Pera Agad -Processing Fees Refund

Share:
Lahat ng mga na approved ay excited dahil makukuha na rin nila ang kanilang pera galing sa Pera Agad. Pero nong nalaman nila na may bawas itong 10% para sa processing fee, biglang natahimik at nag-iisip bakit ang laki? Nainis ang karamihan pero ang iba naman OK lang sa kanila. Alam nyo kung bakit? Ito'y dahil ibabalik naman ito sa kanila. Nong ipinaliwanag kasi ang mga terms and condition hindi natin naintindihan dahil sa sobrang tuwa at excitement. Kaya nong nahimasmasan na, aw! ibabalik naman pala.

Lagi nating tandaan na ang processing fee ay mangyayari lamang sa first loan. Wala ng processing fee sa second loan at sa mga succeeding loans mo. Sa first loan tayo susukatin kung ON TIME tayong magbabayad. Kasi kapag hindi, bukod sa may chances na hindi kana makakapag reloan, meron ka ring penalties na babayaran. Masaklap pa doon, sa kadahilanan na gusto mong ma fully paid ang loan, agad mo itong babayaran without knowing na meron kapang mga penalties. Saka mo malalaman na may balance kapa after the day na nabayaran mo. Kaya magtataka ka tatawag uli ang agent ng Pera Agad sayo, akala mo makaka reloan kana. Kaya, para maiwasan mabuting laging ON TIME ang pagbabayad, wag hayaan mag past due kasi ang penalties ay sa huli mo na mababayaran. Ang masama P150 ang minimum na pwedeng e transact ng SmartPadala sa bayad mo kay Pera Agad.

Good news! sa lahat na nagbabayad ng ON TIME o hindi tinapos ang 4 weeks contract sa kanilang first loan. Alam nyo ba na pag ON TIME kayong nagbabayad, ibabalik ng Pera Agad ang 10% processing fee sa inyo? Ilang minuto lang pagkahulog ng iyong last payment, makakatanggap kana ng REFERENCE NUMBER galing sa SMARTMoney at ito'y pwede mo agad e claim sa SmartPadala centers na malapit sa lugar nyo. Napakalaking tulong sa iyo kung nagbabayad ka sa tamang araw ng due date mo. Kumusta naman yong mga hindi tinapos ang 4 weeks contract to pay? Instead, sa 3rd week binayaran na nila ang kanilang lahat na balanse? 

Based sa mga experience ng karamihan na gumawa ng ganun, naibalik sa kanila ang processing fee more than 10%. Yong interest sana na dinagdag para sa natitirang araw ay binalik. Sa experience nila, yong mga na approved sa P2,000 loan, dapat ang refund ng kanila processing fee ay P200 lang, ito'y nagiging more than P300 na. Di ba maganda yon. 

Na sa inyo ang pagpapasya kung babayaran ng LATE na may penalties, ON TIME na maibalik 100% ang processing fee or a week before your last due date babayaran mo ng buo ang natirang balanse mo. Kung ako ang papiliin mas maganda e fully paid ang balances bago pa ang huling bayad mo sa kanila para malaki ang refund mo. Applicable lamang ito sa first loan kasi wala ng processing fee sa second loan at sa succeeding loans mo.

1 comment:

  1. Sir panu un dko nbyaran n last payment ko nung 26 kc un sim po n gamut ko nakasalpak s cp n Mr nung paalis na dko natanggal sir kya nadala nya in at wala daw dmating na TeX n peraagad.duedate ko nung 26 sir
    Tinawagan ko gamit ang isa sim ko d mkontak sir.nag email.ako pro wala sagut sir.dko alam kung magkanu n penalty ko sir

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.