra sa kanilang balances para lang maabot ang P150 pesos amount at ma transact ito sa SmartPadala. Ang Pera Agad ay nag advise na kung sakaling magbabayad ng below P150 pwede itong gagawin sa 7-Eleven. Ang problema kung ang client ay nakatira sa mga areas na wala pang 7-Eleven at tanging SmartPadala lang ang pwede mahulogan ng bayad. Hopefully ma sort out na ito ng Pera Agad.

Paalala: Lagi nating tandaan na dapat magbayad tayo sa tinakdang panahon. Kung sakaling ma delayed tayo at ma past due, bago maghulog ng bayad siguraduhing natawagan ang Pera Agad at tatanungin kung magkano ang amount na dapat niyong babayaran para walang aberya at makaka reloan kayo agad sa kanila.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.