Mahigit isang linggong paghihintay nagpalit na ng status ang application ko kay Pera247. From BEING APPROVED naging DECLINED na uli. Wala man lang sinabi kung bakit declined. Saan kaya ako nagkakamali? Di ko naman gusto magloan sa kanila pero ginawa ko yon para may maisulat at ma-i-share sa aking mga followers sa USAPANG PERA blog. Iba pa rin yong ako mismo ang nakaka experience kay sa ang ideas ay galing sa ibang tao. Pero hindi tulad sa ibang lending company, isang linggo lang ang pahinga mo pwede kana uli nag apply. Pwede na uli akong mag apply sa November 16 next week. Yon ang nakalagay sa DECLINED page nila.
Sa palagay ko hanggang ngayon hindi pa rin gumagana ng maayos ang kanilang system at apps. Nag-a-adjust pa din ata ang kanilang mga tauhan sa volume ng nag-a-apply. Hindi nila na anticipate na dudumugin sila ng mga applicants na pagka dami-dami. Baka akala nila lalangawin ang kanilang launching. Hindi lang nila alam na matagal na silang inaabangan na lumabas sa Playstore. Sa ngayon ang dami pa ring nagme-message sakin at nagtanong paano makita sa Playstore ang Pera247 apps.
May nakausap akong kasamahan sa GC at pinakita nya sakin ang proof nya na approved kay Pera247 at nakuha na nya ang kanyan pera. P4,000 ang approved loan nya, payable within 30 days.
Meron siyang na-i-share na tips sa akin at malamang dito din ako nagkulang. Ang sabi nya, nong una nyang submission na reject din cya for couple of times dahil ang inapload nyang ID ay PRC. Tapos they advise here to upload another ID. Isa sa mga option doon ang Voter's ID kaya yon inapload nya. Bukod pa doon sa ID, yong selfie din na hinihingi nila. Sa akin ang ginawa ko, nag upload lang ako ng selfie ko pero sabi nya hindi daw yon sapat kasi ang ginawa nya, nagselfie cya kasama ang kanyan ID, parang Tala lang daw ang ginawa at inapload. Baka doon ako nagkulang kasi hindi ko hinawakan ang ID ko.
Tatawag naman talaga ang agent nila to ask some few questions bago paman ma approved ang loan application ng isang applicant. Ang kagandahan maraming options kung paano ma mapasakamay mo ang iyong pera. Maraming supported banks na pwede mo doon e deposit ang iyong pera at e withdraw mo gamit ang iyong atm or over the counter.
Kaya kung gusto nyong mag apply sa Pera247 sundin nyo ang few tips na nakuha ko sa mga taong na approved na. Kunti palang ang na approved kaya sa ngayon limited pa ang idea ko tungkol sa Pera247.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.